Chapter Three

42 4 0
                                    

| Chapter Three - "Buhay Pa Ako" |
| Euri's POV |

Kasalukuyan akong papuntang  Australia para magbakasyon...

Sa library lang pala ako pupunta, para magbasa. Ano pa ba ginagawa dun? Matulog? Pwede din. Kumain, siguro. Mag-ingay, bawal.

Pagkapasok ko, agad akong nginitian ni ate Christine aka ang librarian,na sinuklian ko ng matamis kong ngiti. Kilala na nila ako dito,dahil araw-araw akong pumupunta dito. Mahilig akong magbasa, pero di ako nerd. Di naman ako tulad sa ibang istorya na nerd tas nagpapaapi. Marunog akong makipaglaban kung kailangan, gusto mo hamunin pa kita sa suntukan eh.

Anyways, naglakad na ako papunta sa isang shelf. Kukunin ko sana ang librong matagal ko ng gustong basahin. Pero dahil may mga exam kasi last week, di ako pinayagan ni mommy. Sabi niya kasi humiram muna ako ng mga libro tungkol sa lessons namin. Bilang mabuting anak, sinunod ko siya.

Kukunin ko na sana ito ng tawagin ako ni Ate Christine, ang librarian na kaibigan ko. Di naman siya matanda. Mga 27 pa lang siya, Kaya naging close kami kaagad.

"Oh ate, may kailangan ka?" tanong ko kaagad pagkalapit ko. Tumango siya at nginitian ako sabay tinggin sa mga librong tambak tambak sa isang lamesa.

No, no! Ayaw ko na siyang tulungan. Pinagawa niya din sa akin toh nung isang araw kaya pagkauwi ko sobrang sakit na ng kamay ko.

"Ayaw ko nga ate" tumalikod na ako at nagbalak na maglakad na ulit palayo pero nagsalita siya.

"Lilibre kita ng fried chicken mamaya" sabi niya kaya napaisip ako, pero umiling ako.

"Ice cream?" tanong pa niya. Pero umiling ulit ako.

"Donut?" sa pangatlong beses, umiling ako.

"Eh ano gusto mo?" pagsusuko niya. Kaya unti unti akong humarap na may ngisi.

"Chicken, ice cream, donut, burger and fries" nakangiti kong sabi kaya nanlaki ang mata niya. Iiling na sana siya pero bumukas ang bibig niya.

"Fine" sabi niya na may kasamang irap. Agad ko namang sinimulan yung trabaho ko.

Kinuha ko ang mga libro at binuhat. Sampong libro ang buhat buhat ko kaya di ko masyadong makita ang nasa harap ko. Kailangan ko kasing ibalik ang mga hiniram na libro ng mga tao eh. Mga hinayupak na yun.

Ilalagay ko na sana sa isang shelf yung libro, pero agad akong natumba at lahat ng mga libro ay nabagsak.

Lahat naman ng tao napatinggin sa amin kasama na si ate Christine. Hinawakan ko pa ang balikat ko dahil sumakit ito. Dun kasi ako natamaan ng sobrang lakas kaya ayun, natumba ako.

"Buhay pa ako" Pagtinggin ko sa harap ko may isang lalake din ang nasa lapag. Dahan dahan siya tumayo at pinagmasdan ako.

Napaiwas naman ako at nagsimulang magpulot ng mga librong nahulog. Napansin ko namang tumulong siya sa pagpulot. Tama lang yan noh. Kung di dahil sa kanya di sana nahulog ang mga libro at di sana ako matutumba. Bwiset na lalakeng toh.

"Oh" sabi niya sabay abot ng ibang librong napulot niya. Napairap na lang ako at kinuha ang mga yon. Di man lang nag-sorry.

Nilampasan niya ako at sinundan ko naman siya ng tinggin. Umupo siya sa pinaka malapit na upuan sa pwesto ko. Napairap na lang ulit ako.

"Tsk. Sorry ah" bulong ko sa sarili ko, pero alam kong narinig niya yun dahil sobrang tahimik ng library at ako lang ang nagsalita.

Naalala ko naman ang sinabi niyang 'Buhay pa ako' sana nga namatay na siya eh. Ka-lalakeng tao,bastos. Di man lang marunong mag-sorry. Nakakainis lang. Suntukin ko yang pagmumukha niya eh,tska niya sabihin sa aking buhay pa siya.

Kahit nawala ang mood ko ginawa ko pa din ang deal namin ni ate Christine. Pabalik balik ako sa table at shelf para kunin ang mga libro at ibalik sa tamang lagayan.

Napapansin ko din na di naman nagbabasa yung lalakeng 'buhay pa'. Nakatunganga lang tas bigla biglang titinggin sa akin.

Binilisan ko na lang ang ginagawa ko at di na pinansin yung lalake. Nakakasira ng mood eh.

Pagkatapos kong ibalik ang lahat ng mga libro ay naupo ako sa tabi ni ate Christine, kaya tinaasan niya ako ng tinggin.

"Kilala mo ba yun?" sinundan ko naman ng tinggin yung tinitignan niya, walang iba kundi si 'buhay pa ako'. Nakatinggin siya sa pwesto namin na dahilan para kilabutan ako. Umiling naman ako kay ate Christine.

"Weirdo lang yan. Wag na natin pansinin" sabi ko na lang at umiwas ng tinggin sa lalake.

"Lagi kaya siyang nandito sa library, kapag nandito ka. Pero wala namang ginagawa. Lagi lang nakatinggin sayo, tas habang nag-aayos ka kanina titig na titig siya sayo. Di mo napansin noh? Manhid mo kasi eh" sabi niya kaya napailing na lang ako. May pagkadaldal din tong si ate Christine.

Di ko na lang siya pinansin at nanahimik na lang ako sa gilid. Padami ng padami ang mga tao sa library dahil uwian na. Isang oras pa ang natitira bago magsara ang library kaya maghihintay pa ako. Para malibre ako ni ate Christine.

Nilibot ko ang paningin ko at wala na si lalakeng 'buhay pa ako'. Nakahinga naman ako ng maluwag. Kala ko nandito pa siya, di ko na ata kakayanin. Ang weird niya talaga.

"Hinahanap hanap si kuya" sabi ni ate Christine sa gilid habang may estudyante sa harap niyang nanghihiram ng libro.

"Ayusin mo na lang yang trabaho mo" suway ko sa kanya na tinawanan niya. Bakit kaya librarian ang trabaho niya? Ang bata bata pa naman. Pwede naman siyang mag teacher, mag chef, maging fashion designer. Pero, ano nga bang pake ko kay ate Christine? Bahala na nga siya dyan.

Paglabas ng mga tao sa library ay naglinis kami onti ni ate Christine at lumabas na ng library.

Dumiretsyo kami sa isang fast food chain. Naghanap ako ng upuan habang si ate Christine mag-oorder.

Paikot-ikot ako ng mahagip ng mga mata ko ang isang table na walang tao. Dumiresyo naman ako kaagad dun. Baka maunahan pa ako eh. Mahirap na.

Umupo na ako at nilapag ko sa isang upuan ang bag ko. Nakita ko naman si ate Christine na nakapila at nakatinggin sa menu.

Maya-maya lang ay naglakad na siya palapit sa pwesto ko habang hawak hawak ang tray.

Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan pa.

"Salamat sa libre, ate Christine" sabi ko at pinunasan ang labi ko.

"Salamat sa pagtulong. Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na sa inyo" sabi ni ate Christine kaya napatango ako at tumayo. Kinuha ko na ang bag ko at kumaway at nagpaalam kay Ate Christine.

TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon