16 cm.

227 6 1
                                    

16 cm.

”Gusto mo bang maging san chai ko?” OH BEYBE BEYBE BEYBE MAH BEYBE BEYBE!Yan na lang ang narinig ko simula ng sabihin nya yun kasi napatulala ako at hindi ko alam ang isasagot!emeghed I’m not prepared!!!

Umayos ako ng upo at saka inayos ang buhok ko.Dapat mukha akong tao sa ganitong sitwasyon!!! ”HOY SINONG MAY SABING PWEDE KANG MAKIPAGLANDIAN JAN?!”

Napahawak ako sa tenga ko sa lakas ng sigaw ni Orion.Nasa may pinto sya at naguusok ang ilong nya ng lapitan  nya kami.Panira ng moment!!!

“Bakit sino ka ba para mangialam?!”pagpprotesta ko habang pinapatay sya sa tingin.

Nagulat ako ng hawakan nya ang balikat ko atsaka ako iniyugyog.“AKO SI DAO MING ZI!!!AT TAYO ANG BIDA SA KWENTONG ITO!!!”

Napanganga ako sa sinabi nya at nakarinig nanaman ako ng OH BEYBE BEYBE BEYBE sounds.”Nek nek mo!!!Hindi naman sila nagkatuluyan sa totoong buhay!”tinulak ko sya at saka nagtago sa likod ni Kei.”Si Watchiley at Sanchai, naging sila sa totoong buhay!!!”

“WALA AKONG PAKIALAM!AKIN KA!AKIN KA LANG!”hinigit nya ako pero bigla rin akong hinigit si Kei.Mukha syang seryoso at nagulat ako ng biglang humaba yung buhok nya na para bang kay Watchiley!At what the hell!Naging pinya yung hair style ni Orion!!!

“Hoy babae!”bigla akong napamulat ng biglang may manghigit ng buhok ko.Napatayo tuloy ako pero nanliit pa rin ako sa mga matatangkad na babaeng bumungad sa akin.Masyado silang marami at wala na akong oras para bilangin sila,basta yung kumakausap sa akin ay yung babaeng may hindi pantay na eyeliner ,ano to spoke person nila? ”Napapansin naming masyado ka ng napapadikit sa mga hindi mo dapat dikitan!”tinulak nila ako kaya napaupo ulit ako sa sofa.What the hell?!

“Ano bang problema nyo?!Inaano ko ba kayo?!Ako madikit???Pandak lang ako pero hindi ako mukhang scotch tape!”SINO BA KAYO PARA MANIRA NG TULOG AT PANAGINIP AT ABA SINABUNUTAN NYO PA AKO!!!Naiinis talaga ako kapag biglaan na lang akong kinakagalitan ng hindi ko alam ang dahilan!

“Ikaw ang problema dito!Masyado kang papansin!”

“Oo nga!Umalis ka na nga pwede ba!Hindi ka bagay dito!”

“Mukha kang mascot!”hindi ko alam pero nakarating na sila sa laitan portion kaya aaminin ko nasasaktan na ko sa mga pinagsasabi nila!!!At yung laway nila,hinihilamusan na yung mukha ko!

Pinantayan ko sila na parang nagmamatangkad ako.Panglalait ni Orion nakakaya ko,sila pa kaya?!”Hoy kayo---“napatigil ako sa pagsasalita at napaurong ng bigla silang magsigawan dahil sa isang puting usok na nanggagaling sa labas.

“Sinong nagsabing pwede kayong tumapak sa sahig na kinatatayuan nyo?!”nagulat ako  ng makita si Dyan at Merlyn!May hawak si Dyan na fire extinguisher at mukhang ito ang ginamit nya sa mga babaeng chuvaness!

“Senior!Sorry!Sya kasi eh!Sinisira nya---“Sinabuyan nanaman nya ng fire extinguisher yung mga babae!

“Out.Now”parang nagdilim ang mundo ng sinabi nya yun,hindi ko na nga maaninag ang mga mata nya at nakita ko ang takot sa mga lechugas na babaeng iyon kaya naguunahan silang lumabas ng music room.

“Buti na---“

“Now you know kung saan ko pinoprotektahan ang bandang ito?”nilagpasan nya lamang ako.Natameme tuloy ako nung buong practice,yung tipong ayaw kong magkamali?Nakakatakot talaga si Dyan,sya ang boy version ni Orion.I don’t want to mess with her,takot ko lang sa fire extinguisher!

Ang Kwento ng PandakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon