Lorraine's POV
Bawat gising ko sa umaga at bago matulog sa gabi pinagpapasalamat ko kay Lord ang mga magagandang nangyayari sa buhay ko. Feeling ko talaga bumalik ako sa pagiging teenager ko. Like he did before, he made me special every single day. Yung feeling na araw-araw kang inlove. We are both matured now. Inienjoy nalang namin ang buhay.
Pagbaba ko, nakita ko agad si Ivan. Lagi nya na akong sinusundo sa bahay. "Good morning love" nakangiti nyang bati. "Good morning" sabi ko rin sabay yakap.
----------
Hinatid na nya ako rito sa cafe'. Maya-maya pa ay nandito na naman ang mga kaibigan ko. "Raainnee... tara Mall tayo" yaya pa ni Ash. "Ha? Diba nag Mall ka rin kahapon" sabi ko pa. "Raine, wag ka na kasing tumanggi" sabi pa ni Claire. "Oo nga. Kaya tara na" sabi naman ni Kate sabay hila sa akin. Wala na akong nagawa.
--------
Nasa mall na nga kami. Tinext ko si Ivan. "Love, nasa Mall kami ngayon" sabi ko sa text. "Ok" reply nya. Ha? Ok lang? Si Ivan ba tong katext ko? Parang di naman sya ganito magtext ah. Di ako nakatiis kaya tinawagan ko sya. Pero ring lang ito nang ring. Ilang beses ko pa syang sinubukang tawagan pero di nya talaga ito sinagot. Maya-maya nag text sya. "Love sorry. I'm busy" yun lang. Uminit na ang ulo ko bigla. Busy? Nagtext? Pero yung tawag ko kahit isa walang sinagot. Bigla nalang ako nawala sa mood. "Uy, Raine. Problema mo?" Tanong pa ni Kate. "Wala" sagot ko. "Wala daw. Bakit ganyan mukha mo?" Tanong pa ni Ash. "Eh, kasi naman si Ivan nakakainis eh" sumbong ko. Nakita kong nagkatinginan silang tatlo. "Ahm, bakit mo naman nasabi yan?" Tanong pa ni Claire. "Ilang beses ko kasing tinawagan pero di sumasagot. Tapos biglang magtitext ng sorry I'm busy" naiinis kong sumbong. "Eh baka busy nga talaga"sabi pa ni Claire. "Ewan, basta iba pakiramdam ko" sabi ko. "Halaa! Baka may iba na" wika pa ni Ash at nakita kong pinipigilan nya ang tawa nya. Siniko naman sya ni Claire. "Aray! Biro lang. Ansarap kasing asarin ni Raine. Hahaha parang yung dati lang" sabi pa ni Ash. Napangiti naman ako bigla. Oo naalala ko, ganito din kasi ako dati hahaha para na akong adik. "Yay, ganyan Raine. Ngiti lang. Wag masyado magpa stress" sabi naman ni Kate. "Tara, make-over tayo" yaya pa ni Ash. Bago pa ako makareact ay hinila na naman nila ako.
---------
Nandito na nga kami sa parlor. Total makeover daw. Mga baliw talaga hahaha. Pagkatapos ng makeover chuchu ay pumunta naman kami ng boutique. Wala ako sa mood pumili ng mga damit. "Raainee... bagay sayo to" sabi pa ni Ash. "Oo nga Raine. Suot mo na. Tiyak, babagay yan sa sayo" sabi pa ni Kate. "Suot talaga? Di pwedeng sukat muna?" Sabi ko pa. "Ganun na rin yun. Susuotin mo rin naman yan. Pano mo susukatin kung hindi mo isusuot diba?" Sabi naman ni Kate. "Fine" sabi ko pa at tinulak na nila ako sa fitting room. Pagkasuot na pagkasuot ko ng dress ay bigla agad ako nanibago sa sarili ko. Di kasi ako madalas magsuot ng mga ganitong damit. Waaahh feeling ko prinsesa ako. Hahaha di joke lang. Bumagay nga ito sakin. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng fitting room.
"Waaah, sabi na eh. Bagay sayo" sabi pa ni Claire. "Waaittt" sabi pa ni Ash. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Pinaikot-ikot pa ako. "Raine? Ikaw ba to?" Wika pa nya. Natawa naman ako. "Para kayong baliw" sabi ko pa."wag mo nang hubarin yan" sabi pa ni Kate. "Waaaittt... ito Raine suot mo" sabi pa nya sabay abot sakin nung shoes na may takong. "Ay grabe, baka madapa ako nyan ah" sabi ko. "Hindi. Kaya mo yan" sabi pa ni Kate. Haaay, wala talaga akong magagawa sa kanila.
-------
"Kain muna tayo" yaya pa ni Kate. "Sige, gutom na rin ako eh.
Habang kumakain kami ay naalala ko na naman si Ivan kaya tinawagan ko sya. Ring pa rin ito ng ring. "Oh, di pa rin ba sumasagot?" Tanong pa ni Claire. "Hindi eh" sabi ko pa. "Kasi nga busy sya diba?" Sabi pa ni Ash. "Nakakainis talaga. Wala man lang text" sabi ko. Nagkatinginan na naman silang tatlo. "Haaay, relax ka nga lang dyan. Bawal ka ma haggard" sabi pa ni Ash. Nagpout naman ako. Biglang nag ring ang phone kaya agad ko itong kinuha hoping its Ivan pero hindi. "Hello?" Panimula ko. "Ma'am its Jane. Pwede po ba muna kayong pumunta dito sa Cafe'? Emergency lang po" parang natataranta na sabi ni Jane ang head crew sa Cafe'. "Oh, sige sige pupunta na ako" nagmamadali kong sabi. "Anyare?" Tanong nila. "May emergency daw sa Cafe' kailangan ko ng pumunta dun" sabi ko. "Sige" sabi naman nila.
--------
Pag dating ko sa Cafe' ay agad akong sinalubong ni Jane. "Jane, ano ba ang nangyari?" Tanong ko agad. "Eh, ma'am yung kliyente po kasi. Sinunod naman po namin ang gusto nyang theme para sa heart room pero parang di nya po nagustuhan kaya nagalit. Gusto nya daw po kayo makausap" tarantang sumbong ni Jane. "Nasaan na sya?" Tanong ko pa. "Nandun po sa Heart room" sagot naman nya. Kaya agad na akong umakyat dun. Shiit! Naka heels pala ako. Kainis! Haaay... nakakastress ang araw na to. Sayang yung makeover.
Bago ako pumasok ng heart room ay inayos ko muna ang sarili ko. Huminga ng malalim at hinanda ang sarili. Dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto.
Pero wala namang tao. Pinagtitripan ba ako ng taong yun? Napunta tuloy ang atensyon ko sa paligid ng heart room. Park yung theme nito. May bench at pa flowers pa. Ang ganda naman nito ah. Ano yung hindi nya nagustuhan dito? Natigil lang ako nang may marinig akong kumanta."I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead"
Dahan-dahan akong lumingon. And there I saw him. It's Ivan. Lumakad sya papalapit sakin habang kumakanta.
"Well I found a girl
Beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me"I just don't know how to react. Natutulala ako. I was Speechless. Nang makalapit na sya sakin ay kinuha nya agad ang mga kamay ko. Nilagay nya ito sa mga balikat nya, then put his hands on my waist. And continue to sing.
"Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time"And we are slowly moving. We are slowly dancing. Looking straight on each other's eyes... feels like they are talking.
"Darling just kiss me slow
Your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine
Baby I'm dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favorite song
When you said you looked a mess
I whispered underneath my breathe
But you heard it darling
You look perfect to me""I love you Raine" sabi nya. "Alam ko" sabi ko pa. Nagplay na yung kantang Perfect ni Ed Sheeran. "Sayaw pa tayo" wika nya. Tumango naman ako.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya. "Sobra. Ikaw ba lahat gumawa nito?" Tanong ko din. "Tinulungan ako ng mga empleyado mo dito" nakangiti nyang sabi. Natawa ako. "Kinuntsaba mo si Jane no?" Tanong ko ulit. "Oo pati mga kaibigan mo" sabi pa nya. "Aahh. Kaya pala. May pa makeover-makeover pa silang nalalaman ah" wika ko."bagay sayo love. You are really beautiful" sabi nya. Nagising na naman ang mga paru-paru sa tiyan ko.
Hanggang sa inalalayan na nya ako papunta sa bench at naupo. May inabot sya saking flowers at teddy bear. Naalala ko tuloy yung binigay nya sakin noon na teddy bear.
"Love, I want to spend the rest of my life with you" he said while holding my hand. "Me too. Ikaw lang din ang gusto kong makasama habang buhay" sabi ko. Unti-unti syang lumapit sakin. Then he kiss me. A kiss that is full of love.
This is really the perfect time for us.
Kami ay pinagtagpo, pinaglayo, pinagtagpo ulit at pinaglayo na naman. Nagmahalan at nakaranas ring masaktan. But those are the things that strengthens us. Marami man kaming pinagdaanan, ang importante ay natuto kami. Hindi dapat madaliin ang mga bagay-bagay. Dahil lahat ay nakakapaghintay.
Just learn to wait and see the best things out of it.WAKAS
A/N: Sa lahat ng mga nagbasa mula umpisa hanggang wakas, maraming maraming salamat sa inyo. Godless you mga bi :) sana ay nagustuhan nyo. Thank you sooo much.
