Chapter 5

3.3K 157 106
                                    

Chapter 5Won't be the Same


That kiss started a lot of things. Nagkaro'n kami ng relasyong hindi mapangalanan ni Ms. Carlene Samonte. Relasyong hindi pwedeng ilantad.


Kung sa eskwelahan ay bihira kaming mag-usap, sa apartment naman niya ay halos hindi kami naghihiwalay. Tuwing uwian ay lagi ko siyang hinihintay do'n. Nawalan na ko ng oras sa basag-ulo at barkada. Lahat ng oras ko ay napunta sa kanya.


Binago ko rin lahat ng maling gawi ko. Nagsimula akong mag-aral at mangarap. Mangarap na makasama siya. When I'm with her I feel like I'm worth something, that I can smile and laugh without pretending. She was like the cure I was looking for. Ang mga biro niyang hindi nakakatawa at ang pagiging pikon niya ay ilan lang sa mga bagay na nakapagpalimot sakin ng mga walang kwenta kong iniisip araw-araw.


"Ano nga ba ang tamang sagot dito?" tanong ni Carlene sa sarili habang tinitingnan ang math problem na pinasagutan niya sakin.


"Teacher na hindi alam ang sagot?" natatawa kong pang-aasar.


"Tch! Alam ko, nakalimutan ko—" Natigilan siya nang nakawan ko siya ng halik. "Sinisira mo concentration ko," reklamo niya bago ako hampasin sa balikat at isubsob ang sarili sa dibdib ko.


Amoy na amoy ko ang mabango niyang buhok at damang-dama ko ang lambot ng katawan niya. I want to always hold her like this. I want to always feel her close to my body. Dahan-dahan kong iniangat ang kanyang mukha bago siya hinalikan na tinugon naman niya.


She became my first in everything, she let me experience all sorts of firsts. Being with her was so blissful that I forgot about all I've been through.


Dahil na rin sa pag tu-tutor niya sakin ay nagawa kong maihabol ang mga grado ko. Kasama ako sa mga ga-graduate. Finally I found the path where I should walk, finally I found my place which is by her side.


Araw ng graduation, sinadya kong dumating ng maaga. Si Carlene ang una kong gustong makita bago ako umakyat mamaya sa entablado, para sa kanya ang pag-graduate ko. Tinakbo ko agad ang faculty room kung saan sigurado akong makikita siya. Malayo pa lang ay nakarinig na ko ng mga tawanan. Masaya siguro ang mga teacher dahil sa mga magtatapos nilang estudyante.


"Congratulations!"


"Kayong dalawa ha, bakit ngayon lang kayo umamin." Narinig kong kantiyaw ng ilang guro bago ako sumilip mula sa pintuan.


"Kailan ang kasal?"


"Naku, matagal pa naman." Nang makita kong bumuka ang bibig niya at saka ko nasigurado na siya nga ang binabati nila.


Nakatayo sa unahan si Carlene kasama ang isang lalaking teacher rin. Nasa daliri niya ang isang singsing habang kitang-kita ko sa mga labi niya ang klase ng ngiting hindi ko nakikita kapag kami ang magkasama. Nakita ko kung gaano siya kasaya.


Hindi ko alam kung paano lumipas ang oras, hindi ko na rin alam kung paano ko pa nagawang umakyat sa entablado. Diretso lang ang lakad ko habang nakatingin sa advisor na hinihintay akong lumapit sa kanya.


"Congratulations Rylex," bulong niya. "I'm so proud of you. You deserve this." Hindi ko na napigil ang mapaiyak ng iabot sakin ni Ms. Samonte ang diploma ko.


Sinikap kong makapagtapos para hindi na masabing estudyante niya ko. Para pwede na naming ipakita kung gaano kami kaimportante sa isa't-isa. I wanted to graduate so that we don't have to hide anything anymore. Ang pag-graduate ko sana ang simula sa pagtupad ko sa mga pangarap kong kasama siya, pero ako lang pala talaga ang nangangarap.


Part-time BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon