Sabi ng iba ang pag-ibig daw ay hindi mo alam kung saan makikita. Pagtumibok ang puso sabi natin itoy pag-ibig na. Nakaramdam knb? ng pagmamahal sa taong lagi mong ka alitan?
(2007)
Nagsimula ang aking kwentong pag-ibig sa kumpetisyon.
"The nomination forGrade3 Section A ClassPresident is now open." Iyan ang simula ng aming laban. Hindi ko alam kung bakit nabubuhay agad ang dugo ko kapag usapang labanan. Ewan ko? sadyang gusto ko ang mamuno.
"Maam, I would like to nominate myself for ClassPresident!" Sigaw ko habang nakatayo ng tuwid. Bata pa lang matapang na ako. Ayoko ng naaapi at natatalo. Iniisip niyo na mayabang ako, may tama ka!
"Thank you, Nadine for nominating yourself." nakangiting pasasalamat ni Maam sa akin. "Sino pa ang gusto magnominate?" pahabol na tanong niya.
"Maam, I also want to nominate myself for the position!" Sabi ng isang batang lalaki na nakasuot ng chekered na polo at litaw na litaw ang ka cuteness. Kung titignan niyo siya, mukhang mahina at mukha lang ang pwedeng panglaban.
Hindi ko siya kilala. Mukhang transferee ang lalaking 'yun.
"The nomination is now close. Simulan na natin ang botohan!"
"Itaas ang kamay ng gustong bumoto kay Nadine and next kay James 123...............Nadine got 21 points while James got 19points! Si Nadine ang ating CP." Annsiyo ng aming teacher. "So automatic na si James ang ating Vice-President." Pahabol niya.
Nagkunwari pa akong nagulat at tumayo sa harap na parang nagtataka pa. Ayoko namang sabihin nila na ang confident ko. "Salamat sa lahat ng nagtiwala. Hindi ko kayo bibiguin." Pasasalamat ko ng buong puso. Mula sa unahan kitang kita ang pagkadismaya sa mukha ni James.
Uwian na at nakabangga ko si James. "Miss President congratulations, binati niya ako pero may pag-ngisi sa kanyang mukha.
"Salamat," nakangiti kong sabi.
Simula noon ay lagi na kaming magkakumpetensya ni James tulad sa sports, spelling bee, quiz bee at posisyon bilang Presidente. Grade3 to 4th year ako ang laging CP at siya naman ang CVP. Sorry, na lang siya.
( 2014 )
Ngunit nagbago ang lahat noong eleksyon para sa School President, naging mahigpit lalo ang aming kumpetisyon.
"Bhest, sa tingin ko mahina ang laban mo kay James dahil lahat ng babae sa school ay siguradong boboto sa kanya" Sabi ng matalik kong kaibigan na si Rose habang nakatingin sa flyers ni James.
"Parang hindi mo ako kilala simula pa noon CP na ako diba?" Napatunayan ko na ang sarili ko at alam kong hindi lingid sa inyo yun!" Pagyayabang ko na nakapamewang pa.
"Kung di lang kita friend siya syempre ang iboboto ko!" Nilapitan ko si Rose at pinukpok siya ng suklay sa noo."Yung totoo sino ba ang kaibigan mo? Diba ako!"
"Joke lang naman, parang di ka mabiro!" Sabay himas niya sa likod ko.
"Good, buti naman at nag-kakalinawan tayo."
"Bhest naka-usap ko na si lloyd at Ken, tutulong daw sila sa pangangampanya mo." sani ni Rose.
"Aba dapat lang, bestfriends ko kayo since elementary nakakahiya naman sa balat niyo!" Pabiro kong sabi.
"May payo lang ako sa'yo. Bawas bawasan mo ang katarayan baka 'yun ang magpatalo sa'yo."
"Eh, kung ikaw na lang kaya ang magbawas? Bawasan mo ang kadaldalan mo!" sigaw ko kay Rose. Sana'y na kami sa ganitong barahan ng salita.