First things first bago ko simulan ang introduction ko.
Una sa lahat hindi ko to kwento.
Hindi to yung inaakala nyong love story na maiinlab ang isang tulad ko sa isang taong *pwe, kadiri* kamahal-mahal at matututong mag*pwe* -mahal .
Ehem.
Kaya kung sino man dyan ang naligaw at iniisip na makakahanap sya ng magandang storya ng putakteng tinagurian na destiny, lumayas ka na.
Di ka kailangan dito.
Wala akong pake kung itapon mo pa ang notebook ko at ipa-aresto ako sa kasong illegal writing of a bad story dahil di ko kailangan ng opinyon mo.
Dahil una sa lahat, di ko aaksayahin ang napakaganda kong Notebook para lang sa pesteng echepwerang love story na nagpapakilig ng pwet ng karamihan.
Aanhin ko yun?
Pangalawa, di to yung story na akala mo'y makakahanap ako ng *blerg* ka-destiny dito sa notebook ko't may mabaet na magre-reply sa mga may katinuan kong pinagsusulat dito at papangaralan akong mag*yuck* mahal. Hindi ako Hopeless Romantic. Eww
Pangatlo.
Hindi to kwento. Sinabi ko nanaman nung una pa lang di ba? Hindi ko to kwento.
May pinapasulat lang talaga ang prof naming kay aga dumating at sinabing dapat daw tapusin namin iyon ngayong umaga.
Panusot lang dahil tinatamad ako. At dahil di naman talaga sya nagtuturo at panay upo lang sa room, walang nakikinig sa kanya ngayon.
May kanya-kanyang mundo ngayon ang mga estudyante at isa na ako sa kanila na pinapakelaman ang bagong notebook ko ngayon na pinautos samin ni Ser na gawing diary.
Anak nga naman ng puting tae ng kalabaw oh. May lahi nga yatang bakla tong prof namin eh.
Ginaya daw ba ang Diary ng Panget. Eh sira pala to eh.
Kaya dahil badtrip ako sa putek na pambaklang project na yan, gagawin ko ang gusto ko. Isusulat ko ang maisipan ko at wala silang magagawa.
Kaya ang una kong sinulat sa Notebook ko ay ANTI-One Word, Seven Letters. Operation of the Bitter Squad.
Oyoyoy. Wag nyong isipin na magagaya nanaman to sa kung anong storyang alam nyo.
Ang "Operation Break the Casanova's Heart" kasi potek. Wala kontra-kontrata dito na may kailangan kang gawin na kung anu-ano para kung kani-kanino.
At isa pa wala akong kagrupo dito. Ako lang. At trip ko lang to kaya wapakels ka.
At isa pa, kahit anong related sa kalandian katulad ng magjowang nakaisip pa yatang mag-honeymoon sa likod ko, pinandidirian ko.
Hoy! Tuloy nyo na lang sa kwarto yan! Putakte. Gusto ko na nga sanang isigaw yan kaso biglang dumating ang principal. At dahil dun napaayos ng upo ang prof naming kaninang prenteng prente lang at bumati kay Madam principal.
Aba, nakangiti si Madam. Bihira to ah.
Nakakakilabot.
"Good morning class may bago kayong ka-klase. Lumipat sila ng bahay kaya late sya naka-enroll. Anyway, dahil isa sya sa mga kilala at magaling na studyante na ini-request pa talaga ng school natin sa former school nya, I hope you treat him well..."
At bahala ka sa buhay mo.
Dahil ayoko maging telenobela ang buhay ko gaya ng nasa TV na nagkaka-crush sa mga transferee sa unang pagkikita, di ako titingin. Hayaan na lang natin si Madam na dumada dyan ng dumada. Maigi pang magmasid na lang sa labas.
Naks naman, andami ko na namang sesermunan mamaya. Haay, buhay. Ba't ba kaseng andaming kireng kating-kate't di mapakali sa school na to?!
Ayun pa ang isa oh. Nakuu, nananakit ang mga mata ko tinatanaw ko pa lang sila mula dito.
At andun pa ang mga Bacteria Girls. Manghu-hook nanaman ng bagong jowa. Di ba sila nananawa? Pasok pa ng pasok, lalandi lang naman.
O? Ba't biglang umingay?
At akalain mo nga naman, sabi ko di ako titingin. Biglang nagsi-ingayan ang lahat. Akala mo awasan na.
At dahil sa ingay na yon, napatingin ang mga mata ko sa may pinto na malapit sa unahan kung nasan si Madam kasama ang bagong transfer.
Ma4Q2-J
BINABASA MO ANG
Anti-One Word, Seven Letters: Operation of the Bitter Squad
FanfictionOne word, seven letters. Isang salitang di naman talaga nag-eexist. Isang salitang binigyan ng iba't ibang meaning ng iba't ibang author sa kani-kanilang nobela o storya. Isang salita na ang kasingkahulugan ng HAPPY EVER AFTER o THE END. Isang salit...