Eleven

26 2 0
                                    

[Azure's POV]

"Hindi ka kasama sa team?" Tanong ni Tracy.

Umiling ako. "Hindi ako interesado." Sabi kong nakangiti.

 

"Nye. Gusto kong may ichi-cheer ako. Sali ka na lang?"

 

"Hm. Ayoko magbasketball eh. Iba na lang sasalihan ko."

 

She crossed her arms. "Paano kita sasagutin nyan. Eh ayaw mo naman gawin yung gusto ko."

 

Napatingala ako. 2nd time na naming date to. Sa eastwood. "Iba na lang. Please Trace?"

 

"Akala ko ba mahal mo ko?"

 

 

Napatingin ako sa kanya. "Oo nga. Seryoso ako sayo. Mahal kita. Pero ayokong magbasketball." Paliwanag ko.

 

 

Hindi sya nagsalita. I don't know if I should like or h@te this attitude of her. Wala PA akong karapatan magreklamo. Manliligaw pa lang e.

Bumuntong hininga ako. "Pag ba practice, pupunta ka ba?" Bulong ko. Lumingon sya. Beautiful as ever. Oh god. Bakit ba nakakainlove sya? Talagang gagawin ko lahat para sa kanya. Para lang maging Boyfriend nya.

 

Yumakap sya bigla. Natawa ako. "Promise! Ichi-cheer kita. Aww." Ngiting-ngiti pa din sya na nakayakap sakin.

 

I never court a girl like this. I mean, hindi dahil gusto kong madali ko silang nakukuha, pero yung panliligaw ko kay Trace ay doing the things I've never done before. At siguro, dahil nga iba sya. Kaya ako na-inlove sa kanya. :)

 

 

 

 

Dumilat ako, na parang pumikit lang ako ng sandali. Parang hindi nga ako nanaginip eh.

Of course. It's because of Tracy again.

Huminga akong malalim. Madilim sa buong paligid. Gabi na. Ulit. Maghapon akong natulog? Grabe.

Pinihit ko kaliwa't kanan yung ulo ko, madilim talaga. Ang liwanag lang, galing sa labas, sa bintana.

Nagugutom na ko. Ginamit ko yung kanan ko para umabot ng kahit ano. Kumapa. Hanggang sa may makapa akong baso sa may baba. Nasawsaw ko pa yung daliri ko dun sa tubig.

Bumangon ako ng kaunti. Napamura ako ng pumintig yung sa bandang dibdib ko. Ang sakittt.

Baso nga yun. Inamoy ko yung tubig. Malinis naman siguro to. Bahala na. Ininom ko yun, dire-diretsong lagok. Uhaw na uhaw ako. Grabe.

Kumapa pa uli ako. Nagbabakasakaling may pagkain. ^^ nagugutom na talaga ko.

Read My LipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon