-37-

1.5K 52 16
                                    

Richard's

Nang mapansin kong pinagkakaguluhan na kami ni James, hinala ko si James patayo para sana umalis na kaso bago pa kami nakahakbang, puro cellphone na 'yung mga nasa mukha namin.

"Uhm excuse me lang po, hindi po kami mga artista hehe. Mukha lang, actually mas gwapo pa nga kami sa mga 'yun e"

Tangina talaga neto ni James, gusto talaga lagi kaming napapahamak e.

"Ay Kuya hindi naman po ikaw 'yung gusto naming kasama sa picture, ito pong alaga mong si Kuya Alden gusto namin" Sabi nung isa sa mga nag-aabang. 'Yung mukha ni James 'di maipinta paano e napagkamalang P.A ko HAHAHAHAHAHAHA gwapo ko talaga.

"Aba't hoy para sabihin ko sa'yo hindi ako P.A., sa gwapo kong 'to, excuse me lang ha"

"Hoy kuya para sabihin ko din sa'yo kay Kuya Alden nga kami may pakialam"

Nanahimik na lang ako, 'yung ibang mga tao din na kaninang nakakiusyoso kasama nung babae na hanggang ngayon nakikipag-away kay James ay umalis na rin. Nagsawa ata sa pag-aaway nilang dalawa.

Habang nag-aaway sila, tiningnan ko ulit kung saan nakapwesto sina Dei pero pagkatingin ko, wala na siya dun, ang nandun na lang e 'yung Kean at 'yung kaibigan niya atang lalaki. Magkausap sila pero parang magkagalit sila pero there's something I can't put my finger on.

Binalikan ko si James tsaka 'yung babae, nag-aaway pa rin sila. Hay James.

"Pre, hanapin ko lang si Dei ha. Dito ka lang"

Hindi naman ako pinansin ni James kasi busy pa rin siya sa pakikipag-away, kapag talaga away-away, hindi 'to papahuli pero salamat pa rin sa distraction.

Luminga-linga ako sa paligid hoping to find her pero wala na talaga e, baka nakaalis na?

Umakyat ako dun floor na may mga clothes and nagpalinga-linga ulit kaso wala talaga. I was about to go back to James na para umuwi when,

"Tisoy!!!"

Maine's

I saw Tisoy na palinga-linga at parang may hinahanap kaya nagpaalam muna ako kay Riri na lalabas muna ako saglit para itanong sa mokong na 'yun kung anong ginagawa niya dito.

I was able to catch up to him naman bago pa siya makababa.

"Tisoy!!!"

I called, nilingon niya ako and I don't know if he was relieved or happy ba to see me or parang takot siya kasi nahuli ko siya?

"H-huy Dei... nandito ka pala? Haha, buti nakita kita no? Paalis na sana ako e"

'Yung boses niya parang kinakabahan so I don't know if I should take him seriously ba. I looked at him with doubt kaya he began to look sheepish.

"Yes. I was with a friend nga, actually kanina I was with Kean-"

"Ah yes 'yung Kean, ano palang nangyari sa date niyo?"

Hm. Was that jealousy I'm hearing? Mapaglaruan nga 'to ng kunti. Haha.

"Okay lang naman, we watched a movie, 'yung horror na bago? Tapos kumain kami tapos alam mo ba he was so fun to be with, as in!!! Kaya nga I immediately agree na umalis ulit tomorrow kasama niya before mag-team building-"

"No. Don't"

I was so happy telling him my made up story, I didn't notice na parang namumula na pala siya sa inis? And his hands were formed in a tight fist.

"Huh? Anong don't?"

"Don't go with him tomorrow"

"Why?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. CEO (Temporarily Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon