The Willing Sex Slave

14.4K 344 42
                                    

EPILOGUE

"KISS me, slave..."
Lumapad ang pagkakangiti ni Emperor sa request ng kanyang asawa. Naroon sila sa honeymoon unit ng Lolo Pancho's. It was their first morning as husband and wife. Nagkasundo sila na doon idaos ang first night ng kanilang kasal. Pinaraos muna nilang maikasal sina Daddy Montero at Mommy Linda. Maayos na ang lagay ng biyenan niyang lalaki. Sa ngayon ay ruled out na ang cancer dito. Pero regular pa rin ang checkup para makasiguro. At dahil hindi na siya makapaghintay ay nasunod ang gusto niya na unang Sabado ng Enero sila maikasal ni Merlinda. "Saang part ng katawan mo gustong mahalikan, my lovely empress?"
Ngumiti si Merlinda, ngiting nang-aakit. Kung titingnan ngayon ni Emperor ang asawa ay parang hindi ito ang babaeng nakaniig niya kagabi na noong simula ay nanginginig at halatang ninenerbiyos. Teaching her the art of lovemaking in the most loving fashion was the most satisfying part of their first night together. Binabati niya ang sarili sa matiyagang paghihintay hanggang sa maging hinog na para turuang magmahal ang mahal niya. "Sa lips muna," sagot nitong tila nang-aakit na pinaraan pa ang dila sa upper lip.
He kissed her tenderly, thoroughly. Hinding-hindi niya pagsasawaang mahalin ang babaeng ito kahit siguro uugod-ugod na sila. He trailed wet kisses on the side of her ear before whispering in her ear. "Saan pa, love?"
Bigla nitong inalis ang pagkakatakip ng kumot sa katawan at nag-inat. And it uncovered her naked glory before his eyes. The wicked gleam in her eyes said that they both would never grow tired of this game. "Sa lahat, slave," paanas na sagot nitong hindi nawawala ang nang-aakit na ngiti.
Napalunok si Emperor. Mabilis na nagbaga ang apoy na hindi pa tuluyang namamatay matapos ang magdamag na pagpapadama ng pagmamahal. Sumabay ang mga haplos at halik nito sa hagod ng kanyang mga labi at pagdama ng kanyang mga kamay. Muli na namang naulit sa kanila ang ritwal na gabi-gabi niyang pananabikang gawin. "I love you, Lindy... I love you, my virgin love."
Hindi na nakatugon sa bulong niya ang asawa. Pagod man ay makikita ang kuntentong ngiti sa pagkakapikit habang yakap niya. His heart swelled with love and pride for his empress.

•••WAKAS•••

https://www.preciousshop.com.ph/home/

http://www.phr.com.ph/

http://www.booklat.com.ph/

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

InstaGroom Series 3 Emperor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon