Jannica's Pov:
Kung ako lang ang masusunod, hindi na talaga ako sasama sa mga ito!
Naglalakad na kasi kami papunta dun sa may likuran nang school, at sa totoo lang kanina pa kami lakad ng lakad. Haler, nakakapagod na kaya! Matatapos pa ba kami sa paglalakad?
( =__= )
"Here we are," sabi ni Kai sakin.
Nadatnan namin ang ilang kalalakihang may kung anu-anong ginagawa. Pero napatigil sila nang makita kami or should i say, Sa AKIN sila nakatingin.
"Kai, girlfriend mo?" tanong nung isang nagpapagalaw ng bato.
"Nope, new friend lang," nakangiting sabi ni Kai.
"Sehun, girlfriend mo?" tanong naman nung lumilipad na isa.
" ... Hindi ako napatol sa isang Pan--"
"HEP!" sigaw ko. Tiningnan ko nang masama si Sehun pero ngumisi lang siya. Mukhang nagulat naman sila nang makita nilang ngumiti si Sehun. Anong bago?
"Hey, Jannica. I want you to meet the EXO," sabi ni Kai sakin.
Isa-isa silang nagpakilala. Well, hindi naman ako ganoon katalino para matandaan agad ang mga pangalan nila.
"i'm D.O. , i have an Earth Power."
"ako si Baekhyun, Light ang power ko."
"Luhan nga pala. Telepathy ang kaya kong gawin."
"You can call me Kris, power is Flight."
"Lay, Healing."
"Hi cute, Chanyeol nga pala. Flame is my power, at your service."
"My name is Suho. Water."
"Ako naman si Tao, Kaya kong mag control ng Oras."
"Lightning naman ang kaya kong gawin. Chen na lang itawag mo sakin."
"Hello! I'm Xiumin, Frost ang power ko. Nice to meet you."
Ngayon ko lang napansin na ang gagwapo nilang lahat. Tipong nakuha na nila ang lahat ng kagwapuhan sa mundo! Grabe, ngayon lang ako nakakilala ng mga naggagwapuhang mga lalaki sa tanang buhay ko! And sabihin ko pang magkakabarkada sila!
"Amm, hindi pa ba tayo kakain? Medyo nagugutom na kasi ako," biglang sabi ni Xiumin.
Bigla naman silang nagtawanan at natutuwang nilapitan ito at pinagkaguluhan. Ang iba sa kanila at ginulo-gulo ang buhok nito.
"Si Xiumin ang pinakabata sa amin pero kapag seryosong usapan, mas matanda yan kapag nagsalita sa amin," sabi ni Kai sa akin. Napatango na lang ako.
"Nagugutom na daw ang bata, pakainin na natin!" sigaw ni Suho.
"Anong bata? Hindi ako bata noh!" angal naman ni Xiumin.
"Hindi daw bata. Ang liit-liit mo nga eh, ang cute-cute mo pa!" sabay pisil ni Lay sa pisngi ni Xiumin. Wala namang nagawa si Xiumin kundi ang mamilipit sa sakit.
"hey, Tigilan niyo na nga si Xiumin! Binubully niyo na naman yan!" sigaw ni D.O.
Pinagtawanan lang siya ng mga ito at pati siya ay pinagkaguluhan. Hala, para silang mga batang kapapakawala pa lang sa kuwarda. Daig pa nila ang mga special child. ( =___= )
"Kumain na tayo guys, nakakahiya naman sa bisita nila Kai," singit ni Chen.
Nang hindi tumigil ang mga ito ay bigla nitong tinanguan si Tao. Nakita kong natatawang iiling-iling si Tao sabay pitik ng daliri. Nagulat na lang ako dahil tumigil silang lahat sa paggalaw.
Nagulat pa ako ng itaas ni Chen ang kamay niya sabay labas ng bulta-bultaheng kidlat sa kamay niya saka tumango kay Tao. Pumitik ulit si Tao dahilan para magsipaggalawan ang mga ito.
Idinikit ni Chen ang mga kidlat sa lupa at dumaretso sa mga kaibigan nila. Bigla namang nagtalunan ang mga ito at halatang ramdam nila ang kidlat na dumaloy sa buo nilang katawan. Matapos nito ay nahahapong napaupo ang mga ito.
"Sadista ka talaga, Chen!" sigaw ni Kris.
Pinagtawanan lang sila ng dalawa.
"Perfect partner si Tao saka si Chen. Laging team mate yang dalawang yan. Kapag nga nagsama ang dalawang iyan kapag naglalaro kami dati, kahit anong gawin namin hindi kami nanalo sa kanila," kwento pa ni Kai sa kanyang tabi.
"Ang astig," nakangiting sabi ko.
"Hanga ka na naman," singit bigla ni Sehun sakin.
Lumingon ako sa kanya at tiningnan ko siya ng masama. Wala siyang ginawa kundi ang ngisian ako. Nakakainis yung mukha, grabe! Sarap batuhin ng naglalakihang bato sa mukha! Grr!! ( >---< )
"Kain na tayo guys," yaya ni Kris sa amin.
Napatingin naman kami sa kanila at nakahanda na pala sila. Pero nagulat ako nang hawakan ako ni Sehun sa may kamay at hinila ako papalapit sa mga nakapaikot na mga kaibigan niya. Aangal sana ako pero naramdaman ko na lang din ang paghawak ni Kai sa braso ko.
Saka ko narealise na naka-circle kaming lahat at nakahawak sa isa't isa. Nagulat lalo ako ng hawakan ako ni Kai at Sehun sa kamay. Pero nakapagtatakang biglang may kung anong dumaloy sa kamay ko.
Hindi ko alam kung kay Kai ba iyon nanggaling o kay Sehun pero naging dahilan iyon para bumilis ang tibok ng puso ko.
Saka ko naramdaman ang pagteleport namin...
~EXO GROUP
Nakilala ko sila at nalaman kong iba't iba ang mga katangian nila pero hindi naging hadlang iyon upang hindi sila maging mga malalapit sa isa't isa. Ang weird pero ang cute nilang tingnan habang nagkukulitan silang lahat.
BINABASA MO ANG
EXO Hearthrobs in Hailome University
FanfictionHailome University ~ Unibersidad para sa mga estudyanteng may mga kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Ako si Jannica, isang normal na estudyante na pumasok dito at ito ang kwento ko kasama ang 12 makapangyarihang lal...