Ley

22 0 0
                                    

DubDUb..DubDub..DubDub. DUb DubDubDub...

Ahhh!!!!!

Dumating na ang araw. First day ng pasukan.

First day ng hell year sigurado.

Ehhhhh!!! Ayoko na! Nababahag na ang buntot ko.

"Marie Ley bilisan mo na", sigaw ng lola ko mula sa kusina. 

"opo! ito na nga eh"

Tumingin muna ako sa salamin. Syempre natatakpan ng bangs ko ang brown kong mga mata at halos ang tungki na lang ng may katangusan kong ilong ang nakikita. Medyo namumutla rin ang kadalasang naturally cherry red ko na mga labi. Dinagdagan ko ng pulbo ang parte ng high cheek bones ko. yan. Pwede na yan. Tinali ko ng simpleng pony tail ang buhok ko. 

Pagbaba ko, nag breakfast lang ako saglit tsaka lumabas na ng bahay.

"la, sure kang pwedeng gamitin tong kotse?"

"oo nga. Wala namang magnanakaw dito. Sus"

Nagkibit balikat ako tsaka sumakay sa four year old nang Audi ni lola. Sabi ni lola, karamihan daw sa mga estudyante dito eh nakakotse na kung pumasok dahil sa layo ng Laurel State National High School. 

Huminga ako ng malalim muna bago nagpaalam na kay lola.

"wag kang gagawa ng kasyongaan ha, Marie Ley? First day mo pa lang ngayon"

Napangiwi ako. "tingnan natin La"

Nag drive na ako paalis. Alam ko  na kung saan yung school. Buti dito, walang traffic. Kaya minsan, nagegets ko rin bakit nag alsa balutan si lola from Manila eh. Haayy... nga lang, wala akong friend dito. tsk.

Maaga akong dumating kaya maluwag pa yung parking space. Ipinarada ko yung kotse sa tabi ng isang pulang Lancer. Ang ganda, mukhang bago. Kinuha ko na yung mga gamit ko, kasama ang mapa ng school syempre for safety purpose, at pumasok na sa main hall.

3rd Floor, Section Aquino.

Hingal na ako nang finally makaakyat ako sa third floor. Kainis.

Abelardo...Aguinaldo... tsaran! Aquino-

Aw!

Bumangga ako sa isang lalaki na hindi ko nakita kung saan nagmula. Bumagsak yung mga gamit na dala ko at nabarag ata ang buto ko sa pang upo dahil sa lakas ng impact. Tiningnan ko sa balikat yung lalaki.

"Hoy! Hindi mo ba ako nakita-"

"hindi"

Nanlaki ang mga mata ko. EPAL!!! "Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo-"

"Pls. close your legs. Your underwear is showing"

"pakialam-what?!!"

Kaagad kong pinagdikit ang mga binti ko at padaskol na tumayo. "bastos!"

"excuse me, ikaw ang nagpakita"

"Bastos ka pa rin!"

"whatever", he said then yawned. Nilayasan nya ako. Ang kapal ng mukha ng lalaking yun. Kuuu!!!! Di man lang nag sorry. Akala ko ba mababait ang mga tao sa probinsya?!

Arghhh!!

.......................................................................................................................................................................

Naupo ako sa dulong seat ng classroom na unti- unting napuno pagpatak ng seven o' clock. Busy lang ako sa pagdodoodle sa notebook ko, hindi ko sila pinapansin. Then may tumayo sa tabi ko.

"Wow, ang galing mong magdoodle!", sabi ng isang babae. Syempre tiningnan ko sya. Naka braid ang buhok nya into two, parang yung sa bata. Maputi sya, expressive ang mga mata at parang laging nakangiti.

"t-thanks", sabi ko sabay ngiti ng tipid.

"Transferee ka dito di ba? Actually kanina ka pa namin pinag- uusapan"

Ngek.

"What's your name?"

"Ley". Hindi ako ang sumagot nun kundi ang lalaking umupo sa katabi kong upuan. And oh my gosh kilala ko ang boses na yun. Sya yung lalaki kahapon!!! Nyayy!!! May katabi akong GWAPO!!!

"Magkakilala kayo Mike?"

"Yup. Na meet ko sya kahapon sa dalampasigan"

Mike pala ang pangalan nya.....

"I'm Cherry", sabi nung babae tsaka inabot ang kamay ko. " Nice meeting you"

I smiled. " Nice meeting you rin"

Nakakatuwa naman, may bago na akong friend.

"psst, Cherry, ipakilala mo rin kami"

"Bulong na yan sa lagay na yan ha, Mae?"

"walang bsagan ng trip"

"wag kayong magulo. Magpapakilala tayo kay Ley"

Napatingin ako sa tatlong babae na nakatayo na saharapan ko- ay dalawa lang pala. Bakla pala yung isa. Nginitian nila ako.

"I'm Mae". sabi nung babaeng may mahabang nakalugay na buhok na medyo chubby.

"I'm Jean", sabi naman nung babaeng medyo payat at morena.

"I'm Mystica", sabi naman nung bakla na ikinatawa ko.

"At sya naman ang bago kong kaibigang maganda. Ley. Hi din. I'm Mike"

Napaharap ako sa kanya- wrong move na naman!! Bakit ba sa mukha nya laging dumideretso ang tingin ko tuwing titingnan ko sya??? Arghh!! Mukha na akong kamatis sa pula. Nakangiti sya this time. Mas naging gwapo pa ata sya!!

"eehh, maganda pala ha?"

"Kayo na Mike?"

"Kaibigan nga eh. Gaga ka talaga! Akin si Papa Mike!"

"Shut up children!"

Buti na lang nadistract ako nung apat kong bagong kaibigan. I giggled dahil ang cute nilang mag- away. Nawala ang pagka loner sa kanila. Ang dadaldal!

Tumahimik ang buong klase nang pumasok na ang adviser namin. Uh- oh. Please lang, wag na sana akong piliting mag- introduce ng sarili. Nakakahiya!!!

"Class, I believe may transferee tayo from Manila na from now on ay magiging kaklase nyo na. Pls. come forward Ms. Lopez and introduce yourself"

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi dininig ni Lord ang panalangin ko. Nyaayyy!!!

My Bangs and Siya na NakakahibangsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon