Chapter 23 - Out of the abundance of the Heart (1)

1.3K 90 52
                                    

"Ate." Salubong ni Boaz sa kapatid. Hindi na niya nasundo ang kapatid dahil naging abala siya sa Hacienda Emmanuel pagkadating na pagkadating. Maaliwalas ang mukha ng nakakatandang kapatid niya na mukhang may masayang balita na sasabihin sa kanya. Napakunot siya ng noo dahil doon. Huwag naman sanang iyon nasa isip niya.

"Long time, bunso." Salita pa ng kapatid niya at yumakap  Matagal-tagal rin silang hindi nagkita. Simula ng mamatay ang kanilang ina ay namalagi na si Gracie, ang kanyang ate sa Manila para tulungan ang kanyang ama sa pamamalakad ng galleries nila at para na rin matutukan ang kalusugan ng ama na ngayon nga ay nagsimulang humina simula ng mamatay ang kanilang ina.

"Sinong naiwan kay Dad?"

"Nandoon ang Kuya Joshua mo at mga anak namin." Kumalas na ang kapatid sa yakap niya at sinapo ang kanyang mukha. "Mukhang nahihiyang ka ata, Boaz. Maganda ang pangangatawan mo ngayon at maganda ang kulay mo." Napangiti siya sa puna ng kapatid.

"Ikaw rin ate. Bumabata tayo ngayon. You don't look a day over 25." Humalakhak ang kapatid sa tinuran niya. Hinalikan siya nito sa pisngi.

"Kaya mahal na mahal kita, Boaz." Napangiti naman siya ng malaki. "Anyway-"

"Ate Grace." Napatingin siya sa likod ng pinto kung saan bumungad ang isang babaeng nakabestida. Pamilyar na mukha ito sa kanya pero tinitigan niya munang mabuti para ganoon makilala.

"Trisha?" "Boaz!" Sabay pa nilang sabi. Kaagad na lumapit naman ang babae sa kanya at bukas kamay na yumakap. Niyakap niya rin naman ang babae.

"Kailan ka pa dumating?" Tanong niya kay Trisha na ngayon ay nakakalas na sa yakap.

"Last 2 weeks ago." May American accent pa nitong salita. Napangiti siya. Bestfriend ng fiancee niya dati na si Mary si Trisha at maging malapit din sila dahil sa dating kasintahan. Magkaramay sila noon nagluluksa sa pagkamatay ng importanteng tao sa buhay nila. Ngunit ilang buwan din ang lumipas ay umalis na si Trisha dahil nagmigrate na sa ibang bansa.

"Kamusta ka na? Sinong kasama mo? Kasama mo ba ang pamilya mo?" Natutuwa niyang tanong rito. Tinaasan lang siya ng kilay nito noon una pero tumawa rin.

"Divorcee na ako." Malaking ngiti sa mapulang labi nito na may lipstick. "Ang anak ko ay naiwan sa Amerika. Ayaw sumama sa akin dito. You know kids nowadays." Tumango na lang siya. "Ikaw...maraming gossips si Ate Grace about you and you still being single and available until now." Natigilan naman siya sa sinabi ni Trisha. Napatingin naman siya sa kapatid na napakalaki ng ngiti ngayon na mukhang masaya sa nangyayari. Alam niyang mayroon siyang hindi nagawa agad-agad. At kailangan na niyang itama ito at sabibin mamaya sa kapatid niya.

Tumikhim siya matapos ay tumawa ang mahina.

"Halika pasok muna kayo. Nagpahanda ako ng merienda. Maraming kakanin na sa palagay ko ay miss mo na Trish." Kinuha niya ang dala-dala ng ate niya at ni Trish. Nakasunod lamang ang dalawa sa kaniya na giniya niya sa kainan.

"Wow! I missed all of these." Maligayang sigaw pa ni Trisha na ikinangiti pa niya.

"Sige kumain muna kayo. Ilalagay ko lang ang mga gamit niyo sa itaas." Paalam pa niya sa dalawa.

"I'm looking forward to my vacation here with you, Boaz." Natigilan siya sa sinabi ni Trish. Tumingin siya sa kapatid na ngiting-ngiti. Hindi niya inaasahan na may kasama ang kapatid niya sa pagdating kaya nga bukas na bukas ay uuwi na siya sa kabilang hacienda dahil hindi na rin iba ang kapatid niya sa bahay niya dito sa Puerto. Pero ngayon nga ay may isa pang bisita. At nag-aalinlangan siya sa susunod na mangyayari.

...

Kakatapos niya lang igala sa hacienda sina Trisha at kanyang Ate Gracie gamit ang buggy. Halata niya ang pagkamangha ni Trisha sa bukid at talagang may litrato sa bawat tigilan nila. Natutuwa at natatawa nga siya talaga sa pagiging bubbly ng kaibigan. Naalala naman niya na ganito nga ugali nito dati kaya giliw na giliw ang kasintahan niyang si Mary. Napangiti siya sa alaala.

The Man After His Own HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon