Chapter 59

1.1K 37 0
                                    

Christian POV

Kinukulbit ko si Joan na 'di ako pinapansin ngayon.

''Mawalang galang na Miss. Pero pwede ba?! Lumayo ka nga ng konti! Get out of sight!'' Galit kong sabi. Halos ma muo ang luha sa mga mata nya. Wala man lang awa ang namuo sa damdamin ko. Nababadtrip ako sa presensya ng babaeng 'to. Daig pa ang hingad kung makadikit sakin.

Napalingon ako kay Joan na nag aalala sa babae. Hinila ko siya palayo 'don.

''You cold hearted brat!'' Sabi nya sakin. Sumimangot ako, iba din ang isip ng isang 'to e. Pag may nadikit sakin nagagalit pero pag nilayuan ko naman nagagalit pa din.

''Anong gusto mong gawin ko? Napadikitin pa sakin ang amerikanang 'yon? Tapos ano magagalit ka?'' Seryoso kong tanong. Nag iwas sya ng tingin.

''Mali naman kasi yung way mo ng pag sabi sakanya.'' Sabi nya ng hindi nakatingin sakin. Hinawakan ko ang baba nya at hinarap sakin ang mukha nya. Napakaganda nya talaga kahit saang anggulo.

''Alam mo ang gulo mo. Pag may nalapit saking babae nagagalit ka pero kapag pinagsabihan ko na ang mga 'yon ay nagagalit ka pa din.'' Malambing kong sabi sakanya. Ibinababa nya ang tingin nya.

''Hindi ko rin alam kung bakit imbes na mainis ako pag tinatarayan mo ako ay hindi. Mas lalo pa yata akong nahuhulog sayo.'' Dagdag ko pa. Hindi sya nagsasalita pero nakatingin na sya ngayon sa mga mata ko.

''T-tara 'don kila Anna.'' Ang tangi nyang sinabi at tinuro sila, Anna. Napangiti ako. Tiklop ka ngayon.

Nagpunta kami kila Anna. Madaming mga lalaki ang natingin kay Joan at hindi nya 'yon alam. Para bang sinasabi ng mga mata nila na 'Ang ganda ganda nya.' Napapangisi ako. Yeah I know. Maganda talaga siya.

''Ano namang iniisip mo?'' Tanong nya sakin.

Nagkibit balikat ako. ''Wala naman.'' Sagot ko sakanya. Tumango sya at lumapit sya kay Anna.

I can't even imagine my life without her. Kung alukin ko kaya sya na magpakasal na kami? Wag na pala muna. Baka matakot lang sya at iwan ako.

Hinampas ako ni Joan sa braso. ''Nakikinig ka ba sakin?'' Galit nyang tanong.

''Ha? Ano ba 'yon?'' Tanong ko sakanya. Inirapan nya ko.

''Ano ba kasi ang iniisip mo ha?'' Tanong nya.

''Ikaw.'' Sagot ko at namula naman sya at nag iwas na naman ng tingin. Nagiging habit nya na 'yon pag kinikilig sya.

''T-tigilan mo nga ako sa mga salita mong mga bulaklak!'' Medyo nauutal nyang sabi.

Nauna syang magpunta sya kubo na lumulutang at sumusunod lang ako sakanya.

Dumating na ang bangka na sasakyan namin. Inalalayan ko si, Joan. Nakatingin samin ang Amerikana na dikit ng dikit sakin kanina nung napatingin ako sakanya ay nag iwas agad sya ng tingin.

Nakangiti si Joan at kumukuha sya ng litrato. Kinuha ko din ang phone ko at kinuhanan sya.

''A-ano ba Christian!'' Nakasimangot nyang sabi. Napangisi naman ako.

''I'm just enjoying the View.'' Nakangiti kong sabi. Ngumuso sya. Damn, bakit parang gusto kong halikan ang mga labi na 'yon ngayon.

''Enjoying the View! Eh ako ang kinukuhan mo.'' Sabi nya.

''Kaya nga. Ikaw lang naman para sakin ang may pinaka magandang view e.'' Nakangisi kong sabi.

Nagiwas naman sya ng tingin. Napangisi ako ang cute nya pag kinikilig sya.

Nakadating na kami sa bahay ni lola Ten at ang pula pa din ng muka ni, Joan. Pumunta na si Joan sa kwarto nila.

''Pare. Ako naman ang tulungan mo. Remember? May utang ka pa sakin.'' Nakangisi kong sabi kay Mark.

The Two Nerds And The Two BadboysWhere stories live. Discover now