Chapter 61

1.7K 50 4
                                    





LISA'S POV


Nang makalabas kami, bumitaw na ako kay clyde. ano ba tong ginawa ko nako naman oh!

"Boyfriend huh!" napatingin ako sakanya, ningitian ko sya

"Ihhh hindi ko naman kasi alam sasabihin ko eh, ayoko mag mukang kawawa sa harap nya, at babawi ako sayo!" sabi ko ngumiti ito sakin saka ako kinurot sa pisngi

"Kahit wag na ok lang yun, tara?" ningitian ko sya saka kami nag lakad at pumara ng taxi

So sila na? pake ko? tss mabuti yun masaya na sya, kesa naman na nag dudusa pa kaming dalawa sa isa't isa... mas ok na yun sakanya na mag mahal ulit sya, atlis nakikita ko na sya masaya

"Ang lamin ata ng iniisip mo ah? may problema ba?" napatingin ako kay clyde, saka ito ningitian

"Siguro inaantok lang ako, mas mabuti na pumunta na tayo sa hotel na binabaan natin ng gamit gusto ko na matulog​" sabi ko, sumandal ako sa balikat nya saka sinimulan pumikit

Masaya na sya, at masaya din ako na makita syang kasaya sa piling ng iba....





JUNGKOOK'S POV

Nandito kami ni Tzuyu sa kwarto ko, wala sinamahan nya lang ako

"Nag kita kayo ulit" sabi nya, habang nakatayo sa may salamin na malaki... napatingin ito sakin

"Ano naman kung makita ko sya?" tanong ko ngumiti ito sakin saka lumapit sakin

"Natatakot ako" sabi nya, umayos ako ng pag kaupo ko sa kama... umupo sya sa tabi ko

"Bakit?" tanong ko hinawakan nya ang kamay ko

"Natatakot ako na bumalik ka sakanya, natatakot ako na baka lumayo ka at itigil mo na ang pangliligaw mo sakin dahil nakita mo sya, kung pwede lang sana kita sagutin ngayon sinagot na kita pero kumuha pa ako ng chempo" sabi nya, ningitian ko sya saka hinawakan ang pisngi nya

"H-hindi mangyayari yun wag ka mag alala" sabi ko, sumandal ako sa balikat nya

"Salamat jungkook, na kahit ang tagal mo na ako nililigawan hindi ka parin nagsasawa." napangiti ako nang marinig ko galing sakanya yan

Masaya ako ngayon sa buhay ko, at masaya narin sya sa buhay nya ngayon... masaya ako para sakanya na masaya na sya....



-------

-kinabukasan-

Nagising ako sa sinag ng araw, napatayo agad ako... wala na si Tzuyu siguro umuwi na sya

agad ako tumayo at humarap sa salamin.... panibagong araw naman lord haharapin ko ulit to

Napansin ako na parang may tumatama na kinang sa muka ko, tinignan ko saan nanggaling yun

hinawi ko ang mga kahon na nakapatong sa lamesa ko, nakita ko naman agad yun

isang singsing​....

Nalala ko na dapat ibibigay ko sakanya to, nandito pa pala to akala ko nawala na... eto yung gustong gusto nyang singsing noon

Ashhh!! ano ba! bakit ko ba iniisip yun!! baliw na ata ako!

Agad ko binuksan yung drawer ko saka nilagay doon... napasabunot ako sa buhok ko

"Maknae​! tara kumain ka na sa baba tapos tulungan mo kami mag ayos mamaya para sa party mamaya" sambit ni Rapmon Hyung, tumango ako saka lumabas ng kwarto ko

When Love Grows (liskook)Where stories live. Discover now