Chapter One
"Kreila please let's talk" pagmamakawa ni Justin sakin
Tinignan ko siya sa mata na parang pagod na pagod na sa mga nangyayari, 3 years na kami simula 4th year high school hanggang ngayong 2nd year college ay kami pa
Pero sa tatlong taon na yun ay puro panloloko lang ang ginawa niya sakin at ako naman ay tatanga tangang binibigyan lagi siya ng pag asa
Ilang beses ko na siyang nakikita na na may kasamang babae, kahalikan, at ang masakit ay ilang beses ko na din siyang nahuli na may kasex pero lahat yun ay pinalampas ko
Ngayon nakita ko siya kasama ang ex niya sa isang mall, mag kahawak sila ng kamay at halatang naglalandian
Masyado akong pagod ngayon dahil malapit na matapos ang sem na to at mag 3rd year college na kami
Tinignan ko siya sa mata na sukong suko na
"let me explain please love?" naiiyak na sabi niya na ayaw bitawan ng mga kamay ko, madaming tao pero wala naman masyadong napansin samin
"I'm tired Justin, please i'm sorry pero ayoko na i give up" pinipilit kong ialais ang kamay ko sa pag kakahawak niya
"last chance love please last chance" halos lumuhod na siya at patuloy pumapatak ang luha niya
Samantalang ako wala, ubos na ang luha ko, manhid na din siguro ako o sanay na sa ganitong pakiramdam
Madami na din ang nakakapansin sa amin at nakakahiya yun, iniwan ko siya at umalis na
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Alex isa sa mga tropa ko bukod sa malapit lang dito ang bahay nila ay ang buong barkada ay nakatambay sa kanila
"waddup gal" masayang bati niya
Halatang nag iinuman sila siguro ay nasa garden sila
"sunduin mo ko dito sa mall, malapit sainyo" sabi ko
"mukhang wala ka atang gana okay wait mo ko diyan inaantay ka na din ng buong barkada" sabi niya
Di na ako nag salita at agad na binaba ang phone ko
Wala pang 10 mins ay nakikita ko na ang kotse ng family niya ang range rover
Sumakay agad ako at tinignan niya kong nagtataka alam niya na agad sa itsura ko na may problema
"asan car mo? Bakit ito ang dinala mo?" tanong ko
"Ginamit ni kuya nag road trip sila ng girlfriend niya oh wag ka na mag deny anyare sa buhay mo?" tanong niya habang nakatingin sa daan
"break na kami" sabi ko na walang gana, nagulat ako dahil bigla niyang hininto yung kotse
"FINALLY! NAGISING KA DIN!" Sigaw niya habang nakaturo sakin at nag drive ulit
Ngumuso lang ako at inirapan siya psh lahat sila ay di boto kay Justin
Nakadating agad kami sa bahay nila at halatang kami lang ang tao
"Asan sila tita at tito?"
"Nag bakasyon sila sa boracay"
Mga katulong ay nag luluto ng mga pwedeng kainin namin o ipulutan
Madaming alak sa garden at beer eh 9 lang kaming mag babarkada mga lasingero at lasingera
"Krei!!!" sigaw nila Ayu at Trixie kaya napatingin na lahat ng tropa
"Kreila Ashanti G. Santos guys single na yan" sigaw ni Alex lahat ay nanlaki ang mata at pinag babato ako ng red cups na walang laman
"Sa wakas di ka na tanga gurl" sigaw ni Purl ang beki sa tropa inirapan ko siya at kumuha ako ng maiinom