Chapter 1

1.3K 17 0
                                    

Kryztelle's Pov

Dito namatay ang pamilya ko kung saan ang nga taong pumapasok ay wala ng nakababalik ng buhay, simula noon ay hindi na namin nakita pang bumalik sina mama, kami nalang tatlo ang natira sa aming pamilya, si dad, ako at si Mikky,

"Papasok din ba tayo sa underground na yan?" Nanginginig na tanong ko kay matthew, umiling lang sya,

"Alam kong miss mo na sila," hindi ko alam pero bigla nalang nangilid ang luha ko sa aking mga mata.

"Wag kang umiyak, nakakapangit yan, hala ka sige, papangit ka!" Sambit ni matthew sakin,

"Haha! Ano ka ba! Bakit ba tayo nandito!?" Nakangising tanong ko, pero sa kaloob looban, ay masakit.

Matthew's Pov

Hindi ko alam kung anong isasagot kung bakit ko sya dinala dito, hindi ko alam kung bakit nga ba kami nandito,

"Ahm," hindi ko maggawang ituloy ang sasabihin ko, kung sasabihin ko pa ba ito, sa ngayon napagtanto ko na siguro wag muna,

"Ano yon? My King?" Namula ako sa sinabi nya, MY KING? alam ng lahat ang nararamdaman ko kay Kryztelle, matagal na, at alam din ng pamilya nila, tanggap naman nila yon, ngunit masyadong manhid si Kryz, Hindi nya alam ang tungkol doon,

"Ah? Ako ba? Wala yon, My Queen" halata ang pagkasaya sa kanyang mga mata, humagikhik lamang ito ng humagikhik,

"Tara na?" Anyaya ko,

"Oh sige ba, baka kanina pa nila tayo hinahanap," Sambit nito,

Tatayo na sana at paalis na sya, ng pigilan ko ang kanyang braso, napatingin sya sa pagkakahawak ko sa kanya, kumunot ang noo nya na parang nagtatanong kung ano yon.

"Ah, Wait lang" palusot ko, bakit hindi ko magawang sabihin.

Tumayo na kami at umalis doon, alam kong miss na nya ang kanyang pamilya, ngunit may isang taong hanggang ngayon ay buhay matapos makapasok sa underground na yon, Ngunit hindi malaman kung sino ang taong yon, kaya naman kailangang mahanap namin yon upang magkaroon ng balita tungkol doon sa underground, alam kong mga alfonzo ang nagpagawa nito, at inaalam ko palang kung isa nga sa kanila ang taong matagal nang hinahanap,

Pagkadating namin sa School, Naalala ko si kuya, suspended nga pala daw ang klase because may meeting daw lahat ng may pwesto sa academy, dumeretso ako sa main office, nandoon na ang lahat maliban kay kuya at kryztelle at sa former queen of sander academy, nasaan kaya silang tatlo?

Umupo ako kung saan nakalagay ang katagang "King of Royal Academy" Habang naghihintay ay kumain ako ng candy,

Kryztelle's Pov

Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng former queen of sander academy, dito kung saan kami nanggaling ni matthew,

"Oh? Bakit tayo nandito?" pagiinarte ko sa kanya,

"Hindi ka pwedeng umattend ng meeting, masyado kang maganda sa paningin ni Lucas!" Inis na sambit nito,

"Tsk, yun lang ba? First of all, thank you ha? Padalawa, Sorry, kase akala mo papaagaw ako? No way, Patatlo wala kang kasing panget kaya na---"

Hindi ko na naggawang tapusin ang sasabhin ko nung ihulog nya ako sa underground, mabuti na lamang at napahawak ako sa may malaking bato at sa sanga kaya naman nakakapit pa ako,

"Yan, Jan ka nababagay, Mahulog ka sana, Kasama ng pamilya mo!" Inis na sigaw nito,

Naputol yung sanga, omygosh! Ayoko pa mamatay, nakakapit ang kamay ko sa isang malaking bato na malapit na ring bumigay, napapagod na akong umagak, bibigay na ba ako?

Lucas Raze's Pov

Nagutom ako kaya dumiretso ako sa canteen, sa di kalayuan nakita ko ang former queen ng school namin, saan sya galing? Hindi nya naman alam ang mga lugar sa school na ito?

Nagpasya akong sundan kung saan sya nagpunta, pagkaalis nya ay may narinig akong kumalabog, nagdali dali akong pumunta doon at nakita ko ang, isang babae na nakakapit sa isang malaking bato na malapit ng mabiyak, tumakbo ako ng magcrack yung bato, nahawakan ko ang kamay nya, parang may humihila sa kanya kaya mahirap syang hilahin,

"Kumapit ka lang! Bakit ba kasi ang taba taba mo! Ang bigat mo pa!" Sambit ko at hindi naman siya umimik, hindi kaya patay na sya?

Jusko lord! Wag muna! Baka mapagbintangan ako dito!

Saglit lang ay nahila ko na rin sya, nagitla at namula ako nung natumba kami, nakapatong sya sa akin, omygosh! Bata pa ako! Tulong!

Pinagmasdan ko sya, Ang ganda nya, Grabe! Nalove at first sight ata ako, jusko! Bawal to! Hindi maaring mainlove ang isang hari sa isang pangkaraniwang estudyante lang,

Itinayo ko sya, dinala ko sya sa clinic, nagtataka ako kung bakit alalang alala sila,

Nagising ang babae, ako lang ang kasama nya, wala yung nurse,

"Hoy! Ikaw! Pahirap ka sakin ah!" Inis na sambit ko sa kanya,

"Tsk," Sagot nito, nanahimik sya at binasag ko ang katahimikan namin,

"Bakit ka ba kasi nandoon? Pinahirapan moko magbuhat kanina, ang taba tab---"

"Shut Up!"

Putol nito, na ikinagitla ko naman,

"Hindi mo kailangang sigawan ako, hindi mo ba ako kilala? Isa akong Hari ng Sander Academy?"

She rolled her eyes, aba amputa, tinatarayan lang ako neto,

"Excuse me? Pwede ba manahimik ka? Can you just Shut your big fucking mouth?" Sambit nya na ikinagitla ko, hindi nalang ako umimik, pumunta ako sa Main office, Bakit sumusunod sa kin tong mokong na to,

Tsk, hayaan ko na nga sya,hindi naman sya stalker,

Pagpasok ko sa main office, ang lalakas ng bunganga nila ng sabunutan ng babaeng niligtas ko kanina si allison,

"Hindi mo ba alam ang ginawa mo kanina? Muntik na akong mamatay!" Sigaw ng babae,

Nakakapagtaka, walang umaawat sa kanila,

"Ano ba?! Tumigil nga kayo!? At ikaw babae!? Sino ka ba?" Sigaw ko sa kanya,

"Hahahaha! Ako hindi mo kilala? Sino ako? Tsk," umiling iling lang ito at sinigawan ako,

"AKO LANG NAMAN ANG NAGIISANG REYNA NG ROYAL ACADEMY! ANG PINAKAMATAAS SA LAHAT!"

~~~♡~~~

Im Inlove With That JerkWhere stories live. Discover now