-Twenty Six-

3.4K 130 29
                                    




Hi loves, sorry for the long wait.


*


           

"Things are supposed to happen that way but we are given plenty of chances to make it worse or to make it worth it."



-His POV-


"Tol.." Naka-ilang tawag na ako pero ngayon nya lang ako tiningnan. Tch. Malala na. "Naka-Leave ka paren hanggang ngayon?" Kunot-noo kong tanong sa kanya kasabay ng pag-upo sa tabi nya.

Tango lang ang sinagot nya sakin. Isang linggo na syang hindi pumapasok, isang linggo na din syang hindi umaalis sa unit ko.

"Kung mahal mo, pupuntahan mo." Nasabi ko na lang pero agad kong naramdaman ang pagsuntok nya sa braso ko. Natawa ako.

"Tigilan mo ko Tol. Wala ako sa mood." He closed his eyes again after saying that.

"Isang linggo ka ng wala sa mood." Pang-aasar ko pero hindi nya pinatulan. "Wala ka bang balak lumabas ng unit ko?" I asked again.

"Wala. Gusto kong matulog." He said, making me shake my head.

"Hanggang kelan mo hihintayin na una syang magtext?" Nakita ko ang pagkunot ng noo nya. "Diba kapag mahal mo, una kang mag sosorry kahit hindi ikaw ang may kasalanan?"

"Minsan, kahit mahal mo, mapapagod at mapapagod ka. Paulit-ulit na lang." Ngayon lang sya sumagot sa mga pang-aasar ko sa kanya. I knew that they broke up dahil sa unit ko sya umuwe nung naglasing sya sa bar at wala syang sinabi kundi pagod na sya sa pag intindi. Pero simula nun, di ko pa sya nakakausap ng matino tungkol sa kanila. Hindi din sya sumasama sakin kapag umaalis ako sa unit ko dahil tinatamad daw sya.

"Pero bakit hanggang ngayon naghihintay ka?" Pinanliitan nya ako ng mata kaya natawa ako lalo. I kinda missed this dude. Fck. Scrap that sht!

"Hindi ako naghihintay, Tol." Na-iiling na sabi nya. He blinks fast whenever he lies. This dude never change.

"Ah, kaya pala palagi mong chinecheck ang phone mo." Agad kong naramdaman ang pagsakal nya sakin gamit ang braso nya. "Bitaw! Ugh! Ang baho mo. Di ka pa naliligo boy!"

"Uy yabang mo! Mabango ako kahit hindi maligo boy." Aniya. Natatawa ang ugok.

"Wag mong bitawan kung ayaw mong makitang hawak ng iba." Natigilan sya pagkarinig nun. The exact reaction I'm expecting.

"Hanep. Usapang ligo to, Tol. Sinasabi mo?" Agad sya bumitaw at bumalik sa pwesto nya kanina.

"Hangga't kaya mong ayusin, ayusin mo. Kung talagang mahal mo sya, hindi ka susuko." Agad kong nakita ang pagngiti ng loko.

"Susuko? Psh. Nagpapahinga lang ako." Umupo sya ng maayos. "Tinitingnan ko din lang kung mamimiss nya ako, pero mukhang hindi."

"C'mn dude, You know girls. They won't text or call you first." Natatawa kong sabi pero nanatiling seryoso ang expression nya. "What I'm saying is... Pano kung hinihintay nya lang pala ang text o tawag mo? Pano kung naghihintayan lang pala kayo?" Nagbuntong hininga sya pagkarinig nun. He knows I have a point.

"Wag kang gumawa ng desisyong alam mong pagsisisihan mo din sa dulo." Natawa sya pagkasabi ko nun. He sure don't know when to be serious. Kung kelan ako seryoso, dun sya natatawa. Malala na talaga.

"Bakit? Nagsisisi ka na ba?" Pang-aasar nya.

"Matagal na. If given a chance, gusto kong baguhin ang desisyon ko nun kasi bata pa tayo. Kung alam ko lang na sila rin pala ngayon, dapat hindi ko na lang isinugal yun." Napatingin sya sakin pagkasabi ko nun.

Yours, Always [HBM3] {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon