Chapter 4

7 0 0
                                    

Chapter 4

AJ’s POV

Anong nangyari sa babaeng yun at bigla bigla umalis. Tsaka sasampolan? Sino? HUH? Ang gulo.

“ saan pupunta yun? ” tanong sakin ni Thea. Aba himala kalmado

.“ ewan ko may sasampolan daw e. ” sagot ko naman sa kanya

“ Let’s see kung sino ” wika ko.

Ayun sinundan namin ng tingin si Demi at may nilapitan na lalaki.

T-teka p-parang pamilyar yung lalake.

End of AJ’s POV

Demi’s POV

May gana pa talaga siyang tumawa kasama ang babaeng yan nakakaimbyerna Hayop na lalakeng yan. Humanda siya sakin sasampolan ko talaga siya ng bongga.

Dali dali akong sumugod sa kinaroroonan nila.

“ *kulbit sa kanya* ” –ako

“ *harap* ” –siya

*PAK*

Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Pati ang babaeng kasama niya.

“Yan para sa pagpapaasa mo sa kanya”

*PAK*

“at yan naman ay para sa pagpapaiyak mo kanya” dire-diretso kong sabi

“ I-I’m sorry Demi di ko gusto yung nangyari paki-sabi kay Shin sorry.” Pagpapaliwanag niya

“Gago ka ba ha! Sorry? Sorry kasi nasaktan mo siya sorry kasi pinaiyak mo siya. Gago kana nga tanga ka pa! Tsaka di mo ginusto? WOW HA! Hindi mo pala ginusto tapos ngayon tuwang tuwa ka na kasama mo yang malanding babaeng na yan? Patawa ka kaso nakalimutan kong tumawa” sarcastic kong pagkakasabi

“Miss watch y---” sabi nong babaeng malandi kaso di ko na siya pinatapos

“SHUT UP” sabi ko kaya tumahimik nalang siya.

“Demi I’m so sorry.”

“sorry nanaman. Nagsosorry ka kasi napakalandi mo hindi kana nakuntento kay Shin kaya kumabit ka pa sa isa pang malandi na tulad mo rin HA-HA-HA alam mo pwede ka nang joker.” I said that in a sarcastic tone.

“sobra kan----”

*PAK*

“ tatahimik ka o gusto mo pa ng isa? Wala kang manners kita mong may kausap ako sisingit ka tsaka hindi ikaw ang kausap ko!” umabot na sa full yung temper ko di ko na mapigil pag nakikita ko yung pagmumukha nilang dalawa. Ayun tumahimik na siya.

“Alam mo anlaki laki mong tanga ewan ko ba sayo eh halos na kay Shin na ang lahat ng katangian ng isang Girlfriend. Tapos naghanap ka pa ng iba tapos yung pinalit mo wala pang MANNERS” talagang ini-emphasize ko pa yung ‘MANNERS’.

“Ano bang paki mo?” Aba loko to ah!

“Eh siraulo ka pala eh! May paki ako kasi kaibigan ko yung nasasaktan tapos ikaw pinag mukha mo siyang tanga alam mo ba ngayon ginagawa niyang miserable yung buhay niya. Dahil mismong dalawang mata niya ang nakakita sa inyo ng babaeng yan nung engagement party niyo nandun kami kasama si Shin. Kaya pala umiiwas ka sa kanya at kaya pala cold na cold ka dahil may bago kana. Alam naman nating mahal na mahal ka ni Shin ang problema inabuso mo mas mabuti sana kung dinahan dahan mo yung pagsasabi sa kanya ng totoo kaso siya mismo ang nakadiskubre isa kang duwag Aaron isa kang malaking DUWAG” sobra sobra yung galit ko. Naiinis ako. >__<

“Sino ba kasi yang Shin na yan?” tanong ng malanding impokrita na yun.

“Buti naman natanong mo. At ngayon ikaw ang kakausapin ko. Alam mo ba ang landi landi mo ang kati kati mo san ka ba pinaglihi? Sa HIGAD? Nanlandi ka nalang doon pa sa may Girlfriend na hindi ka pa pumili pili. Wag ka sanang masaktan pero lahat ng sinasabi ko ngayon ay puro katotohanan. Ang kapal ng mukha mo.” Ayan sa sobrang harsh ng mga sinabi ko napaiyak na siya sa lalakeng manloloko at yumakap pa ang bruha!

“Hindi ko *sniff* kasalanan na maganda *sniff* ako at *sniff* ako ang pinili ni Aaron.” Wika ni Higad.

“Eh nuknukan ka rin naman pala ng tanga eh! Ikaw maganda? *tingin mula ulo mukhang paa* saan banda? Paki hanap please. Maganda ka nga ba talaga o MAKATI. Alam mo miss ang Makati lugar yan wag mong UGALIIN tanga magsama kayong dalawa lamunin sana kayo ng lupa. Nakaka-imbyerna kayo” sabay alis ko at bumalik sa 7/11 iniwan ko silang mukhang mga tanga sa daan.

“Winner ang walk out mo Demi” puri ni AJ sakin. Aba ang gaga natuwa pa.

“Syempre kailangan yun. Okay ba?” tanong ko with pa-smile-smile pa

“Okay na okay” nag thumbs up sign pa siya.

“Tutulungan ka sana namin kaso mukhang kayang kaya mo naman pala kaya nanonood nalang kami.” Wika naman ni Thea. Aba minsan lang yan mamuri ha!

At minsan lang rin ako mag taray ngayon lang ako nakipag sagutan ng ganito at sa public pa. Baka masira ang image ko. Charr. XD

“Syempre ako pa HAHAHAHAHA” sabay tawanan namin.

“Oh? Bat parang ang saya saya niyo ata?” tanong ni Krix na kakalabas palang galling sa 7/11

“andyan kana pala HAHA bat ang tagal mo?” tanong ko

“Eh loko kasi yung cashier napakabagal mag scan. Kung di lang yun gwapo naku.” Sus natagpuan na ata niya ang kanyang tadhana. HAHA

“Tara na nga andadaldal niyo” pag aaya ni Thea.

Oo nga pala pupunta na kami sa school ni Harmony diba nga dadaanan namin siya.

Ayun sa sobrang daldal ni AJ kinuwento kay Krix ang nangyari at siya naman ngayon ang tawa ng tawa. Tama lang naman yung ginawa ko sa kanila eh kulang pa nga yun.

End of Demi’s POV

Guy’s natuwa ba kayo sa UD ko ngayon?

Anyway bukas na ako mag susulat o kaya mamayang gabi para kinabukasan ia-update ko na.

Vote – Kung nagustuhan niyo ang UD ko ngayon. J

Comment  - Kung may gusto kayong sabihin whether it is positive or negative feedbacks.

Like – kung mga abangers ko kayo at love niyo ang story ko syempre pati si Ms. A J

Lablab ♥

By: Youhavetomeethim1st ♥

Accidentally Meeting the Right One ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon