Chapter 27: Hihintayin kita..

7.7K 130 24
                                    

UPDATED. SORRY PANGET. BABAWI SA MGA SUSUNOD HANGGANG MATAPOS NA. HAHAHA!



---Moi.




Chapter 27

 

 

Kahit na anong pilit kong baliwalain ang lahat, marami pa rin akong nasaktan…

Wala akong ginagawang kasalanan pero maraming nadamay…

Maraming galit na sa’kin, tanggap ko yun…

Pero bakit sa oras pa kung kelan ang dami kong problema? Problema na hindi ko alam kung malalampasan ko pa, susuko na lang ba ako basta basta? Kasi ngayon, hindi ko na kaya…

“Sorry hija, wala na kasing vacant work dito eh, subukan mo nalang maghanap sa iba, pasensya na talaga”

Lumabas na ko sa Cozy Restau, sinusubukan kong maghanap ng trabaho. Kung hindi sila full, bawal naman ako dahil 15 years old pa lang ako :’(

Halos isang linggo na rin simula nang mangyari yun. Oo, maraming nagalit sa’kin, hindi ko sinisisi si Abby sa nangyari. Nasaktan ko siya, kung hindi dahil…

“Miss.. ayos ka lang Miss?”

 

Halos wala na kong marinig sa paligid. Umupo na lang ako sa tabi at umiyak.

“Hija…”

“A-ayos lang po a-ako… s-salamat po” – sabi ko. nakakahiya naman talaga ako.

“May problema ka ba? Baka matulungan kita?”

Tumingin ako sa kanya, medyo may edad na siya pero mukhang mabait…


“…wala lang po, pasensya na po”

“Naghahanap ka nang trabaho?” napatingin ako sa kanya at tumango, nakita niya siguro ang hawak kong resume “Matutulungan kita hija”

“Po?” parang nabunutan ako ng tinik sa narinig ko “Talaga po?”

“Oo, hija… mukhang kelangang kelangan mo talaga ng trabaho ha?” tumango ako “Sumama ka sa’kin, malapit lang yun dito”

Hindi na ko nagalinlangan na sumama, kelangang kelangan ko talaga ng trabaho, mukha rin namang mabait si…

“Ano po palang pangalan niyo?” tanong ko “Ako nga po pala si Iris”

“Tawagin mo nalang akong Lolo Joel, alam mo ba ang Glenfi Restaurant dito? Alam kong naghahanap sila ng waitress ngayon don, ayos lang ba sa iyo ang ganong trabaho?”

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon