eighteen.

8 2 0
                                    

Rie's POV

"Okay ka lang Rie? Rie? Rie! Huy!" Nabalik ako sa ulirat nang alugin ako ni Seige.

Nandito na kaming lahat sa may gym. Nag gather lahat ng students dahil sa naganap na false alarm. Nakatulala pa rin ako.

Di ko maintindihan si Zero. Bakit niya ginawa yun? Naguguluhan ako.

"Saan nanaman ba pumunta utak mo Rie? Naku, malala na yan!" Napatingin ako kay Seige.

"Ang weird" Sabi ko at binaling ko ang tingin ko sa harap. May narinig pa akong bulong sa kanya kaso di ko maintindihan.

Nakita ko si Zero na naglalakad papunta sa may bleachers. Nagtutuyo siya ng buhok niya dun.

"Ang hot talaga ni Mr. None!" Sabi ni Seige habang titig na titig kay Zero. Napabuntong hininga nalang ako. Hinarap ako ni Seige.

"Ano? Navideohan mo ba siya? Kyaaah amina cellphone ko!" Kinikilig niyang sambit.

"Wala eh, di siya nagpiano hehe" Sinoli ko na sa kanya yung cellphone niya. Napasimangot siya.

"Hmp! Hindi siya nakapagpiano dahil sa pesteng false alarm na yan ah! Kagigil yung pumindot nun" Kung alam mo lang Seige haist.

Inannounce na nung principal na false alarm lang ito pero may nakita akong pulis na may hatak hatak na lalaki. Omo! Siya yung lalaking nakita ko kanina! Kaya pala ang creepy niya! Isa siyang bad guy! Tsk.

"You can now go back to your respective rooms" Nagsitayuan na ang mga estudyante. Sumabay na ako kay Seige sa pagbaba.

"Except for Mr. Vargas and Ms. Lou" Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang surname ko.

"Ooh bakit kaya? Ingat ka ah!" Nagpaalam na si Seige sakin at naiwan kami dito sa gym.

Hinarap kami ng principal. May inilabas siyang cellphone at pinakita ang isang cctv footage.

Nanlaki mata ko. Kami to ni Zero! Ito yung time na pinindot niya yung fire alarm! Naku lagot!

"So, what excuse do you have?" Napatingin ako kay Zero. Ang kalma lang niya. Tapos ako, mamatay matay na sa takot. Bwisit nadamay pa ako.

"If I say something, will you believe me?" Natigilan ako sa sinabi niya. Jusko po, bat ganun yung sagot niya? Waaaa

"It depends. What is it?"

"Some strange man will burn this school so I hit the button" Kalmado niyang sagot.

"So, are you pertaining to this person?" Tinuro nung principal yung lalaking naka all black na suot. Teka, paano naman niya nalaman na susunugin niya yung school na to?

Tumango lang siya. Maya maya, hinuli na sa prisinto yung lalaki na yun. Pagkatapos, pinabalik na kami ni Zero.

Habang naglalakad, may napagtanto ako. Tumigil ako sa paglalakad. Napansin niyang tumigil ako kaya napatigil din siya at humarap sakin.

"Zero, may napanaginipan ka ba?"

DREAMS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon