Chapter 18

73.3K 2.4K 2.2K
                                    

Sebastian's POV

"Anong nangyayari kay Ma'am Aemie?" bulong ni Lee sa'kin. Tinampal ko ang kamay nyang dumudukot sa kinakain kong Piattos. "Wag kang para-paraan 'dre." sabi ko. Takteng 'to! Makikikain lang dinadalihan pa ako ng kalokohan.

"Sebastian!" tawag ni Miss Aemie.

"Yo Miss Aemie!" tumayo agad ako at lumapit sa kanya. "Nasabi ba ni Zeke kung anong oras sya babalik?"

Putek! Nasabi ba ni Bossing kung anong oras sya babalik? "Maya-maya siguro nandyan na 'yun Miss-"

"Ano ba naman 'yang si Zeke! Sabi ko bilisan eh."

Sinubo ko ang kanina ko pang hawak na Piattos nang hindi inaalis ang tingin kay Miss Aemie. Kanina pa sya palakad-lakad at mukhang inip na inip na.

"Yo Aemie! Gusto mo maglaro ng pusoy?" singit ni Lampe.

Tumigil si Miss Aemie sa paglalakad at tiningnan ng masama si Lampe. "Mukha bang gusto kong mag-laro ng pusoy?"

"Boom basag!"

"Woah chill!" Nakataas pa ang kamay ni Lampe na umatras kaya natawa ako. Maging sila Lee at Boul ay natawa din. "Pakyu." he mouthed kaya lalo kaming natawa.

"Vash."

Muntik pang matapon ang beer in can na hawak ni Boul dahil sa gulat nung bigla syang tawagin ni Miss Aemie. Pfft. Wengya! Ano nga kayang nangyayari kay Miss Aemie? Nag-away kaya sila ni Bossing? O baka naman. Shit! Hindi kaya alam na nya 'yung tungkol doon sa babae?

"M-miss Aemie." nauutal na sagot ni Boul.

Napahilamos ako ng mukha dahil sa naisip ko.

"Mag-usap nga tayo Vash."

Nag-aalangan pang tumayo si Boul pero mabilis pa sa alas kwatro syang tumayo at sumunod kay Miss Aemie na tiningnan sya ng masama.

"Sabi sa'yo may kakaiba kay Miss Aemie eh." saad ni Lee.

"Anak ng! Nagulat ako sa isinagot sa'kin ah."

"Basag ka 'tol 'no?" natatawang asar ko.

"Mukha mo kaya ang basagin ko, Lerwick?"

Humawak ako sa dibdib ko na kunwaring nasasaktan. "Aww battered baby ba ako sa'yo baby Lampe?"

"Ulul! Tigilan mo ako Lerwick. Gwapo kong 'to papatol sa bakla?" Pfft. Ang sarap gaguhin nito ni Lampe eh. "Aww baby Lampe. Ganyanan na ba tayo? Pagkatapos mong angkinin at pagsawaan ang murang katawan ko?" umarte akong nasasaktan kaya binatukan ako ni Lampe.

"Mura ko gusto mo?"

"Hahahaha 'dre. Kalma. Alam mo namang hindi ako pumapatol sa pangit."

Vash's POV

"Miss Aemie." I gulped. Nakatalikod lang sya sa'kin at hindi nagsasalita kaya naghintay ako ng ilang saglit.

"Third party ba dahilan ng paghihiwalay nyo ni Caileigh?" Hindi ko inakalang didiretsuhin nya ako ng tanong. Aish. "Hindi po."

Mabilis na humarap sa'kin si Miss Aemie at tiningnan ako ng mata sa mata. "Kung hindi third party, ano?" seryosong tanong nya.

Ang totoo nyan, hindi ko din alam ang isasagot ko. Naknampucha! "Hindi ko din alam kung ano ang dahilan Miss Aemie. Dahil bigla na lang nakipag-hiwalay sa'kin si Caileigh." At 'yun ang totoo. Gustuhin ko mang itanong sa kanya ang dahilan, hindi ko magawa. Dahil hindi na din nya ako kinakausap.

My Husband is a Mafia Boss (Missing Chapters)Where stories live. Discover now