Chapter 2: Shocked
Ryker.
Handa na ang lahat, hinihintay ko nalang ang pag-uwi niya upang sabay na kaming kumain.
Apat na taon na kaming kasal pero wala parin kaming anak, masyado siyang busy sa pagpapatakbo ng kompanya nila kaya siguro wala na siyang oras para saakin, kahit papaano ay masaya parin ako dahil nakakasama ko siya.
Nagring ang telepono ko kaya naman agad akong lumapit sa may ref at inabot ang cellphone ko rito, sinagot ko ang tawag mula kay mommy at hinayaan siyang magsalita.
"Don't forget to come tomorrow okay? It's my important day."
"I know mom, don't worry, we'll be there."
"Okay, goodbye my daughter."
"Bye mom."
Huminga ako ng malalim at nag-isip ng pwedeng iregalo kay mommy, it's her 40th birthday kasi pero hindi parin ako nakakabili ng ireregalo ko sakanya.
Umupo ako at tumingin sa orasan, magmamadaling araw na pero hindi parin siya umuuwi. Nasaan kaya si Aylo at nalate siya ngayon?
Sinubukan ko siyang tawagan pero palagi niyang pinapatay, nagmessage din ako sakanya pero wala man lang siya sagot.
Huwag kang mag-isip ng bagay-bagay Ryker, baka nag-overtime lang siya sa opisina nila.
-
Kinabukasan ay maaga akong nagising, lumingon ako sa gilid ng kama pero wala akong nakitang Aylo na natutulog. Hindi ba siya umuwi?
Bumangon ako at binuksan ang banyo, pero wala siya roon kaya naman bumaba na ako mula sa kwarto at nagtungo sa kusina. Wala rin siya, tinignan ko ang garahe at napansing wala ang kotse nito. Nasaan naman kaya siya?
I dialed his number and after a split of seconds he answered it.
"Hindi ka ba umuwi?"
"Oo."
"Nasaan ka buong gabi?"
"Bakit ka ba nagtatanong? Malamang nasa opisina ako!"
"Bakit ka sumisigaw? Nagtatanong lang naman ako ng maayos eh."
"Mainit ang ulo ko ngayon kaya huwag ka na munang magtanong okay? Sige na, I'll hang up."
Napabuntong hininga nalang ako at pumasok sa loob ng bahay, unang beses niya akong sinigawan ngayon.
May problema kaya sila sa kompanya at mainit ang ulo niya? Punatahan ko kaya siya? Ay, birthday pala ni mommy ngayon. Kailangan kong pumunta sa bahay para tumulong sa paghahanda nila.
Nang matapos na akong magbihis ay agad na akong nagpunta sa bahay, nagdrive ako gamit ang sarili kong sasakyan upang mabilis akong makarating sa bahay.
"Radish!!!!"
Agad na tumakbo papalapit saakin si Vaughn pero pinigilan ko siya gamit ang kamay ko, agad namang lumapit saamin si Kuya Ali at hinalikan ako sa pisngi. These two are my brothers, Vaughn is my so-called twin brother while Kuya Ali is the eldest. Only girl ako na anak nila mommy kaya naman overprotective saakin ang mga kapatid ko lalo na si Kuya.
"Nasaan ang asawa mo?" Tanong ni Kuya
"Office, I guess? Don't worry, he'll be here soon." Sagot ko sakanya
"He should be." Vaughn
Pumasok kami sa loob ng bahay at doon nakita ang nakaayos nang mga mesa at upuan, naglalagay narin sila ng mga bulaklak sa paligid at inaayos narin nila ang chandelier sa gitna.
Hinanap ko si mommy at doon ko siya nakita sa kwarto niya, naghahanda narin siya para mamaya.
"Mom, you're beautiful." I said
"I know right." Nagmamayabang na sagot niya kaya naman napatawa ako. "Where's Aylo?"
"Mamaya siya darating mom, mamaya.."
Nang sumapit na ang gabi ay inihanda na ng lahat ang mga gagamitin para sa birthday ni mommy.
Isang oras nalang at magsisimula na ang party kaya naman nagsisidatingan na ang mga bisita, huminga ako ng malalim at muling naglakad patungo sa malaking salamin na nasa study table ko. Tapos na nila akong ayusan pero hindi parin ako nakakapagbihis ng dress, wala parin si Aylo kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng kaba.
Hindi ko maipaliwanag, basta kinakabahan ako ngayon.
Tumayo ako at tinignan ang black cocktail dress na nasa harapan ko ngayon, hinawakan ko ito at nagdesisyon nalang na isuot.
Muli akong naglagay ng light make-up sa mukha ko at tuluyan nang bumaba, unang hinanap ng mata ko si Aylo pero hindi ko siya makita.
Pansin ko ang paglapit saakin ng mga kaibigan ko
"Uy! Ang ganda natin ngayon ah." Kia
"Parati naman siyang maganda eh, hindi nga siya ipinagpapalit ni Aylo sa iba, yiie!" Napangiti naman ako ng kaunti sa sinabi ni Clara
"Nasaan ba ang asawa mo?" My best friend, Cameron Cass.
"Nasa opisina pa siguro siya ngayon, maya-maya ay baka nandito narin siya." Tumango-tango naman siya at inaya akong magpunta sa table na para saami..
Nagstart na ang party pero wala parin si Aylo, hindi ba siya makakapunta ngayon?
Tumayo ako at napatigil nang tanungin ako ng mga kaibigan ko.
"May tatawagan lang ako."
Naglakad ako kung saan tahimik at pumasok sa kwarto ko, idinial ko ang number ni Aylo pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Trinack ko ang number niya at tama nga ako, nasa opisina parin siya ngayon. Nag-aalala na ako, baka may masama nang nangyari sakanya. Kailangan ko siyang makita upang mapanatag ang kalooban ko.
Saktong paglabas ko ng kwarto ko ay nakasalubong ko si mommy, niyakap ko siya ng mahigpit at ibinigay ang reaglo ko sakanya.
"Mom, I have to go."
"Where?"
"Sa opisina, may problema kasi eh."
"Okay, take care baby."
"Yeah, happy birthday again. I love you, mom."
Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinabi ko gayong si Aylo talaga ang sadya kong pupuntahan, ugh!
Basta nakapag-excuse ako kay mommy, kailangan ko lang makita si Aylo ngayon.
Nagdrive ako patungo sa kompanya nila at halos wala na akong makitang tao bukod sa mga guard, lumabas ako ng sasakyan ko at pumasok sa loob. Binati naman ako ng mga guard kaya ngumiti nalang ako, pumasok ako sa elevator at nagtungo sa opisina ni Aylo. Pagbukas ko ng pinto ay wala siya roon, naglakad ako patungo sa isa pang pinto kung saan mayroong mga couch at kung saan naroroon ang mga libro niya.
Pinihit ko ang pinto pero nakalock iyon kaya naman kinuha ko ang susing mayroon ako sa sling bag ko, pagbukas ko ng pinto ay agad kong nabitawan ang susing hawak ko dahil sa pagkagulat sa nakikita ko ngayon.
"Oww."
"Ryker?"
Napaatras ako ng kaunti at tumakbo nalang ng malayo, agad akong nagdrive paalis at hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.
Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa mga pisngi ko at inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Hinampas ko ang manobela at patuloy parin sa pag-iyak.
"AHHHHHH!!"
-