"payatot! payatot!"
"Panget na nga. Ang payat payat pa."
"Mangkukulam ata? Hahahaha"
"UGLY DUCKLING!!"
"Hahahahaha"
Kailan pa ba ako masasanay sa mga panlalait nila sa akin araw-araw? ayt. scratch that. Weekdays lang pala. Tahimik pala at payapa ang buhay ko tuwing sabado at linggo.
PAYATOT, PANGET, MANGKUKULAM, BASURA, UGLY DUCKLING yan lang naman ang mga "COMPLIMENTS" ng mga so-called kong "BASHERS" or "ANTI-SNOW". Oha? sikat na nga ako dahil sa kaanyuan ko. May mga instant bashers pa ako. Feeling ko artista na ako sa lagay ko ngayon. Pwe~
Pake ba nila na ganito ako? hindi nila buhay to. Buhay ko to. Ang lakas nilang makalait. Bakit? sila ba ang nagpapakain sa akin ng tatlong beses sa isang araw? sila ba ang nagpapabihis sa akin? like duh? hindi nila alam kung sino ako. THEY JUST KNOW MY NAME BUT DEFINITELY NOT MY STORY. Pero hindi ko e-pu-publish ang story ko no? Private kaya ang life ko. Hihihihi.
Gusto niyo malaman kung ano ang sekreto ko? Ayoko nga! Private nga diba? tss. Pero... ayt sige na nga. Mabait kasi ako. (minsanan lang toh mga chong =______=)
Hahaha. Natatawa talaga ako pag naiisip ko to. Imagine? Ate Heaven ko. Maganda, Sexy, Matalino, Mabait at sikat na model. Si Kuya Cloud at Kuya Sky naman. Heartthrob sa school at sikat na varsity player. Si Kuya Cloud, varsity sa swimming at volleyball. Si Kuya Sky naman, sa basketball atsaka soccer. Ako? Manang daw kung manamit, Panget, Payatot, Mangkukulam. In short. "UGLY DUCKLING" oha? ako lang talaga ang naiiba sa kanila. Minsan nga.. naiisip ko kung anak nga ba nila ako o ampon o di kaya napulot sa daan o o di kaya iniwan sa labas ng gate dito sa bahay.
Pfft~ pero may pagkakapareha naman kami. Hindi sa pagmamayabang. Matalino kami. Lagi nga kaming Top 1 sa klase eh. From Preparatory to Elementary and now, Highschool. Ayt? ako nalang pala ang Highschool. College na pala sila Kuya at Graduate naman si Ate. About naman sa parents ko.
Si Papa sikat na business man dito sa pilipinas. We own the "Alcantara Business Empire" tapos si Mama sikat na doctor sa sarili naming hospital. Ang "Alcantara Hospital" kami din pala ang may-ari ng skwelahan na pinapasukan namin nila kuya ngayon. Ang "ANONYMOUS ACADEMY" oha? ako ang nag isip sa pangalan ng school namin. HAHAHAHAHA.
Nagtataka din ba kayo? kung bakit di alam ng sambayanang "Anonymous Academy" na anak ako ng may ari ng skwelahan namin? kasi hindi ko pinaalam. Ayokong mapahiya sila mama at papa noh?
Kung kayo ang nasa kalagayan ko. Hindi niyo rin ipapaalam na anak kayo ng isang kilalang pamilya. Dyosa at Pogi man kung tawagin ng iba ang pamilya namin. Tapos sisingit pa ba ako? Haller? hindi pa ako baliw para masira reputasyon ng family ko. Basta ang nasa isip ko ngayon. Magiging swan din ako. Hindi man "NOW SHOWING" but "SOON"
Makikita din nila ang transformation ng isang "UGLY DUCKLING".
Pero pano naman mangyayari yun? Ayoko din naman mag pa retoke. Like duh? I appreciated it and 100% contented of what God gave to me. Tama? POWEER!! Pano kung... Humiling kaya ako? aish.. pero sabi nila be careful what you wish for. Hindi daw natin alam kung ano ang kapalit nito. Think before you wish. Aigoo.. kung totohanin ko kaya ang pagiging mangkukulam? *evil laugh* BWAHAHAHAHAHA *ehem* *ehem* nubayan. Nabilaukan tuloy ako.
"Ambilis talaga ng karma" bulalas ko habang umuubo.
"oh." nagulat naman ako nang biglang may nag abot sakin ng tubig. Sinundan ko naman ang pinanggalingan ng kamay.
"What the?!" sabay awang ng bibig ko.
YOU ARE READING
Be careful what you wish for
RandomSabi nila be careful what you wish for. Ika nga nila.. think before you wish. Baka kasi magsisi ka sa huli. Pero pano naman nung una nagsisi ka na humiling ka pero sa huli nagpapasalamat ka pa? Ang gulo no? ako nga rin eh. Bahala na