Chapter 36: BH

722 17 0
                                    

Heaven's POV

Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ito na ang araw na magpapaalam na kami sa isa't isa. Ito na ang araw na aalis muna kami sandali. Ito na ang araw na mahihiwalay muna kami sa kanila.

"Mommy..." naiiyak na sabi ko.

"Anak, you will be fine..." naka ngiting sabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit dahil mami-miss ko siya for sure!

"I love you mommy!" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"I love you too anak!" sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Grabe! hindi ako makatulog kagabe dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si mommy at ang mga kaibigan ko kapag nandoon na kami. Hindi ko alam kung paano ko makakausap ang Star ko.

Nandito na kami sa labas ng school at ang daming tao na gustong magpaalam saamin. Halos lahat ng nag-aaral at teachers ay nandito upang suportahan kami. Sinasabihan nila kami ng "Goodluck!" atsaka "Fighting lang!" at mayroong pang "For Wings Academy!" oh ha? bongga! Hahahahaha!

Inilibot ko ang paningin ko at lahat ng Infinity ay naiiyak kaya tumalikod ako at tahimik na umiyak. Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Habang abala ako na nagpupunas ng nga luha bigla nalang mayroong yumakap saakin mula sa likod ko.

"Hindi mo man lang ba ako sasabihan ng "paalam" o "mahal kita" ?" tanong niya.

Yish! siya talaga ang iniiwasan ko sa araw na ito. Star, ano bang gagawin ko? Hindi ko na alam kung paano kita kakausapin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag na mi-miss kita. Hindi ko alam kung paano!

"S-sorry, hindi ko alam kung paano kita haharapin..." sabi ko at yunuko.

Hinawakan niya ang kamay ko atsaka niya ako ihinarap sa kaniya. "Ayan, naka harap na tayo sa isa't isa." sabi niya at nginitian ako.

"Star, ano bang gagawin ko sa'yo?" tanong ko habang yumuko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya atsaka hinawakan niya ang kamay ko.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag wala ka sa tabi ko. Hindi ko na alam kung paano kita kakausapin kapag nagkalayo tayo sa isa't isa." sabi ko.

"Ganoon din naman ako Heaven pero, sandali ka lang namang mawawala 'di ba? Hindi ka naman magtatagal 'di ba? Pagbalik mo, mahal mo parin ako 'di ba?" sabi niya at hinawakan niya ang baba ko atsaka niya iniangat ito upang magtama ang aming paningin.

Nginitian ko siya atsaka ako tumango. "Oo Star, ikaw parin at ako." sabi ko.

"Mahal na mahal kita Heaven." sabi niya.

"Mahal din kita Star." sabi ko at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit at ganoon din ang ginawa niya sa'kin.

"Star? Mahal mo ba ako?" tanong ko sa kaniya at kumawala sa yakap.

"Hindi ehh..." sabi niya na ikinalaglag ng panga ko.

"A-anong sabi mo?!" tanong ko.

"Ang sabi ko hindi kita mahal..." sabi niya kaya humakbang na ako patalikod atsaka ako humarap sa pinto ng bus namin at akmang papasok na ako sa bus nang biglang mayroong humigit sa kamay ko.

Pagkaharap ko kay Star bigla nalang nagkatagpo ang mga labi namin. Shit! Nabigla ako sa ginawa niya kaya noong lumayo na ang labi niya sa labi ko tulala parin ako.

          

"Hindi kita mahal dahil mahal na mahal kita." naka ngiting sabi niya at hinila ako para yakapin ulit. Ghad! Tulala parin ako.

"Wala ka bang sasabihin?" tanong niya kaya natauhan ako.

"A-ahhhhhh....Mahal din kita." sabi ko at niyakap siya.

"Mag-iingat ka doon ah? Basta tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka." sabi niya.

"Opo..." sabi ko at kinawayan na siya. Nagpaalam na kami sa bawat isa atsaka na kami sumakay sa bus.

Ako ang pinaka-unang sumakay sa bus. Umupo ako sa pinaka huli. Noong paalis na kami, hindi ako tumingin sa salamin. Ayaw kong makita ang mga kaibigan at ang mommy ko dahil kapag nakita ko sila parang gusto ko ng bumaba sa bus.

Isinandal ko ang aking likod sa upuan atsaka ko ipinikit ang aking mga mata at kasabay ng pagpikit ng aking mata ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata.

Natulog nalang ako dahil mediyo malayo pa ang BH. Pupunta kasi kami sa pangalawang kingdom. Ang BH ay nasa kingdom ng mga wolf. Ang tatlong kaharian ay magkakasundo at ang kaharian lang ng mga fairy ang kaaway nila dahil ang mga fairy ay ang makapangyarihan sa lahat.

Tinodo na namin ang aming training. Alam namin na mabilis kumilos ang lahat ng tao doon. Sobrang kinakabahan ako dahil ibang tao na naman ang makakaharap namin. Pweding-pwede kaming mamatay kahit anong oras nila kaming gustong patayin. Basta kapag nalaman nila na fairy kami at galing kami sa Wings High, baka buto nalang ang makikita nila mommy.

Bahala na kung ano ang gagawin nila saamin basta handa akong ibuwis ang buhay ko para sa Infinity. Hinding-hindi ko sila papabayaan dahil mahal na mahal ko sila. Ako ang magsisilbing shield nila. Okay lang naman kahit ako ang masaktan at ako ang sumangga sa mga bagay o kamay na tatama sa kanila.

Habang natutulog ako bigla nalang mayroong bumulong sa tenga ko kaya napabalikwas ako. Napatayo ako sa gulat at nauntog ang ulo ko sa bubong ng bus kaya halos maiyak na si Winter sa sobrang saya. Tumawa siya ng tumawa dahil nauntog ako.

"Yish! sino ba kasi 'yung nanggulat saakin?!" inis na tanong ko sabay kamot sa parte ng ulo ko na nauntog.

"Hahahahhaha! Ginigising kasi kita ate..." sabi ni Rose sabay punas ng luha niya.

"Tawa pa! Tawa pa...." sabi ko at umupo ulit.

"Hihihi....sorry na... malapit na kasi tayo kaya ginigising kita.

Hindi nalang ako nagsalita ulit. Tumingin nalang ako sa bintana at nakita ko na maganda at malinis naman dito sa labas ng skwelahan pero hindi ko lang alam kung ano ang itsura sa loob skwela.

Malapit na kami sa gate. I mean nasa gate na kami mismo. Kinakausap ng driver namin ang guard ng school. Habang kausap niya ito, lumingon ako sa bintana ko at nakita ko ang 11 na lalaki na naka tingin sa'kin. Shit! Naka tingin lang sila saakin ng seryoso pero naagaw ng isa sa kanila ang atensiyon ko dahil pakiramdam ko kapag tumingin ako sa kaniya magiging bato ako dahil sobrang seryoso talaga niya.

Habang tinitignan ko sila bigla nalang mayroong humawak sa balikat ko kaya napa pikit ako sa gulat. Grabe!

"A-ate tara na." sabi ni Pearl. Namumutla siya at parang takot na takot siya.

Wings Academy #watty2017 (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora