KANINA pa kamot nang kamot si Claret sa kaniyang binti dahil sa mga halaman na dumirikit sa bahaging iyon. Nakatayo siya sa likod ng puno na may kalapitan sa kubong tinutuluyan nina Toffer at Claudine. Bagaman may takot siyang nararamdam dahil nasa kasarapan na ng tulog ang mga tao ay hindi siya nagpadaig doon. Namamayani sa kaniya ang pagkasabik na muling maranasan ang kaligayahan na ipinaparanas sa kaniya ni Toffer sa tuwing mayroon silang pagkakataon na magkasama.
Batid ni Claret na mali ang kaniyang ginagawa dahil may kasintahan si Toffer ngunit hindi niya iyon alintana dahil mahal niya ito. Matagal ng may namamagitan sa kanilang dalawa at nasasawa na rin siya sa tuwing patago silang nagsasama upang pagsaluhan ang kaligayahan, ngunit kailangan niyang maghintay upang maangkin na ang lalaking minamahal.
Nakahinga nang maluwag si Claret nang makita niyang dahan-dahang bumubukas ang pinto ng kubo. Batid niyang si Toffer na iyon. Maging sa paglakad nito patungo sa kaniya ay naging maingat ito.
Siniil si Claret ng halik ni Toffer nang tuluyan itong makalapit sa kaniya. "I love you, Claret."
Bahagyang inilayo ni Claret ang kaniyang labi upang makapagsalita nang maayos. "Baka may makita sa atin dito?"
"Sumunod ka sa akin." Lumakad si Toffer at hindi alam ni Claret kung saan ito tutungo.
"Sandali, Toffer, hindi ba delikado? Alam nating maraming nawawala rito? Baka maging isa tayo sa kanila?" mahinang tanong ni Claret dahilan upang huminto si Toffer.
Humarap si Toffer at bakas sa mukha nito ang pagkasabik na maramdaman ang kaligayahan. "Huwag kang matakot, Claret. Nagsialisan lang ang mga iyon."
"Si Mayett?"
"Ano ba Claret, itutuloy ba natin ito?" may inis na tanong ni Toffer at mahina itong napatapik sa noo.
Napabuntong-hininga si Claret habang nakatitig siya kay Toffer na nakapinta ang inis sa mukha nito. Hindi na lang niya inintindi ang takot dahil matagal na rin niyang gustong mangyari iyon. Tumango siya rito upang masimulan na nilang tahakin ang daan papuntang langit.
Sumandal si Claret sa malaking puno at ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa naniningkit na mga mata ni Toffer. Dahil sa madilim ang lugar, hindi niya tukoy kung nasaan sila. Masukal na rin sa kanilang kinaroroonan kaya nakakasiguro siya na walang makakakita sa kanilang dalawa habang nilalasap ang kaligayahan.
Napapikit si Claret nang halikan ni Toffer ang kaniyang leeg. Marahas ang halik na iyon at nararamdaman niya ang mga ngipin nito na kumakagat sa bahaging iyon na tila isang bampira na sabik na sabik sa kaniyang dugo. Nagdulot iyon ng matinding sensasyon sa kaniya dahilan upang makalikha siya ng mahinang musika. Umakyat ang halik nito patungo sa kaniyang pisngi, paakyat sa tainga. Ang musikang kaniyang nalilikha ay unti-unting lumalakas na nakikipagsabayan sa pag-awit ng mga dahong nililipad ng malakas na ihip ng hangin.
Nararamdaman ni Claret ang pagbaybay ng dila ni Toffer pababa sa kaniyang leeg. Muli niyang naramdaman ang mga ngipin nito na nakapagbibigay sa kaniya ng matinding sensasyon. Ang kamay nito ay nagsimula nang maglakbay sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan hanggang sa tinungo niyon ang manggas ng suot niyang damit. Narinig niya ang pagkapunit niyon ngunit hinayaan lang niya iyon.
Napadilat si Claret nang tumigil si Toffer sa pagpapaligaya nito sa kaniya. Maka-mundong ngiti ang pinaguhit niya sa kaniyang labi nang hubarin ng binata ang suot nitong damit. Inihagis nito sa kung saan ang damit at muli nitong sinimulan ang paghalik sa kaniyang leeg.
"Oh, Toffer, i love you..."
Walang narinig na tugon si Claret mula kay Toffer kung hindi ang ritmo lamang na nalilikha ng labis na paghalik nito sa kaniyang leeg. Gusto na niyang hubarin ang suot niyang mga saplot at maging sa binata upang tuluyan na nilang marating langit, ngunit hinayaan na lang niyang magpaalipin siya sa binata.
BINABASA MO ANG
Karen Deryahan
HorrorDahil sa isang mananaliksik si Marissa, kailangan niyang humanap ng lugar na maaari niyang maging asignatura para sa kaniyang trabaho. Ang bayan ng Kalu ang lugar na kaniyang sasaliksikin upang alamin ang natatagong ganda nito. Ang nasabing bayan ay...