Who are you ? : Chapter 2
Raine's P.O.V.
-Flashback starts here -Hindi ko inaasahan na makakapag- aral na ako dito sa Brentwood Park Academy. OMAYGAS dati napapanood ko lang ito sa T.V. tapos ngayon nandito na ako ! WHOOOO ! Ang sarap sa pakiramdam na nakatutungtong na ako dito. Pero may halong kaba, paano kung yung mga tao dito ay totoo nga may mga kakaibang ugali ? Paano kung bullihin nila ako ? Sayang naman beauty ko huhuvels , 'di charoat charoat lang .Pasado na ba acting skills ko ?! Oh 'di'ba ang galing ko ?! Siguro napanganga kayo ?! Wag kayong naniwala sa sinabi ko kanina pangarap ko lang yun hindi talaga mangyayari yun kasi wala akong sapat na pera tsaka Ganda ganda ko talaga.
"Oyyy Raine ! Nagmamaganda ka na naman, 'kala mo naman bagay e'no ?"sabi ng isang kong kapwa estudyanteng nagmamaganda naman
" Ako nagmamaganda ?! well may karapatan naman kasi akong magmaganda, MAGANDA KASI AKO sobra pa nga e.Sa iyo kasi ang dugyot dugyot tignan kasi nga dugyot ka rin e' ganun lang yun.Now you know !"
sabi ko sa kanya sabay flip ng brown kong hair na may kulot sa dulo.Napansin ko naman na napa-ohh yung mga taong nakarinig ng usapan namin.Pero iniwan ko na lang yung nagmamagandang paepal na yun na nakanganga.By the way. I'am Maria Lorraine Chaniego (Cha-niye-go), you can call me Mary or Raine or pwede din namang both ikaw na bahala buhay mo yan e' papakialaman ko pa ba ?! Mamaya magreklamo ka pa sa barangay niyan e'."Ang angas mo dun Raine ha " puri ng nagmamaganda kong kaibigan na si Alexandra.Siya si Alexandra Mae Mendoza, we are bestfriends (charot charot lang yan si Raine nagplaplastikan lang yan)wag ka ngang sumingit otor ! Hindi kami nagplaplastikan ni Alex noh! Nagplaplastikan lang 'di charot, mahal na mahal ko yang babaitang yan kasi lagi akong pinagtatanggol niyan tuwing may nang-aaway sa akin, pero ang totoo ako talaga nagtatanggol sa sarili ko, atsaka isa lang yang panggulo ng isang gulo, gulo ko noh ? Halata nga.Pero seryoso tuwing kailangan ko ng pera lagi siyang nandiyan para paheramin ako, tuwing may mga kailangan ako lagi yang nandiyan, kaya masasabi kong tunay siyang kaibigan.
"Nagmamaganda kasi e' 'di naman bagay. Sakit lang sa mata" sabi ko habang inaayos ang upuan ko at tsaka umupo ng maganda para naman bagay sa mukha kong maganda...hihi charoat.
"Bagay lang yun sa kanya para tigilan ka na niya, ang tagal tagal na ng pambubully niya hindi pa rin tumitigil, 'di'ba atih ?" sabi niya at sabay kalabit ng nasa harapan niya. Uto-uto naman yung tanga-tanga umoo pa, kahit naman di niya narinig. Haist oo nga naman, matagal niya na akong binubully hindi pa rin tumitigil.
"Wala rin naman siyang mapapala sa akin, nagsasayang lang siya ng oras. You know naman na Gold is time." mahaba kong litanya
"Gaga Time is gold yown. Hayyy nagkalat kabobohan ni Raine wag niyo sasaluhin ha ?" sabi niya sa mga kaklase namin at agad nagsisilong sa desk nila parang may babagsak galing sa itaas with drama pa ha ?! Ako Bobo ?!!! Baka naman sila tanga, who you kayo sa akin kapag ako nakapag-english ng straight.Kapag lang HAHAHA
"Gaga ka rin" sabi ko sabay bato ng libro sa kanya
"Tutal nagmamaganda ka, ayan pampapangit mo." sabi ko sabay hampas pa sa mukha.Ganyan talaga kami magmahalan, inggit kayo noh ?! Gaya kayo ! Ganun ganun lang yun.
"Oo na sorry na rerespetuhin ko na nakakaganda sa akin, tama na" sabi niya habang nakaluhod sa harapan ko.
"Buti naman at kilala mo ang mas nakakaganda sa iyo" sabi ko at bumalik na sa upuan ko at hinintay ang prof namin. Sanay na naman kaming maghintay.
"Ladies and Gentledog este Gentlemen.Pinapasabi nga pala ni prof absent siya ngayon kaya tara pakasaya at magpakaganda na tayo !" sabi ng Presedent namin na kalahi ko
"Buti naman at naisipan niyang sabihin iyan. Pero sabihin mo sa kanya minsan agahan niya ha ? Pinaghihintay niya tayo sa wala, kapag ako nagwala, siya rin mawawala." sabi ko at sabay kaway sa kanan
"Ano ayos ba ?!" tanong ko
"Oo naman pwede na pangpageant tiyak panalo na kaagad tayo WHOOO! " sgaw ng isa ko pang kalahi 'di'ba 'di pa ako lumalaban ang dami ko na kaagad fans ?
"I thank you !" sabi ko sabay flip ng hair sabay punta sa harap para gawin ang nakasanayan
"Nandito ang inyong Diyosang Muse sinasabi na You may now take your break Cheatmates-este Classmates, pwede naman Cheatmates pero mas maganda pa rin Classmate.Mabuhay ang kagandahan ! " sabi ko
"Mabuhay !!!" sabi din nila alangan namang kausapin ko sarili ko 'di'ba tanga lang ? Maganda lang pero 'di tanga.
"Okay" sabi ko at umalis na sa room kasama ang aking mga kalahi, at pumunta na sa cafeteria para lumande-este kumain ng di ko alam.
-Cafeteria-
Haist umuulan na naman, umuulan ng kalandian.Jusq pwede ba lubayan ako ng mga couples na yan ?! Ang lalandi, maghahalikan na lang sa loob pa ng nagsisiksikan na Cafeteria.Hindi naman sa kasalanan ang magkarelasyon pero sana naman ay ilugar niyo.Wag niyo gawin motel ang iba't ibang public places Okay ? Oki mabuhay ang kagandahan."Ano ba yan ang landi naman" sabi ni Alex
"Kaya nga nahiya naman tayong mga singles" sabi naman ni Angel.By the way she's Princess Angela Rose Anne Cruziet(Kruzyet), oh nahiya kayo sa pangalan niyang mahaba noh ? Ako rin e' nahiya naman yung Maria Lorraine Chaniego ko ih kaya ayun ang ikli. Isa siyang nilalang na nagmula sa planetang Mars 'di chroat.Isa siya sa grupo namin ni Alex, tatlo kami, ako ang pinakamaganda, oh ano ?! nahiya din kayo noh ? Sorry kayo di ako namimigay ng ganda.So ayun tatlo kaming magkakaibigan.So kilala niyo na kami ha ?
"Baka naman kayo lang ni Raine yung single ?! May fafa Cyril na kaya ako" pagmamayabang ni Alex
"Edi ikaw na " sabi naman ni Angel sabay irap pa
"'Wag nga kayo ! Matuto naman kayong galangin yung nakakaganda sa inyo.Sa tapat ko ba naman kayo magsagutan, dun nga kayo sa likod ko" sabi ko nakakainis kasi e ingay
"Ang haba naman ng pila mga baklits, sa iba na lang tayo bumili" sabi ko
"Sige, pero parang gusto ko nung frappe" sabi ni Angel
"Ang drama mo naman, may Farron naman sa tapat ng school parang di naman nakakainom ng frappe at shakes araw-araw ang dami dami mong pera" sabi ko at lumabas ng school at pumunta sa isang cafe
"Baklits Blackforest sa akin, ito oh.Dagdagan mo na lang yan Venti gusto ko" sabi ko kay Angel, lagi naman akong libre dyan e, pero binibigyan ko lang siya ng limang piso nakakahiya naman kasi e.
"Ako baklits choco chips" sabi ni Alex at abot din ng limang piso
"Aba ang galing niyo ha ? " sabi niya sa amin
"Magaling kami kasi wala kaming sakit tsaka isa pa. Matuto ka ngang ilibre ang mga mas nakakaganda sa iyo, mas effective yung pampaganda" sabi ko para naman ilibre kami.
"Ayy Totoo ? Sige lang, blackforest sa iyo tsaka chocochips sa kanya sige order na ako" sabi ni Angel kaya mahal na mahal ko 'tong babaitang ito e, napakabait kapag tungkol sa ganda palibhasa kulang na kulang para pantayan yung ganda ko.
Saya namin noh ? Sa pagpapatawa na lang kasi namin inilalabas ang aming mga sama ng loob o kaya naman ay hirap sa buhay.Haist hanggang dito na lang muna ang nagmamagandang magandang bida ng kwentong ito. I Thank you ! Achu hihihi.
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Hi guys !!! Hope you enjoy it ! ❤
YOU ARE READING
Who are you ?
RomanceYung feeling na ibinigay mo na lahat ! Halos isugal mo na buhay para lang sa kanya ! Pero dahil lang sa isang aksidente nakalimutan niya na lahat ! Yung hindi mo alam kung ano magiging reaksyon mo kung magsasaya ka ba dahil sa haba ng panahon na nak...