"Di ko alam kung paano kame nakarating ng mga kapatid ko dito sa bahay na ito. Dito sa pamilyang ito, may lalaking gwapo akong nakita, mukhang ka age ko lang, tas may nakita rin akong super cute na babae mukhang eight years old siya, tas may nakita rin akong babae na mukhang bata pero halatang nanay siya nung dalawa.
Mukhang nagiging close na nung mga kapatid ko yung lalaking pogi at yung babaeng cute na eight years old.
"Ma may sulat tayo." tawag nung lalaking gwapo sa nanay niya,
"Sige, pupunta na'ko." pagkabalik ng nanay niya biglang nagmeeting kaming anim. Di ko alam kung bakit. Duon kami nagmeeting sa kwarto ni tita Belle (nanay) at si Paul(lalaking gwapo) pati na rin si Christina ( yung 8 years ol na cute na little girl)
"Ganito kasi, natuklasan ko nung bata pa si Paul na may kapangyarihan siya na dalhin ka sa kahit anong lugar basta hawak ka lang niya. So, pinag-aralan niyang kontrolin yun habang lumalaki siya. Hanggang sa may nakatuklas na isang Vero, gusto siyang gamitin ayon sa kagustuhan nitong Vero. At ang mga Vero, ay ilang buwan na kameng hinahanap.Iba't ibang lugar ang aming pinupuntahan para di niya kame mahanap. At ang nakalagay sa sulat na ito, ay nahanap niya na daw kame. Kukunin daw nila si Paul pero di ako papayag kelangan maligtas ko kayo." hindi ko madigest sa utak ko ang mga pinagsasabi nito. Totoo ba ito ? Nasa real world ako. Kaya bakit magkakaroon ng ganito.
Ano toh? Akala ko sa tv lang yung mga ganitong powers, pati ba naman sa totoong buhay. Seriously?
"Eh tita Belle, ano po yung plano para maligtas niyo po kame?" tanong ko kay tita Belle.
May kumakatok.
"Nak silipin mo nga kung sino 'yun?" utos ni Tita Belle kay Christina.
"Ma, nandiyan na sila."
"Hala tita Belle, paano na 'yan? " kabang-kaba at di mapakali na tanong ko kay Tita Belle.
"Ganito 'yun, ididistract ko nalang sila para makaalis kayo dito. Mag-ingat kayo sa mga alagad ni Verin ( yung kalaban) Lumayo muna kayo para di nila kayo mahanap.Maraming alagad si Verin.Mag-ingat kayo, Yza, ako na bahala sa mga kapatid mo. Itong kapangyarihan ko na pwedeng maginvisible gagamitin ko ito para makaligtas kame kay Verin at sa mga Vero." sabi ni Tita Belle. Kinakabahan ako. Ngayon lang ako nakarinig nang ganitong may kapangyarihan. " Wag kang magpapahalata sa iba na may kapangyarihan ka" sabi ni tita Belle kay Paul. Tumango naman si Paul.
At umalis na kame.
~~~~~~~~~~~
Tumakbo lang kame ng tumakbo ni Paul habang biglang nag-iba agad yung lugar nasa ibang lugar naman kame. Nagkwento siya saken para mawala yung kaba ko.
"So pati pala si Christina may kapangyarihan na pwede siyang tumakbo ng sobrang bilis. So lahi niyo talaga 'yan?" sunud-sunod na tanong ko. Grabe lang ah. Natatawa ako sa gitna ng ganitong sitwasyon.
"Oo." tipid na sagot ni Paul.
"Hoyyyyy! Andiyan lang pala kayo?!" shoot andiyan yung mga Vero.
"Tara na daliiii!" sambit ni Paul at tumakbo kame ng tumakbo hanggang sa nag-iba bigla yung lugar namen.
"Mukhang nakalayo na tayo sa mga humahabol sa aten. Pero para sigurado." hinawakan niya yung mukha ko tapos kiniss niya ako pisnge ko tapos tinagilid niya lang konti yung mukha niya sa mukha ko. Ano ba 'tong ginagawa niya. "kunware hinahalikan kita. Para di nila tayo mapaghinalaan na tumatakas tayo sa kanila."
Nag-iba nanaman yung lugar, nakita ko nasa loob kame ng isang tindahan. Nakita ko ang mga kapatid ko sa tindahan at niyakap ko agad sila at tinanong kung okay lang ba sila.