Project 1

33 5 0
                                    

Project: Highschool

Project 1:

Third Person's POV

Maulan, at malakas ang tulo galing sa bubongan ng barong-barong na tinitirhan ng isang Engineer turned into Construction Worker na si Andrew. Nasa isang gilid lang siya. Naka-balot sa isang luma at mahimulmol na kumot at may hawak na isang wala ng hawakang mug ng kape. Naka-halukipkip siya at naiinis na pinapanood kung paano pumatak ang tulo sa ilang tabo at timba niya.

Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit siya nahantong sa ganitong sitwasyon. Mula sa pagiging heir ng isang malaki at kilalang kompaniya ay naging isa siyang mahirap at walang pangalang binata. From being a bachelor to nothing.

Ilang katok ang pumailanlang sa maliit na bahay. "Andrew?" isang pagtawag mula sa isang lalaking hindi pamilyar ang boses. Napa-kunot-noo is Andrew. Sino naman kaya iyon? Bakit sa dis-oras at binabagyong gabi pa siya nangatok? "Andrew?" ilang katok at pagtawag pa nito. Walang nagawa si Andrew kundi ang pagbuksan ng pinto ang lalaki.

Isa iyong lalaki na naka-basang labgown. Naka-salamin at magulo ang may kaputiang buhok. "Sino ho kayo?" may pag-galang na tanong nito kahit naiinis na. Hindi siya pinansin ng matanda at tuloy-tuloy na pumasok at naghubad ng labgown at saka naupo sa sira niyang upuan.

"Tinatanong ko po kayo!" may inis na sabi ni Andrew at sinara ang pinto saka lumapit sa matanda. "Painom, huh?" sabi ng matanda at hinigop ang kape ni Andrew. Ni hindi nag-inarte ang matanda sa kape ng binata at maging sa itsura ng bahay nito. "Kung makiki-inom lang ho kayo, tapusin niyo na at umalis na kayo," sabi ni Andrew at sumandal ulit sa pwesto niya kanina.

Wala na ang mga tulo, ngunit maulan pa rin. Malamang humina na iyon. "Mula sa mansyon dito na pala mahahanap ang prinsepe," sabi ng matanda nang maibaba niya ang mug ng kape. Nagpantig sa pandinig ni Andrew ang sinabi ng matanda. "This is impossible, you are even allergic to dust!" sabi ng matanda at humigop muli sa mug.

"Shut up! Pinadala ka ba nila dito? Makakaalis na ho kayo!" sabi ni andrew at dire-deretsong pumunta sa pinto at binuksan iyon. Napatawa naman ang matanda. "Hindi. Nandito ako para sa isang proposal!" sabi ng matanda at inilabas ang isang syringe at isang kulay asul na likido. Isinara ni Andrew ang pinto at lumapit sa matanda. "Ano yan?"

"See. You're interested!" sabi ng matanda na nakapag-painis kay Andrew. "Easy there, young man! This is Project 8978. Ito ang babago sa buong siyensiya!" aliw na aliw na sabi ng matanda. Napa-kunot ang noo ni Andrew. "Oh, anong meron jan?" tanong niya na parang nakatingin siya sa pinakawalang kwentang bagay na naimbento.

"I need an experiment. Umepekto na ito sa mga hayop at halaman. Isang taon ang epektong ibibigay nito sayo. Magiging 17 ka ulit!" sabi ng matanda na lalong nagpa-kunot ng noo ni Andrew. "You want me to be your guinea pig? Hell no!" sabi ng binata at hinatak ang matanda palabas ng bahay. "Lumayas ka na  ho at maghanap ka ng ibang taong papayag sa kabaliwan mo!" singhal ni Andrew at tinulak palabas ang matanda.

"Pag-isipan mo ito, Andrew. Kapag napatunayang tatalab ito sa tao. 10 milyon ang ibibigay ko sayo. Makaka-alis ka na sa basurang ito. Makaka-balik ka na sa buhay mo noon. Pag-isipan mo, Andr--" sinaraduhan nalang ni Andrew ang matanda at hindi na nakinig pa. Narinig niya ang lahat. Malaking pera at pagbabago sa buhay niya ang kapalit ng eksperimento.

Yun ay kung eepekto. Eh paano naman kung hindi? Paano kung ikakamatay pala niya ang gamot na iyon? At paanong magiging 17 ulit siya dahil sa gamot na iyon?

Sinubukang matulog ni Andrew. Ngunit paulit-ulit ang pag-ulit ng mga offer ng matandang doctor. Napaka-gandang offer nga naman.

.
.
.

"Bobo!" singhal ng matandang Engineer kay Andrew at inihagis ang hardhat nito sa binata. Malakas iyon at tiyak na masakit, pero malaki ang pangangatawan ni Andrew. Hindi naman siya masyadong nasaktan. "Inutil ka! Hindi ka nag-iisip! Umalis ka na! You. Are. Fired!" sigaw pa ulit nito at tinulak si Andrew na naging dahilan para matumba siya. Matalim na tingin ang binigay ni Andrew sa Engineer. Hindi siya sanay na ginaganyan siya ng iba.

Hindi siya sumagot at tahimik na umalis sa site. Naiinis siya? Oo. Pero hindi katulad ng iba, professional na tao si Andrew.

Nilakad niya pauwi habang tirik ang araw. Nagmamadali na siya para makapagpahinga at makakain na sa barong-barong niya. Kahit alam niyang isang daing lang ang makikita niya sa hapag niya, natatakam pa rin siya dito.

"SUUNNNOOOOGGGG!"

Naalerto siya at tinakbo papunta sa bahay niya. Nasusunog ang buong compound ng mga eskwater. Kasama doon ang gawa sa manipis na kahot niyang bahay. Pinanood nalang niyang tupukin ng mainit na apoy ang inaasahan niyang mapapag-pahingahan niyang bahay. Wala na akong bahay.

.
.
.

Matapos ang ilang oras, mula ng masunogan si Andrew nandito siya sa isang estero at nakaupo sa gilid. Gutom. Pagod. Madumi. Nahihirapan na siya. Hindi niya maiwasang isipin na parang sinasadya talaga ito. Na kailangan talaga niyang tanggapin ang eksperimento ng matandang doctor. Hindi na nag-isip pang muli si Andrew at gumawa na ng paraan para hanapin ang matanda.

"I have to do this. I need money. I need a shelter. Fine! This is crazy! PROJECT: HIGHSCHOOL."

***

A/N:

Hi, sorry if lame ang first chapter. Well, it is just the start pa lang naman. :)

I hope, Conde won't correct me (my grammars, I mean). XD

Thanks for reading this! :*

- Ms. D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Project: HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon