Chapter 14

3.4K 134 9
                                    

NAPAINOM ng wine si Rea nmatapos marinig ang kumpisal ni Louie. Kakatapos lang nilang maghapunan at kasalukuyang umiinom ng dessert wine sa isang restaurant.

Nang makahuma na siya agad niyang kinlaro ang unang sinabi nito sa kanya. "You were Jessica's ex?"

Bahagya itong tumango. "She broke up with me two months ago. Niloko din niya ako, tulad ng pagloko ni Mikael sa'yo, Rea." Louie sounded so defeated.

Hindi pa rin siya halos makapaniwala. Akala niya walang nakaka-relate sa nararamdaman niyang sakit. But then here's a guy who shares the same pain with her. Pero bakit ba ito lumalapit sa kanya ngayon?

"Louie, you seem like a nice guy. But are expecting me to build alliance with you against the two? Kasi nggayon pa lang sinasabi ko," she shook her head, "...ayoko na ng gulo. I have enough of it already."

Itinaas nito ang dalawang kamay. "Woah! Woah! Hinay-hinay lang. Wala akong balak na makipagbalikan kay Jessica. I just want to know you."

"Naku. Hindi ko ma-gets ang reason na 'yan. Malamang hindi lang ako ang magtataka kung bakit ka makikipagkaibigan sa ex ng current boyfriend ng ex mo."

"Bakit masama ba? I just want to know you. Wala naman akong masamang intension. I just want to know if that Mikael really cared for Jessica. At sa tingin ko, ikaw lang ang makakasagot noon."

Ano raw? Siya pa ang tatanungin sa magiging progress ng relasyon ng dalawa? Who is he kidding?

"You know what? Sa lahat ng iniwan, ikaw lang yata ang nag-aalala sa ex mo. Niloko ka na't lahat, you still want to know if she would be happy?"

Sumandal ito sa upuan at saka nagbuntong hininga. "I still love her that's why I care." He then looked at her in the eye. "Bakit ikaw? Hindi mo na ba mahal si Mikael?"

Agad siyang natahimik sa tanong nito. Of course she knew the answer. She may have hated Mikael but the feelings she had for him never changed. Kaya siya nasasaktan pa. Kaya siya umiiyak pa rin dahil dito.

Malamang naramdaman ni Louie ang pagkailang niya sa tanong nito dahil agad itong humingi ng paumanhin. "I...I'm sorry for asking. I'm being rude. Patawad, Rea."

She shook her head. "It's alright. And to answer your first question. Malamang mahal nga ni Mikael si Jessica. Why would he waste his four year relationship with me if he just plans to play with her? Jessica must mean a lot to him. At tanggap ko na ang ideyang iyon."

Tipid ang ngiting isinukli sa kanya ni Mikael. "Thanks for being honest. Malamang naiinis ka na sa akin dahil di ko sinabi agad ang totoo."

She snorted. "Mabuti at alam mo. Pero okay lang naman. You just wanted answers. So ngayong nasagot na kita, di ka na magkukunwaring makikipagkaibigan?"

Nanlaki ang mata nito. "Grabe ka naman! I really want to be friends with you. Lalo na ngayong alam kong honest ka at masarap kausap."

She rolled her eyes. "Lip serving?"

"Hey, of course not! If you want, I'll help you with that garage sale. Magaling akong magbenta."

"Really?"

"Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko but I'm one of the best insurance sales agents in the country. Kaya kong ibenta lahat ng nasa garage sale mo. Gusto mo doblehin pa natin ang presyo?"

Napailing na lang siya habang pinapakinggan ang kakulitan ni Louie. The more she knew him, the more she felt bad for him. Mukhang mabait at responsible naman ito. He has a sense of humor as well. Ano kaya ang rason ni Jessica para lokohin ito?

"Siya nga pala, Rea. May hihilingin sana ako sa'yo." Biglang sumeryoso ang mukha ni Louie.

"Ano 'yon?"

He paused for awhile before speaking again. "Kung may pagkakataon na maglalapit kayo ni Jessica, umiwas ka na lang."

She knows Jessica is a bitch most of the time. Especially to her. Pero hindi niya inaasahang papayuhan pa siya ni Louie nang ganoon. "At bakit naman?"

"I know Jessica. She's possessive. Baka isipin niyang babawiin mo si Mikael sa kanya."

"As if I didn't know. Look what she did to me at the bar."

"I mean it this time. Iwasan mo na lang siya. At kung maaari, pati si Mikael iwasan mo."



DOUBLE UPDATE! Thank you for the votes and comments! LABYU OL! Hemweh3x!

SWEET INTOXICATION: The Vodka DiariesWhere stories live. Discover now