The Love Palace Episode 05| She's a Great Chef
Last Chapter: A Very Special Day
Limang taon ang mabilis na lumipas...
"Chef Lorraine, pinapatawag po kayo ng guest sa labas." Sabi ng assistant cook niya.
"Sige lalabas na ako in 5 minutes."
Matapos ang limang taon, heto si Lorraine ngayon. Balik nanaman sa trabaho niya. Walang pinagbago Luto dito, Luto doon pero siyempre may nagbago naman sa status niya. Patuloy parin ang relasyon nila ni Harvey. Limang taon na silang magkarelasyon ng binata. As in literal na 5th anniversary nila ngayong araw na ito. Pero yung bwisit na lalakeng 'yun, kanina niya pa hinahanap hanggang ngayon hindi niya parin makita!
Ni wala nga yatang balak batiin man lang siya, kagabi niya pa ito hindi ma-contact tapos hindi pa ito pumasok sa trabaho ngayon. 'Nakakainis anniversary na anniversary namin binubwisit niya ako!'
Humugot siya ng malalim na buntong hininga at nagpasya na lumabas nalang upang harapin ang mga Guest na nagpapatawag sa kanya. Kesa isipin ang nobyong hanggang ngayon ay 'di pa ulit nagpapakita.
Pagkalabas niya, napangiti agad siya nang makita mula sa malayo ang magandang set-up ng catering venue sa likod ng Resort ngayon. Alam niyang Engagement party ang gaganapin ngayon. Tapos sabi pa ng Assistant cook niya na ang nagpaayos daw ng set-up nito ay yung lalakeng magiging fiance.
Natutuwa si Lorraine kasi pareho sila ng taste. Punong-puno nang paborito niyang two lips flowers yung buong venue tapos pati yung red carpet may mga two lips petals. Ngunit mabilis siyang nagtaka dahil imbis na formal yung mga suot ng mga guest ay mga naka-costume sila. At 'yun lang siguro ang hindi tumugma sa taste nita. 'Ang wirdo lang kasi, bat kailangan pang gawin na costume party ang theme ng engagement nila diba? Ang wirdo talaga.' Kumento niya pa sa sarili.
Nagpatuloy nalang siya sa paglakad palapit dun sa mga taong naka-costume para hanapin kung sino ba yung nagpapatawag sa kanyang Guest.
Habang naglalakad si Lorraine... nagulat siyang bglang may tumugtog na instrumental ng isang pamilyar sa kanya na kanta.
Yung kanta na... Yung kantang 'Theme song' nila ni Harvey.
(A/N: Play the song at the media to feel this Chapter. Title: A thousand years, By: Christina Perri)
Parang bigla tuloy siyang kinabahan ng hindi niya alam kung bakit. Lalo na nung marinig niyang mag-umpisa na yung lyrics nung kanta.
"Heart beats fast,
Colors and promises
BINABASA MO ANG
The Love Palace
Teen Fiction"Limang magkakapares na may iba't-ibang kwento ng pagmamahalan na pagbubukludin ng munting palasyo ng pag-ibig sa magkakasabay na panahon." *** REVISED VERSION | COMPLETED Copyright © 2016 by Derl028 All Rights Reserved.