**
C H A P T E R T W O
"Pirmahan mo nalang kaya!" utos ko kay Lian. "Ang dami pang arte."
"Uulitin ko na naman ba?" frustrated na sabi niya.
Well, parehas kaming frustrated dito sa loob ng limousine habang pinagdidiskusyunan ang tungkol sa 1hundred Days. Isa rin si Direk BS na malakas mag-trip eh. Months ago, sa isang show kung saan guest ang UNQS at Pentagon, tinanong si Lian kung sino ang gusto niyang maging partner if ever na mapipili siyang participant sa 1hundred Days, sinabi niyang kahit sino sa UNQS wag lang ako. Tapos ngayon kami ang pinagpa-partner? Hay nako.
"Kailangan mo muna akong suyuin at ligawan bago ko pirmahan ang contract. And within ten days, dapat napirmahan ko na yan."
Sinabayan ko na siya sa sinabi niya. Sa ilang beses ba naman niyang inulit kanina yan, kung di ko pa makabisado.
"Pirmahan mo na lang kasi. Wag na maraming arte," inulit ko na naman.
"No way! Sayang ang pagkakataon."
"Sayang ang pagkakataon na ma-bully mo ako nang makabawi ka?"
Ngumisi siya at tumango tango.
Kilalang kilala ko na siya. Alam kong gagamitin niya ang contract para mag-take advantage.
"Ako nga pinirmahan ko agad, eh. Ikaw din dapat."
"Eh hindi naman kita kailangan suyuin. Ang nasa instruction─"
"Ako ang dapat manliligaw," tinapos ko na ang sasabihin niya. Alam ko na eh.
"Alam mo naman pala."
"Ayoko. I back out. Iba nalang kamo ang piliin nilang female participant. Daming kaartehan. Ako pa manliligaw? Diba dapat ikaw kasi lalake ka? Besides, ayaw ko sa ka-partner ko. Mukhang unggoy eh."
"Unggoy, ha? Unggoy?" Nilapit niya ang mukha niya sa akin.
He has a white flawless skin, a beautiful chinito eyes, perfect nose and natural red lips that has a curve to die for. Aside from his eyes, his lips is my favorite. It is his second asset next to his eyes. Maganda ang kurba ng labi nya lalo na kapag nagsasalita siya. It makes me stare at it. Plus his two sexy dimples. Bakit pinagpala ng husto ang unggoy na ito?
Nilagay ko ang kamay ko sa gwapo niyang mukha at tinulak iyon.
"You can't back out. Napirmahan mo na yung contract as a female participant. Once you signed the contract, there's no turning back. So you have no choice but to follow their instructions. The very first one is... court your partner." Ngumiti siya na parang aso. "You can court me by entertaining me, Xiana."
BINABASA MO ANG
Breaking The Last Rule
Teen Fiction"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xian...