RL@WT 7

70 2 0
                                    

CHAPTER 7


[Ashley's POV]

"diba ikaw si Ashley?" siya


"oo. bakit?" tanong ko naman. may binigay siyang--


papel ?


"may nagpapabigay." kinuha ko yun at umalis na siya.. binasa ko yung note.


magkita tayo mamaya sa lobby. lunch time. hihintayin kita.

-BF


sus! si Benj lang naman pala! ang dami naman talagang drama ng lalaking 'to. at kinunchaba pa si best. pero na miss ko din yung mga letters chuchu niya ha. (^___^)
di na kasi ako napapadpad sa locker ko kaya hindi ko alam kung ilang sulat niya na ang nandoon. hindi rin kami madalas magkita these days gawa nang busy kaming 4th year sa foundation week.


umalis na ko dun sa garden at bumalik sa room para matulog ulit. si denise naman ay hindi nagpaparamdam ulit. bahala siya.


pamaya maya ay lunch break na. lumabas na ko ng room para puntahan si Benj. pababa palang ako ng building ay nakita ko na siyang naglalakad. pupunta palang din siguro siya.


"Benj!" tawag ko. lumingon naman siya at ngumiti. nilapitan ko siya.


"oy! long time no see. namiss kita" casual niyang sabi sakin habang ngiting ngiti parin. tuwang tuwa siyang nagkita kami.


"oo nga eh. busy kasi talaga. so... ano na? may sasabihin ka ba sakin?" tanong ko


"wala naman. bakit?" nakangiti parin niyang sabi


"ha? eh bakit gusto mong makipag kita?" nagtatakang tanong ko. napansin kong kumunot ang noo niya at nawala ang ngiti sa labi. binigay ko sa kanya yung papel. kinuha niya naman yun at binasa.


lalong kumunot ang noo niya.


"hindi sakin galing to Ashley." ha? so kung hindi siya,


"kung ganun kanino? ikaw lang naman ang kilala kong BF ang initials." nagkibit balikat si Benj at tinap ang shoulder ko.


"pinagtitripan ka siguro ni Denise. sige alis na ko. may kailangan lang akong kunin sa library. see you around!" 


kumaway din ako sa kanya. siguro nga si denise lang 'to. loko talaga yun. lagot siya sakin! napahiya ako, inistorbo niya din ang tulog ko para lang sa walang kwentang trip niya.


wala sa sarili kong nilakad papuntang lobby. palabas nako ng school nang may nakita akong hindi ko inaasahan. 


bakit kaya nandito 'to? 


teka, pakialam ko ba? hindi ko nalang pinansin at binilisan ko ang lakad para hindi niya ako makita. mamaya ano nanaman ang sabihin niya!

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon