Special Chapter: No Escape

12 0 0
                                    

"Nasan ba kasi talaga sya ngayon!"

Isang malakas na sigaw ang narinig nila mula sa loob ng bahay ni Keith, apparently nawala na lang basta basta si Leo three weeks ago. Kaya ito sila ngayon nakakarinig ng matinding sigaw mula sa loob, na kahit ang kapatid nito ay hindi magawang mapatigil.

"Ate Ariella, Ate Xylene, please help me with this. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko, si Kuya Leo lang kasi talaga ang nakakapag pakalma sa kanya eh..." Pakiusap sa kanila ng kapatid nito na si Amanda, she can really feel her struggles with her brother.

"Don't worry, we will help you with him." Malumanay na sagot nito sa dalaga, at dahan dahang pumasok sa kwarto ni Keith.

Hindi na din sila nagulat na sobrang makalat ang kwarto nito, lalo pa at hilig nitong mag tapon ng mga gamit kapag galit ito. Only Leo can stop him from this, but the problem now is he became too depending on the other.

"Keith huminahon ka nga! Pati kapatid mo natatakot na sayo! Goodness sake, hindi lang dapat kay Leo umiikot ang mundo mo. Alam ko na best friend mo sya, pero may sarili rin syang problma kaya sya umalis!" Naiirita na kasi talaga sya sa mga nangyayari, para kasing katapusan na ng mundo kung umasta ito.

"May problema sya?" Naiiyak na tanong nito sa kanila, at tumango sila bilang sagot. Naalala pa nya nung....

(Flash Back)

"Kayo na muna ang bahala kay Keith ok?" Bilin ni Leo sa kanilang lahat.

"Saan ka naman pupunta Red Aries? Iiwan mo na lang kami? Alam mo naman na hindi namin kaya si Keith, kailangan ka nya sa tabi nya." Naguguluhan kasi talaga sya.

"Kailangan ko lang ayusin ito, besides hindi matututo si Keith kung lagi akong nasa tabi nya." Tama nga naman ito, pero ito nga ba talaga ang paraan?

"Oo nga pala pag nag simula na syang matapon ng mga gamit, hayaan nyo lang muna sya. That's his way of relieving stress, kapag umiyak naman sya ibig sabihin hindi na talaga nya kaya ang mga bagay bagay. Yakapin nyo lang sya pag ganon ang mangyari ok? I'll leave him under your care, sige na I have to go now remember I love you guys!" Bilin nito sa kanila at umalis na sa hideout.

(End Of Flash Back)

      Naalala naman nya ang sinabi ni Leo sa kanila few weeks ago, na kapag umiiyak na ito ay yakapin para kumalma. At yun nga ang ginawa nila, she also remembered kung anong ginawa ni Leo nung party ng anak nya.

"Shh... It's ok... We're sorry about that, you have to calm down for now alright? Babalik din sya satin, kagaya namin ni Xylene. You have to... No! We have to trust him ok? Yun ang turo ni Master M satin hindi ba?" Malumanay na tanong nya rito, at tumango lang ito bilang sagot.

Siguro nga ay sobrang pagod lang talaga ito, kaya pinahiga na nila ito sa kama kahit pa magulo. Napansin kasi nila noon pa man mas nakakatulog sya pag magulo ang kama nya, pero habang ginagawa nila iyon naramdaman nya sa paligid si Leo. Ayaw na lang muna nyang sabihin sa mga kasama nila, dahil baka mag wala na naman si Keith.

Maya maya pa ay lumabas muna silang lahat sa kwarto nito, upang makapag pahinga ito ng husto. Agad naman nyang tinipon ang mga kasama nya, hindi pwedeng hindi nila malaman ang totoo.

"Yes Ariella, what's wrong parang naka kita ka ng multo?" Mas gugustuhin nya na multo na lang ang nakita nya kanina.

"Guys... Naramdaman ko si Leo kanina, he's here hiding somewhere else."

"Oras na siguro para buwagin muna natin ang power duo, ipapakita na natin kay Keith ang video message." Kinabahan naman sya sa sinabi ni Terrence sa kanila, pero tama naman ito kailangan nilang mabuhay ng magka hiwalay.

"Anong video ang tinutukoy nyo?" Lahat sila nagulat ng mag salita si Keith mula sa likuran.

They all hesitated on weather to show him the video or not, but Terrence seems to be determined to set them apart. Dahil mas mabilis pa sa alas kwatro na pinakita nito ang video sa kaibigan nila, inabot ng ten minutes bago ulit nag salita si Keith.

"This is what he wants to happen? Fine... I'll do what he wanted, mag handa lang talaga sya. Dahil pag balik nya ibang Keith Lawrence Alonzo na ang makikita nya!" He said to them confidently, and went back to his room.

He act like he's alright, but they​ know him better. Behind those brown orbs, is a person whom is broken by what he just saw. They don't want to pity him, but they can't help it.

Sana lang magawa pa ni Leo na ayusin ang gusot na ginawa nya pag balik nya, dahil kung hindi baka tuluyan ng mawala si Keith sa kanila. They will never let that happen, hindi pwedeng sabay silang mawala sa kanila. Baka masira na ang R.M. Group pag nagkataon.


        Kanina pa sya nakamasid sa labas ng bahay ng best friend nya, nalaman narin siguro nito ang laman ng video message. Nakita kasi nyang may hawak itong video camera kanina, at bases sa reactions nito hindi nya nagustuhan ang laman nun. Ayaw din naman sana nya na humantong ang lahat sa ganito, pero ito lang nakikita nyang paraan para hindi ito masaktan pa. Bakit ba naman kasi pumayag sya sa plano ng Lolo nya eh... Kaikangan nya tuloy iwan ang mga kaibigan nya, pero para rin naman ito sa kaligtasan nilang lahat. Sana lang kapag nalaman nila, ay mapatawad sya ng mga ito.

"Kailangan na nating umalis Leo, pinagbigyan na kita sa gusto mo. Kaya sundin mo ako ngayon, kung hindi may mangyayari sa kanilang hindi maganda." Banta sa kanya ng Lolo nya, kaya no choice sya kung hindi ang umalis na lang kasama ito.

"Opo Lolo, please don't hurt them... I'll do anything you say." Pakiusap nya sa matanda, pero hindi naman sya nito pinansin.

"They made you too soft, kailangan mo ulit maging heartless."

Siguro nga the entire R.M. Group have made him soft, but if this is the only way para hindi masaktan ang mga taong mahal nya.... Might as well babalik na lang sya sa pagiging heartless, at least sa ganong paraan makaka kaya nyang lumaban mag isa. Besides there will be no escape from the cruel destiny's game!

(I just wanted to say thank you to those who have been reading this book, sobrang natagalan ang pagtatapos ng libro na ito. I have many struggles with this, but the fact that someone is at least reading this makes me motivated. By November mag sisimula na tayo sa book 3, so hopefully you would still support me and this series. And I hereby declare Black Libra's Sweet Nightmare is finally over. As always have a good day ahead my Angels!)

🎉 Tapos mo nang basahin ang Heaven Series: Black Libra's Sweet Nightmare 🎉
Heaven Series: Black Libra's Sweet NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon