Is It Possible?
Jared's POV
Nakarating na kami sa dorm at agad-agad pumasok si Louise sa kwarto nya. The clock striked to 11am at naupo na lang ako sa may living room para manood ng tv. Medyo boring na rin kung babalik ako sa klase, kaya I decided to ask for an excuse slip sa clinic na kunyari may sakit ako.
Umarte ako na kunyari may ubo at sipon. Good thing na naniwala yung school nurse namin at agad akong binigyan ng slip. Siguro din dahil sa charms ko.
Okay, umatake na naman ang pagiging mahangin ko. Pag pasensyahan, minsan lang naman po akong ganyan.
Tumayo muna ako sa sofa at dumiretso sa kwarto ko para magbihis. Nagsuot lang naman ako ng black sweatpants at plain v-neck shirt. Lumabas na rin ako para magluto ng lunch para sa amin ni Louise.
While cooking kimchi fried rice, lumabas ng kwarto si Louise na bagong shower lang. Okay, kahit simple lang yung suot nya, hindi ko mapigilan na hindi mapanga-nga dahil sa natural beauty nya. Pssh, ang hirap pala kapag may kasama ka na maganda at sexy sa dorm.
At hindi ko malaman kung saan ko nadampot yung word na 'sexy'...
A gray hoodie jacket with a faded print of England's flag, short denim shorts at pair ng black slippers. Pwede na sya mag model, carry naman nya yata kahit anong attire ang isuot nya eh. Her hair was already dry, probably she blowed it dry na kanina.
"What's the menu?" I snapped out of my thoughts nung bigla nyang wi-nave yung kamay nya sa harapan ko.
"Uhh... k-kimchi fried r-rice.." Oh shit! Did I just stutter in front of her? Jared, major turn-off!! -- HECK WHY DO I EVEN CARE???
"Smells good!" She complimented. I felt my cheeks heating up kaya agad ko nang tinuloy ang pagluluto ko, "Sarapan mo yan ah."
Tss.. Kung alam mo lang kung gaano ako kagaling magluto, baka araw-araw mo nang hanapin ang mga recipes ko.
Ang hangin ko na naman.
Natapos ako magluto at naghain na sa lamesa namin.
Tumikim sya sa niluto ko. Medyo kinabahan ako na kahit hindi naman dapat at hinintay ko na lang ang sasabihin nya sa akin.
"Oh well, sige na nga pwede ka na mag asawa." Natawa naman ako sa sinabi nya at kumain na rin.
Tss, baka ikaw ang paibigin ko diyan.
Ay puta, ano daw???
------
Matapos namin kumain ng lunch, naging dakilang tambay na lang kami sa sala at naghintay ng himala. Pareho lang kaming nakatitig sa kisame at walang imikan. Pero dahil hindi ko kayang tumagal ng walang ginagawa ngayon, nagsalita na lang ako.
"Kwento ka naman sa akin ng childhood life mo oh."
"At bakit bigla ka naman naging interested sa childhood days ko? Sa pagkakaalam ko, wala kang pakialam." Sagot nya. Babatukan ko sana sya, kaso bigla ko naalala na hindi na nga pala sya yung dating tao na nagtatago sa damit ng isang lalake.
"Ouch hah. Hindi naman sa minsan eh lagi tayong magkaaway, meaning nun eh wala na akong pakialam. Gusto ko lang naman malaman life mo noon."
"Sige na nga. Basta kwento mo rin yung iyo ah."
"Ay kelangan ako rin?"
"Aba, syempre! Unfair naman kung ako lang magkkwento noh. Dapat ikaw din. Promise ah?" She signed a pinky promise in front of me, waiting for my response, I just stared at it with my eyebrow up.
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Teen FictionPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?