Janice's point of view
"Dad, mamayang uwian wag mo na ako sunduin. Kasabay ko sila mark."
"Okay. Text kanalang kung kailangan kita sunduin. Ha janice? Sige na pasok kana i love you janice. Ingat!"
"I love you too dad! Bye."
'Daniella Ho mention you in a comment'
Hays. Ano nanaman kayang ka eklavuhan neto ni nyela! Letse bagal ng data. Mamaya ko na lang titignan.
"Janice!! Nakita mo na yung mention ko sayo?"
Eto nanaman po sya.
"Hindi pa."
"Tignan mo na."
"Okay"
Wait what?
Korea,japan,usa,philippines challenge?"Sus nyela! Basic. Wala na bang ihihirap? Basic neto eh! Sige mamaya. Pag uwi na pag uwi ko. I'll take this challenge!"
"Woa! Yabang bebe anne ah!"
"Talaga! Haha tara na nga sa room dami mong daldal jan ehh! Haha!"
"Anne! Nakikita mo naman yung ka sweetan sakin ni deejay diba?"
Sa puntong ito seryoso sya. Di ko alam kung bakit na fefeel ko sya. May boyfriend sya. Pero parang na fafall sya kay deejay. Malaking problema yun para sakanya. Pero dapat iparamdam ko sakanyang andito lang ako sa tabi nya as her bestfriend.
"Oo bakit? May problema kayo?"
"Tignan mo bio nya."
Agad kong kinuha yung phone ko. Kahit papano naman kasi may concern ako dito sa best friend ko. Yokong umiiyak yan.
"Sino yung kaaaayyy?"
"Di ko alam. Pinaasa nya lang ako. Pina fall nya lang ako. Pinag laruan nya lang ako. Sana una pa lang sinabi nya na laro lang yung lahat! Para nag laro nalang din ako. Ginawa nya lang akong REBOUND!! annennngggg!!
" hays. Wala akong magagawa dyan nyela. Basta andito lang ako para sayo ahh!"
Puro daldalan lang kami ni nyela hanggang matapos yung first subj. Hays. Ano kaya nararamdaman ni nyela ngayon? Hays. Kung ano man yun andito lang ako.
"Bye nyela! See you tommorow! Bye! Ingat!"
"Bye janice"
Wala syang gana. Sana naman hindi ko maranasan yun. Natatakot ako.
"Janice! Tara na alis na tayo!"
Sumakay na ako sa kotse ni czarina. Pupunta kasi kami sa robinson saglit. Medyo naboboring lang ako kasi wala si nyela. Di yun komportable ngayon kasama si deejay. Sumakay na sila lahat. Kasya naman kami harap sila czarina saka mark. Apat naman kami nila cess deejay at bert dito. Wala si cheena. Player varsity kasi sya ng volleyball sa campus.
"Ano okay na kayo jan sa likod?"
"Oo mark. Tara na"
"Mark! Patugtog ka nga"
Si cess talaga palaging bored ehh. Nag patugtog si mark ng fight song.
"This is my fight song
Take back my life song
Prove I'm alright song
My power's turned on
Starting right now I'll be strong
I'll play my fight song
And I don't really care if nobody else believes
'Cause I've still got a lot of fight left in me""Bert ano ba yan ang ingay mo naman!!"
Aba. Wala rin sa mood to si deejay ahh. Dahil ba dun sa nangyari sa kanila ni nyela? Hays. Pano ba yung rebound? Basketball yun ehh diba? Saka bakit? Bakit nya nagawa kay nyela yun? At higit sa lahat......
Masakit ba maging REBOUND?...
YOU ARE READING
REBOUND (On-going)
Teen FictionAlam kong masakit pag nasugatan. Masakit pag nadapa. Masakit pag napalo ka ng mama mo pag ang kulit kulit mo. Pero ngayong high school na ko, iba pala ang meaning ng 'masakit' kaiba sa 'masakit' na alam ko nung bata pa ko. Simula nung pinasok ko ang...