CHAPTER 30 - Terrace

43 2 0
                                    

Mga Petmalu na lodi!
Bes! Huling Chapter na to! Whoo!
May Epilogue pa! Party! Party!

[Now Playing ♪ Super Far by LANY]

Paggising ko ay naka-ayos na lahat ng kalat sa kwarto ko at naka-alis na rin sila Nicole at Trisha.

Lumabas muna ako para bumili ng mainit na kape pero natigilan ako ng may nakita ako sa pinto ng kwarto ko.

Agad ko itong kinuha at binasa ang papel.

"Good Morning Andeng! :)"

Bumaba na ako at nilagay ko naman sa aking bulsa ang papel.

Pagkabalik ko ay may nakita nanaman akong papel sa pinto.

Kinuha ko muli ito at binasa.

"Eatwell :)"

Nilagay ko muli ito sa isang lalagyan na Album na maliit habang ako ay kumakain ay tinitingnan ko lahat ng kanyang mga sulat sa akin kasama ang litrato niya.

Nakalipas ang maghapon ay lumbas muna ako ng Kwarto at Bumili muli sa labas para naman mag meryenda.

Kalamares,Ukoy,Turon,Pansit Habhab o Lucban pati na rin ang Paborito ko na Fries

Habang kumakain ako ng mga ito.

Hindi ko mapigilang mapangiti nung matikman at napansin ang Fries.

Kasi ito ang trademark o tanda na kami ay Nagkakagustuhan sa isa't isa.

Pagkatapos ko kumain at uminom ay agad ako nagtungo muli sa kwarto.

At Binuksan ang Aircon at ako'y humiga.

Tiningnan ko muli ang mukha niyang nakakakilig.

5:01 PM

Naghanap ako ng CD na Love Story nahanap ko naman yung Vince,Kath and James.

Agad ko namang nilagay sa DVD ang CD at ito'y Pinanood.

[Now Playing Movie: Vince,Kath and James]

Alam mo ba yung feeling na naiingit tuwing nakikita mo na sweet sa ginagawa nila?

Oo nakakainggit pero kailangan mo tanggapin kasi Single ka. Haha!

Pagkatapos ng movie ay kinuha ko yung album at pumunta sa Terrace.

Habang Binabasa muli yung mga papel na kanyang binigay.

Mutual Feelings [Book #2 of BCK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon