Ralph Short POVNapakunot noo lang ako habang nakatingin sa babaeng to. Himala at hindi makulit ngayon. Well I should be happy right? At least di na nya ako ginugulo.
Kung di ko lang talaga kailangang mag stay at matulog dito sa kwarto nya di talaga ako mag-aaksaya ng oras para makasama ang isang taong katulad nya.
Slow, maingay, makulit, di naman maganda in short unattractive. Nakakadiri nga at kailangan ko pang yakapin minsan para lang tumigil na sa kaka-ingay.
Mabuti nalang at mukhang busy sya ngayon at makakatulog ako ng maayos.
Well that's what I thought earlier, and now I'm starting to get annoyed. She keeps on giggling while texting. Para syang uod na nilagyan ng asin.
"Tsk!"
**********
IVY POV
From: Mark 😊😄😉
Anong tawag sa uod na may pakpak?
To: Mark 😊😄😉
Ano?
From: Mark 😊😄😉
Edi butterfly!!!! booom panes!!!! 😁😁😁😂😂😂😂
Napahagikhik naman ako ng tawa dito kay Ralph. Ang corny ng joke nya pero natatawa parin ako. Paano kasi naiimagine ko ang mukha nya habang nagjo-joke sobrang nakakatawa talaga.
Malakas kasi syang tumawa na sya lang ang natatawa sa joke nya. Napapatawa kana rin lang dahil natatawa ka sa kanya at di sa joke nya.
Lagi na kaming magkatext simula nung magkakilala kami 3 weeks ago.
Napag-alaman ko ring sa iisang school kami nag-aaral at same year lang din. Ibang section nga lang sya.
Masipag din kasi akong mag-aral kaya naman napunta ako sa section nitong si magnang genius. Di naman ako bobo gaya ng sinasabi nya, minsan lang talaga may mga lessons na kailangan ng konting push para ma gets ko. Di naman kasi ako kasing talino nya.
Yung kaibigan kong si Wena matalino din yun kahit parang bipolar. Sa kanya din ako nagpapaturo minsan at ngayon close narin sila ni Mark. Naaaliw daw sya sa mga nakakatawang tao at dahil sa nakakatawa naman talaga si Mark ay nag click kaming tatlo.
Lagi narin kaming sabay na mag simba ni Mark at magkasama narin kaming tumutulong pagkatapos ng simba.
Nadagdagan na naman ang ka close ko at masaya akong may dalawa na akong close friends na sina Wena at Mark. Di ko naman kasi ma consider na friend tong si Ralph dahil kahit gabi-gabi kaming magkasama ay para naman kaming laging may gyera. Kaya di kami close friends, close strangers pa siguro dahil minsan magka-hug pa kami matulog. Yun nga lang ay di kami friends so strangers parin kami. Ang gulo no? Well magulo kasi sya. Simula nang makilala sya nagugulo na ang gabi ko.
Mabuti nalang may nagpapatawa na sakin.
Hanggang ngayon kasi nakabungisngis parin ako habang nagtitext minsan napapatawa pa ako ng malakas. Iba rin kasi ang trip nitong si Mark eh.
From: Mark 😊😄😉
Samahan mo naman ako.
Huh? Ano na naman kaya ang naiisip nitong taong to.
To: Mark 😊😄😉
Saan? Gabi na ah.
From: Mark 😊😄😉
Samahan mo ako mangaroling sa simenteryo 😄😄😄😉😉😉😉😉
Napabunghalit naman ako ng tawa at di ko na napigilan pa.
"HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHA.."
Naputol naman ang tawa ko nang inagaw ni Ralph ang phone ko. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Matutulog kana o ibabato ko sa labas tong cellphone mo?"
"Oo na matutulog na! Killjoy!!"
Kahit gusto ko pang makatext si Mark ay wala akong choice kundi makinig kay Magnang Ralph, nung unang beses kasing sinabi nyang ibabato nya ang phone ko ay di ako naniwala kaya naman ay binato talaga. Nasira tuloy, buti nalang binilhan ako ni Papa ng bago.
Nakakainis din kasi sya eh. Aba kwarto ko to ah. Kung ayaw nya ng maingay edi dun sya sa kanila matulog.
Killjoy talaga!!!!
__________
BINABASA MO ANG
Sneaker (Di Lang Sapatos, Minsan Tao) COMPLETED
ChickLitHighest Rank Achieved in Chicklit: #70 When you hear the word "SNEAKER", the first thing that comes your mind is a shoe... But what if I tell you that the "SNEAKER" I am referring to is a person??? A person who sneaks through my window and enters my...