Chapter 34

5.4K 105 3
                                    

"Marry me.", I was caught off guard by what Lukas has said after hugging me. Humihikbi pa ako dahil sa kakaiyak. Nasa harap namin ang kama ni baby Xander. He was asking me kung bakit ko tinago ang lahat sa kanya. Kung bakit sa dami ng pagkakataon ay hindi ko man lang naisipang sabihin sa kanya ang totoo. I was crying the whole time. Halos masamid ako nang sabihin niya iyon sa akin.

"You have to marry me woman. You don't have any choice now.", tulala parin ako sa harap niya. I just stared at him. Hinalikan niya ang noo ko, pagkatapos ang ilong ko.

"I still love you. I will always do. I'm sorry kung hindi ko kayo naalala agad. I am supposed to know everything. I'm sorry for being so clueless about everything. Sorry kung hindi man lang kita nasamahan while you were carrying Xander. Sorry kung mag isa mo siyang pinalaki. I'm sorry Gail.", I saw his tears. Hindi umiiyak si Lukas pero ngayon kitang kita ko kung paano siya nasasaktan. He's never letting his guard down and now I really felt all his pain. Parang kinukurot ang puso ko. I wiped his tears. I kissed away all his tears.

"Shhh, it's not your fault. Kasalanan ko dahil tinago ko sayo ang lahat. I never thought Tina could do that just to separate you from me. Nagalit ako sayo dati, pinangunahan ako ng takot at galit, pinili kong magpakalayo sayo at manahimik nalang. I thought you were happy with your life. I decided to let you go cause I thought that will make you happy. I'm sorry. I am really sorry. Sorry kung tinago ko si Xander sayo. Gusto ko lang siyang protektahan. He's my life. Hindi ko kakayaning mawala siya sa buhay ko. Siya nalang ang meron ako.",

"You have me now. We can do this together Gail.", niyakap niya ako ng mahigpit. At that moment, I realized something, that love will really find its own way. If it's mean to be, it will always be. At isa ang nangyari sa amin ni Lukas sa patunay na totoo nga ito. I will always believe in the power of love and I know God has the best for me.


"Lukas, you were asking me awhile ago about marrying you and my answer is Yes, Umm.. I know, sinabi mo sakin'g wala akong choice but I would still say this, Yes, I am willing to marry you.", sabi ko sa gitna ng katahimikan namin. He was holding my hand. Pareho kaming nakatingin sa natutulog naming anak. Naghihintay na magising siya. He was holding my hand so tight. "I love you Lukas. Gusto ko lang malaman mo na hindi naman nawala yon. Ikaw parin at ikaw lang, always.", pagpapatuloy ko. Napalingon siya sa sinabi ko, tila nagulat sa sinabi ko. Unti unti kong nakita ang ngiti niya. DInala niya sa bibig niya ang kamay ko at hinalikan iyon, pagkatapos ay hinalikan niya ako. "I love you Gail. You don't know how much this means to me."

Hindi ko alam, pero pagkatapos ay nawala ang kung anong mabigat na nakadagan sa puso ko. Para bang ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko, matagal tagal ko nang dala dala iyon dito sa dibdib ko, and it feels really great.



"Babe, babe.", nagising ako sa tawag ni Lukas. Nakatulog na pala ako sa balikat niya habang nag aantay na magising si baby Xander.

"Gising na si baby.", masaya niyang balita sa akin. He was smiling genuinely. Agad akong tumakbo sa kama ng anak ko. The doctor and nurses were busy attending to him.

"Baby, mommy's here. ", agad niya akong nilingon, nakita kong paiyak na siya pero ngumiti siya ng konti nang nakita ako.

"Mom-my", hinawakan ko ang kamay niya. Chineck siya ng doctor at sinabing okay naman ang anak ko. He just needs to stay here for a few days para ipahilom muna ang ibang sugat. Nakikita ko sa mata ng anak ko na gulat pa siya sa nangyari sa kanya. He's just a kid. Bata pa siya para sa pangyayaring ito. HIndi pa siya gaano nagsasalita. Nakatingin lang siya sa amin. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya, kung pwede ko lang akuin lahat ng sakit. Kung sana ako nalang ang naaksidente.

Ang Probinsyana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon