CHAPTER 31

2 0 0
                                    

SAM'S POV

"Bye guys!! See you tomorrow! Gumising kayo ng maaga ha?" Si Maureen yan, nasa van kaming apat unang binaba si Maureen kasi malapit lang yung bahay niya.

"Oo na! Sige na pumasok ka na!" Sabay sarado ko ng pinto ng van. Sumandal ulit ako sa head rest ng unuupuan ko, bale na nasa likod kami ng driver's seat si Mark ang katabi ng driver ako katabi si Denisse.

"Ang sama mo" napatingin ako kay Denisse, maganda siya, mahaba ang pilik mata niya, yung labi niya mapula yung ilong niya matangos. Kaya mahal ko to eh! Mahal ko siya kase mabait siya sama na din natin yung maganda, matalino, caring, loving.

"Bakit?" Tanong ko, madalang lang to magsalita eh, kaya pagbigyan na natin.

"Kasi nagsasalita pa si Maureen sinaraduhan mo na" kinurot ko ang nose bridge niya at agad naman niyang tinangal ang kamay ko

"Sammuel Dungo!" Hala galit siya! Pay tinawag ka niya sa buong pangalan mo galit na yan

"Ang cute mo kasi!" Sabay gulo ko ng buhok ko

"Ewan ko sayo! Cute lang? Hindi ako maganda?" Ngumisi ako at nilapit ang mukha ko sa mukha niya

"Maganda" sabay kiss ko sakanya, smack lang yon pero nagblush siya

"Naman eh! Sammy naman!"pinalo palo niya pa ako sa braso ko

"Kunware ka pa gusto mo naman"bulong ko sakanya, tinulak niya naman ako.

"Psh! Hindi kaya!" Pinagsalikop ko ang kamay naming dalawa, sumandal siya sa balikat ko.

"Kayong dalawa bakit hindi niyo pa i announce na kayo na? Para hindi na kayo sa kotse nag P-PDA" si Mark

"Eh ikaw? Aber? Si Loreen? Ano na? Anong nagyari sainyo? Mukhang naagawan ka na ni Shawn" hehehe alam kong maaasar ko siya lalo na pag tungkol kay Loreen at kay Shawn

"Hindi naman niya gusto si Shawn na yun, ako yung nauna tska ako yung mahal niya" tumawa ako ng malakas kaya pinalo ako ni Denisse

"Ang ingay mo"

"Sorry babe, tska Mark ang bagal mo tska kung mahal niyo ang isa't isa bakit hindi mo pa siya nililigawan? Aber?" Biglang sumeryoso ang mukha niya

"She needs time, tska parehas niya kaming gusto.... Ayokong guluhin siya... Tska kung totoong mahal niya ako ay ako ang pipiliin, at kung ako ang mahal niya hindi ko kailangan matakot kase sa huli ako parin ang pipiliin niya" lagi talagang may sense ang mag sinasabi netong si Mark.

"K" sabay kiss ko sa noo ni Denisse

"I love her to the point na kung matalo man ako ay tatangapin ko pero hindi ko maiiwasang masaktan" bigla niya yang sinabi

"K" kasabay non ang pagtigil ng kotse sa tapat ng bahay ni Mark, bumaling siya saakin.

"If she didn't pick me I guess talo ako sa Laban pero hindi ibigsabihin non ay patay na ako, nasugatan lang ako magpapagamot ako, pag magaling na ako tska ako tatangap ng bagong pagsubok pero wag mong asahan na malakas parin ako kasi hindi iyon mangyayari dahil nasugatan na ako, hindi na pwedeng magmahal ako ng katulad ng pagmamahal ko sakanya" tska siya bumaba ng kotse.

Grabe tong si Mark, sana nga magtagumpay siya kay Loreen. Pagibig nga naman. Parang war.

"Base sa mga sinasabi niya malapit na siyang sumuko" umayos ng upo si Denisse

"What do you mean babe?" Naguguluhan kasi ako

"Alam niyang puppy love lang siya ni Loreen, alam niyang bata pa sila nung nagkagusto sakanya si Loreen, pero nagyon pwedeng mabago ang paningin ni Loreen sakanya pwedeng maging past first love lang siya, kase may nagparamdam ulit kay Loreen. Konting push pa sakanya ni Loreen palayo ng hindi sinasadya ay susuko na siya kase masyado ng marami niyang natamong sugat sa gyera" napa 0 ang bibig ko sa sinabi niya

"Pero diba first love never dies?"

"It's true pero iba iba ang mga Tao, tska nasa tao yun kung gusto niyang magmahal ng bago"

"Hindi pwedeng sumuko si Mark kung kelan malapit na siya, ang tagal na niyang naghintay"pahabol ni Denisse, umiling iling ako

"Nasakanya iyon kung gusto na niyang sumuko, kung hindi na niya kaya susuko na siya. Tao din siya, may puso siya, hindi siya manhid para balewalain ang mga sakit na naramdaman niya sa Laban, kahit na hindi sinasadya ni Loreen na saktan si Mark, masasaktan at masasaktan parin siya" kasabay non ang pagtigil ng kotse sa tapat ng bahay ni Denisse, tumingin kaming parehas sa isa't isa ngumiti siya saakin at sinullian ko iyon, tska niya ak niyakap.

"I miss you already" sabay kiss niya sa pisngi ko. Tumawa ako

"I miss you more, I love you" hinalikan ko din siya sa pisngi niya.

"Bye" sabay wave niya ng kamau niya, pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Thanks"

"Always welcome, I love you babe" tska ko sinarado ang pinto.

DENISSE'S POV

Hinintay kong umalis ang van tska ako nag door bell. Pinagbuksan ako ng guard.

"Good evening po ma'am" bati saakin ng guard.

"Magandang gabi din po mang karding! Kamusta na po kayo?" Matagal na naming gwardya si mang karding kaya ganyan na lang ang trato namin sakanya, parang pamilya na din namin siya

"At naku ang bait mo talaga! Maayos naman kami, ikaw?" Napangiti ako sa sinabi ni mang karding

"As always po, tska si Maikee po? Asan po siya? Hindi niya po ako pinupuntahan dito, kaya wala po akong makasama sa mall"

"Ewan ko ba dun sa babaeng yun! Hayaan mo at sasabihan ko siya na bisitahin ka"

"Salamat po! Miss ko na din po siya eh! Wala naman po kasi akong kapatid, pero baka po busy siya sa school kaya wag na po"nahijiya kong sabi

"Ay naku! Ano ka ba! Hindi iyon busy! Hala sige na pumasok ka na malamok na baka kagatin ka pa!" Pagtaboy saakin ni mang karding

"Okay po, andyan po ba sina mom to dad?" Tanong ko, baka kasi nasa business trip nanaman sila.

"Wala pa sila, baka bukas pa daw sila maka uwi dahil may importanteng gagawin"

"Osige po, nga po pala, aalis po kami bukas ng maaga, may meet and greet po kami bukas sa batangas, paki sabi na lang po kayna mom at dad na wala po ako"

"Sige makakaasa ka na makakarating yan sakanila"

"Salamat po" tumango siya atska ako naglakad paakyat ng hagdan papuntang double doors.

A/N: hahahahahha!! Sorna kung maikli lang wala pa akong idea na bago eh! Iniisip ko nga yung ending! Hahahahah!! Ano gusto niyo tragic ending o happy ending?

Hmmmm... Parang mas maganda yung tragic hahahaha!!! Joke lang! Pero pagiisipan ko! Hahahahhaha!!!! Sige na babush! 👋👋 Mwuah! 😘😘😍😍

*kisses and hugs*

*-jhenini-*
















Endless LoveWhere stories live. Discover now