Chapter 18 - Father

7 0 0
                                    

Chapter 18 - Father

*Lucas POV*

Nung araw na pumunta ako sa ospital para dalawin si Miya ay siyang araw rin kung kailang gumunaw ang mundo ko.

"Lucas, bumalik ka dito sa bahay. Ang papa mo..." ani Mama sa telepono sa mangiyak ngiyak na tono.

"Bakit ma, anong nangyari?" nag-aalala kong tanong at lumabas na ng kwarto ni Miya. Kakakausap ko lang sa mama niya at ayon sa kanya ay mukhang matatagalan pa ang paggising ng girñfriend ko.

"Ang papa mo, dinampot ng pulis. Sabi sa warrant, nakasagasa daw eh." wika ni Mama kaya umuwi na agad ako sa bahay at dumiretso sa presinto.

Naabutan ko si Mama at ang lawyer namin na nag-uusap. "Misis, mabigat po eh. Bakit niya po kasi tinakasan? Isa pa po, may mga ebidensiya na nagpapatunay sa paratang sa kanya." nakinig ako sa pinag-uusapan nila.

"Sino po ba ang biktima?" singit ko.

"Mirabel Yasmin Garcia." wika nang pulis habang binabasa ang nasa hawak niyang papel.

Napaupo ako sa lapag, hindi makapaniwala sa narinig. All this time, pinagbintangan ko si Haley tapos yun pala ang totoong salarin at may kasalanan ay ang aking ama.

Napasabunot ako sa aking buhok. Hindi ko alam kung gusto ko bang maabswelto si papa sa kaso niya dahil tatay ko siya o makulong dahil sa nangyari sa kasintahan ko.

Dumistansya muna ako kay Miya pero nakikibalita ako sa lagay niya. Nalaman ko na nagising na siya ngunit gustuhin ko mang makita siya at makapiling ay hindi ko magawa sapagkat alam ko sa sarili kong tatay ko ang may kasalanan sa nangyari sa kanya.

Bukas ang huling araw ng hearing at mas pinili kong tulungan ang papa ko, tatay ko pa rin siya kahit anong mangyari kaya sa kanya ako susuporta, alam ko din na ako lang ang makakatulong sa kanya sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa witness na si Haley.

Naghintay ako sa labas ng bahay nila nang malaman ko sa kanyang kapatid na umalis daw ito at mamaya pang 10 ang balik.

Nakita ko ang navy blue na sasakyan na tumigil sa harapan ng bahay nila Haley. Sakto namang baba ni Haley. Hinintay niyang umalis ang sasakyan kaya naglakad na ako papalapit sa kanya.

*Haley's POV*

"Oh Lucas, anong ginagawa mo dito?"

'Tangi, papatayin ka na niyan. Nung nakaraan diba? Sasapakin ka dapat. Ngayon nag evolve na, papatayin ka na.'
OA.

Huminga siya ng malalim bago magsalita. "Can we talk?" tumango ako ng walang pag-aalinlangan. Ang buong akala ko ay mag-uusap kami dito ngunit pinapasok niya ako sa kanyang sasakyan at saka siya umikot at pumasok din sa loob.

Nanatili akong tahimik, hinihintay na siya ang unang magsalita. "Can you change your statement?" tanong niya.

Anong statement? Teka! Ano bang sinasabi nito?

"Statement? Saan? May binigay ba ko?" naguguluhang tanong ko.

"Kay Miya. Can you change it? Papa ko kasi ang idinidiin mo." seyosong sabi niya at medyo may inis sa kanyang tono.

'So tatay niya pala yung lintik na tumakbo pagkatapos sagasaan ang kaibigan mo? Small world. And food for him. Don't ever change your statement. That man needs to learn his lesson.' -ani Chelsey.

So anong statement yung sinasabi nito?

'Nagbigay kasi ako ng statement para makatulong kay tito na mahuli yung duwag niyang ama, tumakas eh. Hindi man lang tumulong. At nagbigay din ako ng ebidensya na magpapatunay na yun nga yung lalaking yun. Check your phone. Nandun yun.' tiningnan ko ang gallery ng aking phone at positive, nandun nga ang sinasabi ni Chelsey.

Knowing EverythingWhere stories live. Discover now