Neah's POV:
Ipinatawag na nga kaming lahat ng isang haring mangunguna sa training namin.Actually, marami pala talaga kaming mga magsasanay. Mga 300 ata kami kasama na ang mga prinsesa't prinsipe ng ibat-ibang kaharian.
"Ngayon ang unang araw ng inyong pagsasanay at inaasahan kong marami kayung matututunan sa pagsasanay na ito. Ako nga pala si Haring Emmanuel, ang hari ng Cordell at ako ang napagkasunduang magsasanay sa inyo. Gagawin ko kayung tunay na mandirigma upang talunin si Verzilya!! " sabi nong pinuno
"Heneral Ronel ang mga espada. " utos ng hari
Mayroon ngang parang malaking kahon ngunit parang hindi mga espada ang laman? Kundi mga alahas. May kwintas, singsing, bracelet, palamuti sa buhok at kung anu-ano pa. Bakit ganyan?Naguluhan rin ang mga kasama ko.
"huwag muna kayong magtaka dahil totoong espada ang mga ito kailangan nyu lang hawakan ito sa inyung mga palad at isiping maging espada, ganon nga ang mangyayare" at nangyare nga!!
"Woooaahhhh!! Galing naman!" nasabi rin ng iba at syempre, ako pa magpahuli eh kahit nga sila namangha ako pa kaya di ba?
"kumuha kayo ng gusto niyo at sundin nyu lang sinabi ko."
Kumuha nga kaming lahat at ofcourse bracelet kinuha ko, ganun nga ginawa namin at naging espada nga ang mga ito.Wow! Astig!
"sige, pumwestu na kayo kung saan niyo gusto at ang makakatabi niyo ay ang magiging kapareha nyu sa pagsasanay."
Pumwesto nga ako sa may likuran at di ko inaasahang yung masungit pa na prinsipe ng Armanya ang makakatabi ko.
"ibig sabihin tayo ang maglalaban Neah!" wika nito at ngumite pa.
hayy..ikaw na nga talaga yung lalaki sa may kakahuyan, gwapo pag nakangite. Ay naku Neah nag-eelosyon ka nanaman. Ginising ko sarili ko.
"huwag kang mag-aalala hindi ko gagalingan para matalo mo ako dahil alam ko namang hindi ka pa marunong nito"
"Buti alam mo! Kaya nga magsasanay eh? "
"ganito ang paghawak ng espada" turo ng hari sa harapan
"Sige humarap kayo sa kapareha nyu. Dapat yung isa susugod at yung isa kailangang iwasan ang espada" sabi nong heneral
"Haaaaahhh!!" susugod ako sa kanya pero agad nya lang yung naiwasan.
"maraming ka ngang dapat pang matutunan!" si prinsipe Reyver
"eh kasi naman ngayon palang ako nakahawak ng espada." reklamo ko
"sumunod ka kasi sa sinasabi ni heneral" hindi ko siya maintindihan eh.
"ganito dapat gawin mo"
Mula sa likuran hinawakan ng prinsipe kamay kong nakahawak sa espada at itinira-tira sa ibat-ibang direksyon.
HINDI AKO MAKAPAG-FOCUS KASI MEDYO NAIILANG AKO SA KANIYA..
May kaunti na nga akong natututunan, buti nalang pala siya naging partner ko.
Swerte ko rin pala kasi siya Prinsipe dito. Hehehe
Nagpahinga muna kaming lahat.
Mahirap rin pala mabuhay rito kapag wala kang kapangyarihan. Buti nalang hindi nila nahahalata na tao ako.Hindi ko namalayang may makakabangga pala akong lalaki kaya natumba ako..
Parang maharlika rin siya.. LAGOT!!"Sorr...ah..Paumanhin po! " sabi ko rito. Iniabot nito kamay sakin para makatayo.
"ayos lang iyon walang anuman" anito. Mabait naman pala pero parang tumitig ito sakin. Cute rin nito ha? bakit ba lahat ng lalaki dito Guwapo.hehe
Mikael's POV:
Ako nga pala si prinsipe Mikael at ako ang prinsipe ng kahariang Krushian.Nakilala ko lang kahapon yung prinsipe ng Armanya at naging kaibigan ko rin siya pero napanaginipan kong may isang bagay na magkakalaban kami pero di ko alam kung ano yun.
Oo, isa yun sa mga kapangyarihan ko ang matukoy kung ano ang mga mangyayare ngunit hindi ko rin matukoy kung sino yong nakatakdang makatalo kay Vezilya.
Dahil pala sa marami akong naiisip kaya di ko na namalayang may nabangga pala akong babae.
Natumba siya kaya iniabot ko kamay ko sa kaniya.
Nung makatayo ito ay may naramdaman akong kakaiba sa kaniya......kaya napatitig ako...
Isa siyang Tao..Ngunit bakit siya nandito? at pano siya napunta rito?
"Patawarin niyo po ako dahil hindi po ako nag-iingat" wika nito at lumakad na paalis
"Teka..." pero hindi na ata niya ako narinig. Marami pa sana akong itatanong.
Reyver's POV:
Nakakatawa talaga yung si Neah. Ni minsan daw hindi pa siya nakahawak ng espada siguro palaging nasa tahanan lang nila siya at walang ginawa kundi matulog at kumain." Hoo!! Marami akong natutunan sa pagsasanay eh ikaw Reyver? Pero sabagay magaling ka namang mag-espada noon pa." sigaw ni Jerz. Andito pala ito at hindi anyong ibon kundi mahikarnian.
"Oo naman marami akong natutunan. Magandang lalaki ka pala kapag anyong mahikarnian at hindi ibon" biru ko
"Syempre naman" yumabang nanaman
"Mukang masaya kayong dalawa maari bang makisali?" alam ko boses naiyon, si Prinsesa Arshena
Oo pala narito rin pala siya."Oo naman!" si Jerz
"Hindi kaba nasaktan sa pagsasanay prinsesa?" tanong ko"hindi naman.."
Marami pa nga kaming napag-usapan.Oras na ng kainan,
Lahat nanga kami nakakuha ng makakain. Nakapwesto kaming lahat na maharlika sa iisang mesa.Napansin kong sila Neah wala ng maupuan. Sasabihin ko sanang..
"Dito nalang kayo umupo may bakante pa rito!" pero si Mikael nagsalita
"Maaari po ba? Sige po!"
Umupo nga sila ng mga kaibigan niya."ako nga pala si Neah at nagagalak akong makasama kayo." Ngite nito. Pa agaw pansin talaga ito pero nakakatuwa talaga siya.
Marami panga itong ikinukwento kahit kumakain kami at parang natutuwa naman silang lahat. Kakaiba talaga itong babae naito.
Ako naman nakatingin lang sa kaniya. Parang nakita ko na talaga siya. Saan kaya?
Tumingin siya sakin kaya agad akong umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
The World Of Mahikarnia (Completed)
FantasyGenre: Fantasy, Action, Romance Nagising nalang si Neah sa ibang mundo na tinatawag na MAHIKARNIA kung saan ang mga naninirahan doon ay may mga kapangyarihan. Paano kung sa lugar na iyon ay kailangan niyang itago ang katauhan upang makatakas sa kama...