Tadhana

423 5 0
                                    



Casts

Kaye Cal as herself pero at her teenage years. Sikat na singer na kasalukuyang nasa isang concert tour. Bata pa lang nagpeperform na sya kaya hindi masyadong na-enjoy ang kabataan..... hanggang ngayon.

Sabrina Torres isang teenage random girl na working sa sarili nilang flower shop business. Mostly loner lalo na sa school. Maganda pero hindi masyadong pansinin dahil hindi sya tipikal na girly girly manamit at kumilos. Height is 5"3', lampas kili-kili ang black na buhok, morena at mahilig sa cross stitch.



The story is purely Sabrina's POV.




Alas-otso na ng gabi. Kahahatid ko lang ng isang bouquet of flower sa kabilang subdivision na inorder ng isang lalaki sa shop namin. After nito, didiretso na ko sa bahay kaya lang tinatamad pa ko. Bago ako umalis kanina, nagsara na ng shop ang Mama't Papa ko. Isang kanto lang ang pagitan nung shop sa bahay namin kaya siguradong nasa bahay na sila. Sanay naman sila na hindi agad ako nauwi kaya okay lang. Text ko na lang uli si Mama.


Ma, magso-stroll lang ako saglit. Wag nyo na po akong hintayin. Goodnight. :)


Tumunog na ang cellphone ko. Di ko na titingnan. Isa lang naman ang laging reply ni Mama eh. Isang malaking K lang. Tipid na tipid magreply eh naka unli text naman sya. Tsss.



Magpapagas muna ako bago mag-stroll. Di ko pa alam kung sa'n ba ko tatambay ngayong gabi. Sa bilyaran ba sa bayan o sa bowling center? Well, kahit naman alin dun okay lang kase parehong kokonti ang tao.


"Mam okay na po."

"Ayy! Sorry sorry! Eto bayad." Inabot ko yung 500 pesos na kanina pa sa kamay ko.

Si kuya talaga, ginulat naman ako eh nag-iisip pa nga yung tao kung san pupunta eh. Tsk!

Kambyo.... release ang paa sa break... okay......


"Miss! Miss! Tulong! Please!"

Nakakagulat naman tong gwapo na to! Naka-cap na, naka hood pa! Pero kita pa rin ang kagwapuhan, in fairness! Gwapo nga pero kung makalampag naman ang sasakyan ko oh! Ano bang problema nito? Tutulungan ko ba to? Sige na nga! Eto na binababa ko na nga ang bintana eh ayaw pa ring tumigil sa kakahampas ng kamay nya sa pinto ng kotse ko! Ang kapal!

"Pwede mo ba kong isakay? Please?"

"Ay sorry! Hindi to taxi. Dun ka sa kalsada kumuha ng taxi!"

"Sige na please. Andyan na sila eh! Nakikilala mo ba ko?"

"Hindi! Sino ka ba?"

"Wala. Naririnig ko na sila, please"

"Sinong sila?" Nililingon ko ang buong paligid pero wala namang humahabol sa kanya. Adik yata to eh!

"Eeeeeeehhhh! Ayun sya!!!!"

Biglang may sumulpot na mga limang babae na humahabol kay gwapo. Abaaaaa! Matindeeehh!

"Miss, pakiusap naman oh! Di nga taxi tong kotse mo pero nakalagay naman nagdedeliver ka ng bulaklak. Isipin mo na lang bulaklak ako na idedeliver mo! Sige na!"

KAYE CAL StoriesWhere stories live. Discover now