Chapter 5: My New Bestfriend!

39 5 2
                                    

Chapter 5: My New Bestfriend!

-

Stacey's POV

"ATEEEEEE!!"

"Ay peste! Ano ba naman yan Natalia!" Sakit sa tenga huhuhu...

"Ate kase naman ikaw ih kanina pa kita ikaw ginigising ayaw mo gumising!" Sigaw ng kapatid kong sobrang cute. Waaaaah! Ang cute cute niya talaga! Bakit ba hindi ako naging ganito ka-cute.

"Sorry baby. Tabihan mo nalang muna ako dito dali. Masarap pa humiga e." Sabi ko sa kanya tska ko siya tinulungang umakyat sa kama ko.

"Ate san galing to?" Turo niya dun sa dalawang teddy bear. Waaaaah! Oo nga pala bigay pala to ni Kurt tska ni.... tsk di naman ako sure kung sa kanya ba talaga galing to eh.

"Ahh binigay lang ng kaibigan ko. Ang cute diba? Kamukha ng baby ko." Sabi ko sa kanya tska pinisil yung pisngi niya. Sobrang lambot ng pisngi niya ang sarap pisilin palagi.

"Ate bangon ka na dyan! Pasyal tayo sa labas please! Bili mo kong toys!" Sigaw ng kapatid ko. Ayan nanaman siya huhuhu ang aga aga pa e huhu...

"Ang aga aga pa baby e. Nagalmusal ka na ba?"

"Opo. Mag-almusal ka na ate dali na! Mommy told me to visit her to her salon daw dun sa mall. Tapos sabi ko bili mo kong toys mamaya pumayag naman si mommy!" Waaaaah! 10 pa naman nagbubukas yung mall eh, alas otso palang naman eh huhu...

"Oo baba na tayo. Magaalmusal muna si ate tapos maliligo na. Tawagin mo si nanay Ely para pliguan ka na niya habang nagaalmusal ako ha." Sabi ko sa kanya tska kami bumaba.

.

.

.

"Manong Eddie gusto niyo po bang mamasyal na muna sa mall, baka po kasi matagalan kami sa pamamasyal alam niyo naman po itong si Natalia walang kapagod-pagod pagdating sa paglilibot. Mag-almusal na muna po kayo o mamasyal nalang muna po kayo sa loob tatawagan ko nalang po kayo kapag uuwi na po kami." Sabi ko saknya sabay abot ng 500 pesos.

"Naku iha wag na hihintayin ko nalamang kayo dito." Tanggi ni manong.

"Sige na po manong maiinip lang po kayo dito eh. Tanggapin niyo na po to. Huwag po kayong magalala hindi po ibabawas sa sahod niyo 'yan kasi binigay ko po 'yan." Sabi ko kay manong tska ibinigay sa kanya yung pera. Baka kasi mainip lang si manong dito ang init pa naman dito sa labas.

Nandito kami sa parking lot ng mall. Hinihila na ako ni Natalia papunta sa loob ng mall. Hindi ko naman siya pwedeng bitawan dahil tatakbo 'to baka mawala pa 'to.

"Ate bilisan mo na. Naghihintay na si mommy satin!" Sabi ng makulit kong kapatid habang nakakunot yung noo niya hahahahaha. Ang cute cute niya talaga!

"Eto na baby." Sabi ko tska binilisan yung lakad ko.

Nakasuot lang ako ng T-shirt na malaki tska pantalon na maluwag tapos rubber shoes lang. Pang-simple lang, ayoko ng ibang damit eh! Si Natalia naman naka korean dress siya. Pinadala ni Pauline yung mga damit niyang yan.

"MOMMYYYY!!" Sigaw ni Natalia nung nakapasok kami sa salon ni mommy. Baliw talaga 'tong batang 'to. Ang daming tao sa loob tapos agad siyang sumisigaw ang lakas lakas pa naman! Kanino ba nagmana 'to huhu..

"Oh baby you're here na! Na-miss ko kayo!" Salubong samin ni mommy tska kami ni-kiss sa cheeks.

"Mommy! Miss ka din namin! Alam mo ba si ate meron siya malaking teddy bear sa kwarto niya! Bigay daw ng friend niya. Mommy malaki pa sakin yung teddy bear!" Sabi ni Natalia. Ito talagang bata na 'to!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Nerdy Girl Meets Her EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon