Airine's POV
"Mrs.Kim!"
Sigaw ko ng makarating ako sa lobby ng kompanya. Agad huminto at napalingon ang mag-asawa sa akin.
"Oh! Ms. Guevarra? Is there any problems?" Agad na tanong sa akin ni Mr.Kim.
"Ah Mr.Kim..." Sabi ko at huminga ng malalim. Nakatingin lang sila pareho sa akin.
"Nabalitaan ko po kasing ibinenta niyo yong share niyo sa kompanya? Eh if you willing to wait within two months. Ako nalang po sana ang bibili ng share niyo?" I said directly to him.
Napansin kong bumuntong hininga siya.
"I'm really sorry Ms. Guevarra , hindi ba nila na-inform sayo na kaya lang kami bumalik rito sa Canada ay para sabihin sa mga board members na nai-benta ko na ang shares ko nung minsan lang?"
Napailing ako. At nakinig lang sakanya.
"Later we will come back in the Philippines. At i think ang Royal Insurance na sa Pilipinas ang magpapakilala na bagong CEO ng kompanyang ito". He added.
Napakunot noo ako. "Royal Insurance?"
"Yes. Yon yong mabilis na binili ang shares ko. Nagtataka nga ako don eh, kong tutuusin kasi palubog na itong kompanya pero that person was really willing to buy my shares ang also to save this company!" Sabi pa ni Mr.Kim at nakakalokong tumawa.
"Alam mo bang ni hindi man lang nag-second price sa akin? Kaya you're lucky. Atleast kahit paano. He saved the 5% of your shares"
Hindi ako nakapagsalita.
"Oh siya Ms.Guevarra. Sa Pilipinas nalang tayo magkita. Baka mahuli pa kami ng flight e".
Ngumiti ako bago sila tumalikod sa akin.
Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako.
"Royal Insurance?" nasambit ko nanaman.
Napasabunot nalang ako sa sarili ko. Kong ako lang sana ang nakabili ng shares nila Mrs.Kim. Edi sana ako na ang isa sa mga may pinaka-malaking shares sa kompanya.
Magagawa ko rin sana ang mga gusto kong gawin at baguhin dito.
"Mam Airene!"
Napalingon ako ng tawagin ako ni Jasmine. Secretary ko. Tumingin ako sakanya at nagpatuloy lang sa paglalakad papasok sa office ko.
"Nagkaroon po ng boardmeeting kanina about doon sa paglilipat nila Mrs.Kim ng shares at sa magiging bagong CEO ng kompanya. Kanina ko pa po kayo tinatawagan kaso off naman po ang cellphone niyo". Pagpapaliwanag niya habang nakasunod sa likuran ko.
"No its okay Jasmine. Naka-usap ko na sila Mrs.Kim kanina sa lobby" maikling sabi ko sakanya at pumasok na sa office ko.
Nakasunod lang ito sa likuran ko.
Umupo ako sa upuan ko at napahawak sa noo ko. Hindi ko
talaga alam kong ano bang gagawin ko!Kong habambuhay na ba akong magiging ganito kababa sa kompanyang to. Tsaka sino naman yong magiging bagong share holders at CEO ng kompanyang ito? Biglaang taas ng posisyon niya.
Sila Mrs.Kim kasi ang may pinaka-malaking shares sa kompanya. Ako naman yong may pinakamababa . 5% lang ang shares na meron ako dito.
"Ah Jasmine!" Tawag ko sakanya.
"Yes Mam?" Sabi nito sa akin at lumapit.
"Can you please gather any informations about the new share holders. Mrs. Kim said to me a while ago that Royal Insurance from the Philippines was the one who buy it" sabi ko.
Tumango lang siya sa akin at nagsimula ng maglakad palabas ng office ko.
BINABASA MO ANG
HOW?
RomanceA one word and three letters . Bagay na hindi mo alam kong paano gawin. Salitang hindi mo alam kong paano simulan. "Paano ko nga ba maibabalik ang tiwala ng isang taong lubos kong nasaktan? Paano ko ba magagamot ang mga sugat na nagawa ko sa nakaraa...