Chapter 9

48 0 0
                                    

Chapter 9 : Her Friends

Medyo awkward pa rin yung nangyari sa amin ni Mark. Kakaiba talaga. Yung feeling na kaibigan mo nga pero iba yung nararamdaman mo. Nahihirapan yung nararamdaman ko kasi hindi ko talaga alam kung ano talaga ang nanyayari ngayon sa puso ko.

Weird. Yan siguro. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Oo, NBSB ako. Wala akong crush. Siguro Idol lang. Pero nasa hollywood naman eh. Hindi naman Local. Siguro kasi ngayon ko lang naranasan na magkaroon ng kaklase na lalaki. Pinakahuli kong nagkaroon ng kaklase na lalaki ay yung nasa Kinder garten pa ako.

**

Naglalakad na kami ni Mark papunta sa Library. Baka kasi walang kasama si Kim dun. Kawawa naman.

Habang naglalakad kami ni Mark, medyo nabasag trip yung katahimikan namin ng nakasalubong namin sila Kirby.

"Brad Mark, Iniwan mo nalang kami kanina ah. Ano bang nanyari? tsaka narinig ko daw na may ginawang masama si Zac kay Kelly.. totoo ba yun?"

Nagkatinginan kami ni Mark. Hindi dapat nila malaman kung ano ang nangyari sa akin kanina.

"Sorry mga brad. Hindi yun totoo.tsaka maniniwala kayo sa mga chismosa diyan? eh nasa harapan niyo naman kami.." tumango lang silang dalawa.

"Sabay na kayo sa amin Kelly.. tutal malapit na rin yung time." hindi na ako nagdalawang isip kasi kailangan ko talagang balikan si Kim dun.

"Ah hindi Kirby. May pupuntahan pa kasi ako, kung gusto niyo si Mark nalang. Salamat nalang." nagulat si Mark sa sinabi ko.

"Sige mamaya nalang tayo magkita mga brad. Samahan ko nalang siya kay Kim."

"Kay Kim??!!" sabay silang dalawa.

"Oo bakit?" - ako.

ngumisi muna ang mukha nila tsaka tumawa. anong problema dun?

"Ikaw brad ah. Dumadamoves nanaman siya hanep! ibang klase ka na 'tol." nag-apiran nalang si Kirby at Rex.

"Oo na oo na, Una na kami mga brad." tumango lang sila tapos umalis na rin kami.

Medyo natagalan din kami ng paglalakad. Marami rin kasi ang nagkakaguluhan kay Mark. Ibang klase talaga.

Nandito na kami sa loob ng library. Hindi namin siya mahanap. Pero may isang babae na kumausap kay Mark. Kaibigan ata ni Kim.

"MARK! Sino siya? *turo sa akin* kapalit kay Kim?" Ano? ako? Hindi ah.

"Chelsea, Hindi! Siya yung sinasabi sa inyo ni Kim na ipapakilala niya sana sa inyo kanina." lumaki bigla yung mata niya.

"Ikaw si Kelly?! Whaa! You're so gorgeous. Dali pakilala na kita sa mga kaibigan ni Kim." iniwan na rin kami ni Mark kasi daw nakakahiya daw. You know, Girl Thing.

Pumunta na kami sa table nila..

"Girls, Meet Kelly. Siya daw yung kaibigan ni Kim." wala kasi si kim. Nag-cr daw. Buti pala at nakita kami ni Chelsea.

"You?! How pretty you are!"

"Oo nga, you're like us. Fabulous!"

medyo maaarte yung itsura nila pero parang mabait naman.

"Kilala ko siya! siya yung sa twitter, yung Kelly Andrea."

"Oo nga noh. Nice to meet you."

Bale Apat sila. Isama mo si Kim kaya lima silang magbabarkada. Hindi pala sila maaarte, sadyang ganun daw silang magsalita kasi galing sila sa ibang bansa. Yung isa pa nga kambal eh.

"Hello I'm Jane. I'm from Paris but I speak tagalog. Sorry for my british accent." sosyal na sosyal siya.

"Hi Kelly, I'm Alex and this is my twin Alexa." ang cute nila! magkamukha sila. malamang, kambal nga dba?! Ang pagkakaiba nila is yung isa may dimples yung isa wala.

"Hello sa inyo! I'm Kelly. Nice to meet you." ngumiti sila tsaka pinaupo nila ako sa table nila.

"So Kelly, who's your stuff? I mean, do you have any boyfriend recently? - Jane. Medyo nakakakaba kasi naman english siya kung magsalita.

"Nothing. I'm NBSB. I'm a virgin still" tumawa naman silang lahat.

"What? you're so pretty naman na wala ka man lang naging boyfriend." - chelsea

Alam niyo, bata pa tayo.. tsaka Boyfriends? Yuck. Allergic ako diyan.

"Yup. I'm from a Girls' School. And I don't have any boyfriend because I'm focusing in Books , not dudes." tumawa ulit sila.

"Really Kelly? I don't believe you."-alex.

Sa una talaga maraming hindi naniniwala. Pero totoo naman talaga eh.

"Kahit manliligaw?" - alexa. I shook my head. Wala talaga.

"Wooah." sabay silang apat.

"Coz' I'm get used to it. Kapag may manliligaw, they are all busted." nakakatawa yung itsura nila kasi naman makanga-nga naman eh.

"You know Kelly, You're so Selfish when it comes in Love." - Jane

tumango naman sila.. "I mean, Why you don't even give them a chance?" medyo naging seryoso sila.

"Boyfriends are not my stuffs, They are only distractions for me." nagulat sila sa sinabi ko. Baka naman kasi may mga boyfriend sila.

"Or maybe, You don't want to face your fear if they will hurt your heart Kelly." - Alex. May punto si Alex dun. Pero ayaw ko pa talaga eh. Hindi pa ako ready.

"Nope. I'm a brave Girl, My Heart is not ready for now." Alam niyo, masyado na tayong seryoso sa Love mga girls.. Pwede bang change topic.

"Okay, Let's change the topic. Basta If you have a problem.. we're here to help you." - chelsea.

"Thank you Chelsea. By the way, Meron na ba kayong mga boyfriend?" tumango yung kambal at si Chelsea pero si Jane hindi. Tumingin kaming lahat kay Jane.

"Alam mo si Jane, masyadong mag-advice yan kahit hindi pa nararanasan. Masanay ka nalang Kelly. Maki-ride nalang." -alex

Tumawa lang kami na biglang sumulpot si Kim.

"Yan pa ang isa sa mga wala ring boyfriend" tumawa kami sa sinabi ni alexa. hindi siguro alam ni Kim yung pinaguusapan namin.

"Buti naman Kelly at nakilala mo na sila" sabi ni Kim. They are all kind. Too classy and Fab.

"She's Good Kim. I Like her to be a part of our friendship." - Jane.

"Right!" sabay silang lahat.

"Okay lang ba sa'yo Kelly?" - Kim.

"As much as Okay tayo sa isa't isa.. payag ako." ngumiti sila Tapos...

"YES!!!" napalakas yung sabi nila kaya napatingin yung mga tao sa library. Lumapit rin yung Librarian. Patay.

"All of you, Get out!" tumawa muna kami tapos tumayo na rin para lumabas na sa Library. Ang taray naman kasi nung Librarian, KJ.

Medyo malapit na rin kasi yung time kaya lumabas na rin kami. Tambayan lang pala nila yun. Astig.

Thank you at may mga bago akong kaibigan. They are cool and sweet. Buti nalang at sila yung mga naging bago kong kaibigan. Aside kay Kim at Mark.. nakilala ko sila. And I'm officially part of their Friendship.

itutuloy...

Si Ms. Smart Girl may kaibigan na rin!

HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon