Allison’s POV
Hindi patin ako mapakali. Ano ba kasi yung <3
“kuya, ano ba yung less than sign at 3?”
Sinubukan kong tanungin si kuya. Malay mo alam niya diba?
“Ha? Edi.. Less than 3. Ikaw, ang hina mo sa math.”
“Oy! Grabe ka kuya ah! Parang siya hindi.”
“Purung siyu hunde.”
Panggagaya niya na siya namang ikinayamot ko.
“Ewan nga sayo kuya. Papasok na ko. Nana, papasok na po ako. Kayo na po bahala sa baliw kong kapatid.”
“Baliw, ikaw ang baliw.”
“Baliw kay ate Nik!!!”
At isinarado ko na ang pinto. *BLOGSH* haha. May galit ba? Si ate Nik? Siya ang magandang girlfriend ng kuya ko. Ewan ko ba kung anong nakita niya sa kuya ko. Sa bagay, mabait naman. Gwapo den. Mapang-asar lang na kapatid.
Sa school...
Pagkadating ko ay agad kong hinanap si Isa para dun lessthan sign and 3 thingy na yun. Di nagtagal ay natanaw ko na ang kotse nila.
“Friiieeend!”
Pagbati niya sakin. Iba talaga ang energy ng lokang ito.
“Hi, friend. Uy may tatanong ako sayo. Alam mo naman siguro na abno ang loka mong bff pero kasi...”
“Ano?”
“Ano ba yung lessthan sign at 3?”
Mukha akong ewan. Madalas ko na yang makita sa facebook pero di ko parin alam.
“Lessthan 3! Ano ka ba Allison?”
“Ha? Eh kasi tignan mo ito oh.”
Pinakita ko sa kanya yung text ni Jhes kagabi at-
“Eeeeeeeeeekkk!!!”
“Bakit? Bad ba yun?”
“Tange! Ang ibig sabihin niyan, HEART.”
“Heart?”
“Oo! Pag may nagsend sayo niyan, love ka niya!”
“Eh bakit ikaw.”
“Oy! Kiss kasi yung akin. Alam mo yun?”
“Oo noh. Colon at asterisk.”
“Oh? Eh bat ang heart di mo alam?”
“Kasi nga abno ako! Tara na nga!
The next day...
5:15pm...
Yan yung oras na pinag-usapan namin. Dito daw sa court. Excited ako na hindi. Ang dami ko kasing expectations. Pogi siya. Mabait. Magalang. Ganun. At hindi nga ako nagkamali sa lahat ng expectations ko. Pero, teka WAIT! Si-
“Allison!”
Pagtawag niya sa akin. Siya?! Siya si Jhesrell?!
“Teka... Ikaw?!”
Gulat kong tanong sa kanya.
“Oo. Bakit?! Anong ako? Ako si Jhesrell!”
Sabi niya. Oh maaais!
“Ikaw. Ikaw si Jhesrell? Yung lalaking nakabunggo sakin nung first year pa tayo?!”
Sabihin mong hindi. Ayoko!
BINABASA MO ANG
A Simple Friend Request
Teen FictionKararating ko lang galing school. Umuwi lang ako mag isa. Or, UMUUWI LANG TALAGA AKO MAG ISA. Medyo loner ako, I mean, LONER talaga ako! Well, ganyan talaga ang buhay ng isang tulad ko. Oo, I have bestfriends pero... Iba talaga eh! May gugusto ba ka...