Dear Diary,
Kapag minamalas ka nga naman. Lunes na Lunes at eksaktong balik namin sa school, nagkataon namang birthday ko. Medyo sanay naman akong kinakantahan ng buong klase taon-taon, pero 'yong mga sapilitang nagpapalibre ang nakakainis. Ni wala ngang dagdag ang baon ko, paano ako manlilibre?
Kaninang uwian, dahil alam ni Lotlot na ubos na ang baon ko, inilibre nya na lang ako ng lugaw. Kumpleto, diary! May chicharon, itlog, at saka tokwa. May laman pa!
Kaya gustong-gusto ko syang kasama, e, kahit magkaibang-magkaiba kami ng ugali. Galante kasi syang kaibigan kaya minsan, nakakatipid ako. Ayos lang sa kanya kahit hindi ako magbayad ng utang. Kapag utang sa kanya, ibig sabihin no'n, bigay nya na 'yon.
Kailangan ko lang maging punching bag kapag kinikilig sya, tagapakinig ng mga kwento nya kay Robbie na paulit-ulit, tagagawa nya ng assignment minsan, taga-lettering at katulong sa design ng projects nya, tapos kasabay nya palagi pag-uwi.
Katorse,
Ylona
BINABASA MO ANG
The Misadventures of Finding Mr. Right 3
Teen FictionThis diary belongs to Ylona Maria Ibarra, the quiet island girl.