CHAPTER 70
TENNESSE'S POV
Sairen, hanggang kailan ka ba matutulog sa kamang yan? Magising ka na dahil kailangan kita..kailangan ka nina Vetina at Lian
Kung alam mo lang kung gaano ka warfreak si Lian..tsk..kung alam mo lang din kung gaano nasasaktan ang pinakamamahal mo..hindi ako manhid..alam kong si vetina yun, walang duda..iba kasi mga tingin o sa kanya..ibang-iba kumpara sa mga tingin mo sa'kin..alam ko, naaawa ka lang sa'kin Sairen..palagi ka man sa tabi ko, pero ang isip at puso mo nakay Vetina..okay lang sa'kin yun, hindi ko nagawang magpakatanga para kay Lian, pero sayo nagagawa ko, hindi ko alam kung bakit..siguro nga dahil bestfriends na tayo bago pa man ang lahat...kung una ka lang umamin kesa kay Lian nun, siguro hindi naging kami..
Bumalik lang yung feelings ko sa'yo nung mga bata pa tayo..sa loob ng tatlong taon ko sa highschool, minahal kita, nahinto lang yun dahil kay Lian.. akala ko sa kanya na iikot ang mundo ko habang buhay..pero mali ako..
Alam mo kung bakit?
Dahil hanggang huli pala, ikaw ang mamahalin ko...I've become a fan of destiny, cause you came back..you came back to me.. ang gusto ko na lang mangyari ngayon..magising ka..gumaling ka..pagkatapos tatanungin kita kung the same pa rin ang feelings mo sa'kin..o baka nabawasan na..alam kong pinipilit mong ibalik ang 100%..pero halatang hindi mo na magawa..
Sana kapag naayos sina Lian at Vetina, marinig ko ulit ang tanong mo..kapag nangyari yun magiging masaya ako ng sobra..
Tsk..huwag kang mag-alala, wala akong galit kay Vetina..okay lang sa'kin..kasi alam kong ayaw niya sa'yo...hahaha..ang sama ko talaga no? Babe, pasensya na, kung anu-anong gumugulo sa isip ko ngayon..nakaratay ka na't lahat lahat pinagdududahan pa kita..
Gosh, I'm a bad girlfriend..
Maging masaya ka na lang Sairen, pasalamat ka mabait ako sa'yo..kahit alam kong ginagawa mo kong panakip butas para itago at pigilan ang tunay mong nararamdaman, hindi pa rin kita iniiwan..
Eh kasi tanga ako...sobrang tanga ko..wala na kong pakealam kung nasasaktan man ako..kasi nandiyan ka palagi sa tabi ko..kahit alam kong iba ang iniisip mo babe..ganito ata talaga kapag true love, mahirap isuko..di ba?
Habang nasa isip ko lahat ng yun..nakita kong gumalaw yung kamay ni Sairen..
"S-sairen?..Doc...doc.."..sigaw ko..sabay labas para tawagin ang doctor..kaagad naman silang nagpunta..
Pinalabas ako pansamantala...nakasilip lang ako mula sa labas ng door..
"Tennesse..."..lumingon ako sa right side...sila Madison..palapit sila sa'kin.
"Bakit? Anong nangyari kay Sairen?"..tanong ni Bryle..
"Ewan ko, pero nakita ko kasing gumalaw yung kamay niya kanina, kaya tinawag ko ang doctors.."..hinawakan ako ni Mad sa kamay..tapos inakbayan ako ni Bryle..
"Don't worry, magiging maayos rin ang lahat.."..sabi ni Mad...thankful ako at nakilala ko ang napakaingay na babaeng to na siyang nagpatino sa mokong na si Bryle.
"And don't worry Tennesse, walang amnesia si Sairen.."..siraulo ka talaga Bryle..
"Oo, sana ako na lang ang naamnesia..sana ako na lang naaksidente at hindi sila, para hindi na nasasaktan si Vetina..at siyempre ikaw.."..sabi ni Mad..
"Ano ka ba Madison? Gusto mo ba kong patayin sa lungkot huh?"..sabi naman ni Bryle..
"Naku! Feeling ko nakakaistorbo lang ako dito eh.."..sabi ko..napatingin sila pareho sa'kin na nasa gitna nila.
BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomanceIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...