Chapter 15: A Day With Mr. Casanova

58 0 0
                                    

Rhouie's POV~

"Magde-date." Siya.

"Magde-date?" Ulit ko.

"Yep, magde-date."

"Tara na." Hinila niya ang kamay ko at pumasok kami sa kotse niya.

"Saan naman tayo pupunta? 10:45 palang oh!"

"Sa Mall. Dun na rin tayo magpalit ng damit." At inistart na niya ang sasakyan. May lisensya na kaya 'to? Tsk tsk. Pareho sila ni Ark--

Hays.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kanina nung nagkita kami, nung magtama ang mata namin, at nang yakapin niya ko. Purong poot, pandidiri, at galit ang naramdaman ko. Nagmahal lang naman ako diba? Binigay ko naman lahat ng makakaya ko sa kanya. Pinaramdam ko sa kanya ang pagmamahal ko hanggang sa abot ng makakaya ko. He said before, I'm the best girlfriend he ever had. And why the hell did he did that to me? Pinagkatiwalaan ko siya. Sinabihan ng mga sikreto. Pero bakit ginago niya lang ako? Pinagpustahan? Ganun ba ko kauto-uto para hindi mahalata yun? Sabagay. He was the first guy who made me feel special. And also the guy that wrecked me.

Naramdaman kong may malambot na bagay na tumatama sa pisngi ko.

Panyo.

Si Drew, pinupunasan ang mga luha ko. Luha? Umiiyak nanaman ba ko? Kelan ba ko mauubusan ng luha galing sa nakaraan ko?

"Tahan na." Napatingin ako kay Drew na nakatitig lang sa mukha ko habang pinupunasan ang luha ko.

"Ang sakit lang kasi." Shet. Eto nanaman ang parang waterfalls kong luha.

"RJ, can I have favors?"

FavorS? May S? So marami?

"Sure."

"1. This day, we will act like we're engaged couples again. In short, you will be my fiance AGAIN, and I will be also, to you."

Inemphasize niya talaga yung salitang AGAIN. Tsk. Nangyari na nga pala yun dati.

"Wha--"

"2. Give to me your full attention. Don't mention other people's name except from mine. Call me babe like what I called you before."

"Kahit si Kh--"

"Don't."

Tumango lang ako. Ano naman kayang trip nito at ganun yung mga pabor?

"Last.."

He's looking directly into my eyes.

"Don't cry over that guy when you're with me. Not only today, not only until tomorrow, nor the day next from tomorrow. But until you move on. Once I see your tears falling again..

Tinignan niya lang ako ng matagal.

"When you see my tears falling again, what?"

"I'll kiss you."

O_________________O

What the.

Inistart niya na ulit yung sasakyan at nagmaneho na. Ako naman ay tahimik lang at hindi makapaniwala sa huli niyang sinabi. Ano ba naman kasi yung umiyak ako para malabas yung sama ng loob ko diba? -.-

"RJ."

"Ay kiss!" Tinignan ko siya na nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa daan. "Wag ka ngang manggulat!"

"Pfft. Thinking about the kiss, eh?"

"K-kiss ka dyan! Mukha mo!"

"Gwapo?"

Hearts Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon