Status : Single FOREVER?

73 1 0
                                    

Sabe nila,  masarap daw ang magmahal, at ang magmahal ang pinaka masayang pakiramdam sa lahat ng pakiramdam na pwedeng maramdaman ng isang tao. ginagawa daw nitong paraiso ang buhay mo, na halos parang wala ng kalungkutan. "Love makes the world go round" karaniwang definition ng marami sa pag ibig. pero ako, "Love kills one person's heart" taliwas sa defition ng karamihan. Nasaktan ako, umiyak, napighati ang kalooban ko nung naranasan kong magmahal at mahalin. Oo, siguro nga sa simula ay masaya ang magmahal, may mag aalaga sayo, may mag aalala, may kakalinga, pero kailngan bang maging parte ng pagmamahal ang masaktan? Hindi ko maunawaan ang pag ibig, ang hirap intindihin, ang hirap paniwalaan. Sasabihin sayong mahal kita? pero pag talikod mo, sinasabi na rin pala ang katagang iyon sa iba. Sadyang mapanlinlang talaga ang pag ibig. Ayoko ng maniwala dito.

Sa School na pinapasukan ko ay nakilala ako sa Alias na "Aya Ampalaya" dahil bitter daw ako pag dating sa pag ibig. Dahil galit ako sa mga lalaki, Galit ako sa mga MANLOLOKONG LALAKI, at lahat ng nanliligaw saken ay di pa nagsisimulang manligaw ay basted na agad. TInatawanan ko na lang sila pag sinasabi nilang choosy ako. Kaya daw ako di nagkaka BoyFriend ay dahil  mataas ang standards ko, di naman daw ako maganda. ang di nila alam, nangako ako sa sarili ko na ang STATUS ko ay magiging Single Forever, dahil ayoko ng masaktan.

Isang araw, habang naglalakad ako may isang lalaking ang lagkit ng tingin sakin, sinusundan niya ko kung san ako magpunta hanggang sa hinarap ko siya.

Aya: Ano bang problema mo? bakit ba sunod ka ng sunod?

Drew: wow huh? ang ganda mo naman para habulin ko?

Aya: Eh bat ba kasi sunod ka ng sunod?

Drew: Eh kasi sabe ng nanay ko, follow your dreams!

Aya: So? pangarap mo pala ko?

Drew: Asa ka naman? yang itsura mong yan? papangarapin ko? wag na lang!

Aya: Eh bat mo sinabing Follow your dreams?

Drew: Eh kasi baka pwede ka ng pagtyaan!

Aya: wow huh ? ang yabang neto! dyan ka na nga !

kinagabihan...

Sa Bedroom ni Aya

Sino kaya yung lalakeng yun ! saksakan ng yabang ! Infairness gwapo sya huh? Grrrrrrrrrrr ! nakakaines talaga sya !

Kinaumagahan, pagpasok ni aya sa Eskwelahan..

Nagkabanggaan

Aya: Ouch ! Anu ba? tumingin ka nga sa dinadaanan mo! ( pagtingin ni aya) Ano?! ikaw na nman?!

Drew: malamang ! Alangan namang sila?! gamitin mo nga common sense mo!

Aya: Anu ba! nakakabanas na yang pagmumuka mo ! wag ka na nga magpapakita saken ! nakakasira ka ng araw !

Drew: nakakasira? baka naman ako pa kumukumpleto ng araw mo? (sabay akbay kay aya)

Aya: Yelo ka ba?

Drew: bakit? dahil nilalamig ka pag nakikita mo ko at gusto mong yakapin kita? :)

Aya: Hindi, kasi ang TIGAS ng MUKHA mo ! che! makaalis na nga dito ! panira ng araw !

Drew: Aya sandali lang, hintayin mo ko!(hinabol si Aya)

Aya: Bakit ba? huh?

Drew: Alam mo ! naniniwala na ko sa sabesabe dito sa school na ikaw si Aya Ampalaya ! wala naman akong ginagawa sayo pero ang init init ng ulo mo sakin!

Aya: Eh ano naman ! wala kang pakealam!

Drew: MApapaibig din kita! maghintay ka lang !

Aya: Asa ka! MAmamatay muna ako bago maging tayo !

Lumipas ang mga araw na nanunuyo si Drew kay Aya, araw araw hinahatid sundo si Aya, at araw araw ding nirereject ni Aya at pinapahiya.

Aya: Aya! gumising ka nga! hindi ka pwede ma in love kay Drew! Hindi pwede! Single ka na forever di ba? common ! wag ka ng magpaloko! pareparehas lang ang mga lalaki! (dumating si Drew)

Drew: Aya? ok ka lng ba?

Aya: Oo naman, ok lang ako.

Drew: Aya, mahal kita. Seryoso na to.

Aya: Alam mo ba sinasabi mo Drew? Ang Drew na kilala ko mayabang! at di marunong magseryoso.

Drew: Pero this time Aya, seryoso ako. I do really love you. Hindi ako magpapakahirap ng ganito kung hindi ako seryoso sayo Aya. Alam kong nasaktan ka na at natatakot ng masaktan ulit, pero I'm willing to do anything and everything wag ka lang masaktan. Ako muna ang dapat masaktan bago ikaw ( habang hawak ang kamay ni Aya)

Aya: Gusto mo bang mamatay ako?

Drew: Ayoko!

Aya: Di ba? sinabi kong mamamatay muna ako bago maging tayo?

Drew: Eh bakit tayo na ba? tingin mo maniniwala ako ? eh matagal ka naman ng patay.

Aya: Kung patay ako wala na ko sa harapan mo ngayon! Tanga lang?

Drew: Patay ka na! patay na patay ka na sa akin noon pa! (sabay napatawa si Aya)

Aya: May iba ka bang nililigawan?

Drew: Syempre wala!

Aya: Naninigurado lang!

Drew: bakit naman?

Aya: Dahil alam kong may Girlfriend ka Bakit di mo sinabi sakin?

Drew: hala! aya! Wala akong Girlfriend! Iharap mo siya sakin, para sabihin ko sa kanyang isa lang ang babaeng mahal ko! sino bah yun? nang masapak?!

Aya: AKO lang naman? sasapakin mo ko? :) (sabay yakap ni Andrew kay Aya)

Ako si Aya, hindi bilang "Aya Ampalaya" kundi bilang "Aya Masayahin" na. Simula ng nakilala ko si Drew ay nagbago ang pananaw ko sa pag ibig. Hindi na ako naging BITTER at puro kaligayahan na lang ang nararanasan ko. Hindi ko pa nararanasan ang umiyak sa piling ni Drew. at dahil dyan..ang STATUS ko ngayon ay..

FACEBOOK STATUS: In a Relationship FOREVER?

mukang may Part 2 pa :)

Abangan .....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Status : Single FOREVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon